ML Sixteen

5.4K 114 0
                                    

"AAHHHHHHHHHHhhhhhh.... "

Yung white lady kagabi, nakahara dito sa daraanan ko!

"What the hell?  You're so loud!" Humarap sa akin ang multo at pinasiritan ang mukha ko ng tubig na pandilig ng halaman.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Matutuwa dahil sa Ms. Keegan lang pala ito o magagalit dahil binasa nya lang naman ako? Inihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha.

"You're voice is so freaking annoying. Are you gay?" Iritang tanong sa akin ng maganda kong amo.

What the? Ako? Bading?

Magpoprotesta pa sana ako ng bigla na lang nyang iniabot sa akin ang hose at umalis na sya sa harapan ko.

Hindi man lang ako pinagpalit ng damit? Pero sandali lang..

Pinagmasdan ko ang papalayong pigura ni Ms. Keegan at hindi ko maiwasan ang mapangaga. Paano ba naman, ang suot nya ngayon at ang kilos nya. Walang ipinagkaiba sa white lady na nakita ko kagabi.

Binawi ko ang aking paningin sa kanya at ipinilig ko ang ulo ko, baka imahinasyon ko lang iyon. I look at her again pero tuluyan na itong nakapasok sa loob ng bahay.

I sigh, imposible namang multo ang amo ko. Sa ganda nyang yon!

Keegan

Hindi na naman ako mapakali. Palakad lakad ako dito sa loob ng kwarto ko. The thirst I've been feeling since earlier is getting stronger. Pictures of Clarisse bloody foot this morning keeps on flashing on my mind. Fuck!

My eyes turned red at kusang lumabas ang mga pangil ko. I headed to my closet at inilabas ang maskara ko. Nagpalit rin ako ng damit. Tumalon ako sa bintana ko and headed to the woods.

I've been here for almost an hour, but hell! I can't feel any presence. And unlike before, I'm not a woman with a long string anymore. My thirst can't wait!

Tinanggal ko ang maskara ko at sa isang iglap lang, nasa bayan na ako. Where human blood is everywhere. Napapangisi na lang ako sa pagkain na nakapalibot sa akin.

Bakit nga ba ako maghihintay sa kakahuyan kung pwede naman akong pumunta sa lungga nila?

All eyes on me, well, can't blame them. I have a goddess like beauty that no one can resist.

Yeah, even my brother got sweep off his feet because of my peculiar beauty.

Sabi ng maliit na boses sa isip ko.

Haaaay.. Enough with the thoughts of my brother. Pumunta ako dito para kumain hindi para magmuni-muni.

Dinala ako ng mga paa ko sa bar. Oo, alam kong bar ito dahil hindi naman ako inborn na halimaw. I used to be a human you know. Pero kahit ganoon, this is my first time to be in here.

Madali lang akong nakapasok. Kulang na lang tumulo ang laway ng bouncer nung dumaan ako sa kanyang harapan. And as expected, lahat ng tao dito sa loob ay natawag ko ang atensyon. Their eyes are all locked on my beauty, pati DJ, natigil sa pagpapatugtog.

Kulang na lang humalakhak ako. Poor humans, wala silang kaalam alam sa trahedyang dala ko.

Taas noo ako habang naglalakad sa alon ng mga tao na kusang nagbibigay ng espasyo sa daraanan ko. Tahimik nilang pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Siguro kung nakaheels ako, tunog lang niyon ang mangingibabaw sa loob ng lugar na ito. Their eyes are looking at me filled with admiration and stun.

Nang makarating ako sa bar counter, narinig ko ang pagtighim ng DJ at kasunod niyon nangibabaw na ulit ang maingay na musika.

Humarap ako sa bartender at gaya ng iba, tulala rin ito sa taglay kong ganda. Punong puno ng paghanga ang mga mata nitong nakapako sa akin.

Napangisi ako, kung gagamitin ko ang hitsura ko, walang kahirap hirap akong makakahanap ng pagkain ko.

I cleared my throat para tapusin ang pagpapantsya sa akin ng lalaki.

"What can I do for a pretty lady like you?" He said obviously hitting on me. Kinindatan pa ako.

Pasimpleng umikot ang eyeballs ko. Pero hindi na rin masama, may hitsura ang lalaking nasa harapan ko. Kaya ngumiti ako dito ng peke, at tila naman nagkaroon ito ng pag-asa. Asa!

"Since I'm new here, I want you to give me the best choice your bar can offer." I smiled seductively at tumalikod dito. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bar and watch the every move of my prey's.

I closed my eyes and inhale the intoxicating scent of their sweet blood. Nangingibabaw ang amoy niyon sa amoy ng alak at sigarilyo na nagkalat.

My blood lust, I can contain it but I just can't ignore it.

"Why am I not surprised? Tonight's the very first time I saw your exceeding beauty." The bartender says. Lumingon ako dito and he handed me the drink I ordered. I thanked him at tumalikod na ulit dito.

I roam my eyes again at natigil iyon sa lalaking titig na titig sa akin. I smirk and take a sip on the liquor on my hand without breaking the eye contact.

Naramdaman ko na naman ang pagkatuyot ng lalamunan ko kahit na may iniinom ako.

I know this feeling and I know what my throat and fangs need.

Inisang lagok ko lang ang alak na hawak ko. Kahit first time kong makatikim niyon, wala itong epekto sa akin. Binayaran ko na kaagad iyon at tumayo na. I even heard the bartender asked me my name pero hindi ko iyon pinansin.

Gaya kanina, kusang humawi ang mga tao sa daraanan ko kaya madali akong nakalabas. And as expected, sumunod ang lalaki sa bar. Hindi ko ito nilingon dahil ramdam ko ang presensya nya na nakasunod sa akin. Napangisi ako as I lead him to the dark part of the road. Inilabas ko ang aking maskara at isinuot iyon.

Nang makuntento sa layo at dilim, I stopped. Hinarap ko ang lalaki na kanina pang nakasunod sa akin, nagulat pa ito dahil nakasuot na ako ng maskara. Before he could say  word, nailagay ko na ang daliri ko sa labi nya.

"Shhhh..it's me." I said in a hush voice.

Not bad, gwapo ang uto-utong lalaki na ito.

Tinanggal nya ang daliri ko sa kanyang labi at hinalikan iyon. I let him, dahil simula ngayon sa ganitong paraan na ako hahanap ng pagkain.

He was about to kiss me on my lips pero itinulak ko sya at isinandal sa pader. "No!" Medyo napalakas na sabi ko na nakapag pakunot sa noo nito."I mean uh-- let me do the move." Sabi ko na nakapagpangisi dito.

I don't care what he's thinking right now. Ang mahalaga ay may pagkain na ako.

He slap my butt na nakapagpaigtad sa akin. What the hell?? Namula ang mga mata ko sa inis. Hindi ko na ito kayang patagalin pa.

I kiss him on his cheek pababa sa kanyang leeg. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng dugo nya sa kanyang mga ugat. Abala naman ang mga kamay nito sa paghaplos sa maseselang parte ng katawan ko.

Lumabas ang pangil ko, I kiss him on his neck again.

"Come on babe, remove your mask. I want to see your bea--" tinakpan ko ang bibig nito.

"Hmm fierce! I love it." Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko na mas humihigpit ang pagkakatakip sa kanyang bibig.

"Hey, what are you doing?  I can't agshmskdkhdbh.. Ahmmmmmmm" tahimik na ungol na lang ang lumabas sa bibig ng lalaki ng ibaon ko ang pangil ko sa kanyang leeg.

Masked Lady (Bloodsucker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon