"KEEGan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.
Napaatras ako palayo dito at pinagmasdang mabuti ang babaeng walang malay na nakahiga sa lupa.
Imahinasyon ko lang ba iyon o sadyang totoo? Pero paano? Bakit tila isang halimaw ang hitsura nya kanina? Anong klaseng nilalang ang amo ko?
All this time, I'm leaving with a..with an...unknown creature? Paano na lang kung delikado pala ang babaeng ito? By the looks of her, kita na may ginawa syang hindi maganda.
Pero sinaktan ka ba nya? Tanong ng maliit na boses sa isip ko.
Hindi, pero inatake nya ako kanina. At kung hindi sya nawalan ng malay, hindi ko alam kung anong pwedeng nangyari sa akin.
But nothing happens!
Napalatak na lang ako, at pinakatitigan si Keegan
What should I do?
Kahit halos lumabas na sa lalamunan ko ang puso ko. I decided to carry her and bring her inside her room. Lumalin na rin sa damit ko ang dugo na nagkalat sa kanyang katawan.
Now what?
I asked myself ng mailapag ko sya sa kanyang higaan. Ano ng gagawin ko, bibihisan ko ba sya? But how? She's a girl and I'm a.. guy.
I sigh.
Ngayon ko lang napansin na hindi natutuyo ang dugo na nasa damit nya. Is she bleeding? Lumapit ako sa kanya at tinitigang mabuti ang kanyang kabuuan. God knows how much I tried not to look at those forbidden inviting sights.
"So it's her stomach that's bleeding." I told to myself.
Pero ano naman kung iyong tiyan nya ang dumudugo? May magagawa ba ako? Pero hindi ko naman sya pwedeng pabayaan ng ganyan. Baka maubusan sya ng dugo at iyon pa ang ikamatay nya. Konsensya ko pa kapag nagkataon.
Napabuga ako ng hangin.
Bahala na!
Nangangatal ang kamay ko habang inaabot ang dulo ng kanyang bistida. I was about to lift it up when someone just barged in.
"Don't you dare!" May pagbabantang sabi nito sa akin.
Nabaling ang tingin ko sa nagsalita at kunot ang noo habang pilit na kinikilala ang nilalang na nasa harapan ko. I know this guy, nagpupunta sya dito nitong mga nakaraang araw.
"Get your hands away from her." Turan nito at wala sa sariling napabitaw nga ako sa damit ni Keegan.
Hindi ko alam pero may kung ano sa boses nya na nakakatakot. Na kahit labag sa loob ko, sumusunod naman ang katawan ko.
"B-but she's bleeding." Kandautal kong katwiran dito.
F*ck! Why am I stammering?
"I know." He walk towards us at wala sa sariling napaatras ako.
What the hell? Ano bang problema ng katawan na to?
Lumapit sya sa walang malay na babae at pinagmasdan ang kabuuan nito. Nakaramdam naman ako ng inis. Ayokong may ibang lalaki na titingnan sya ng ganoong paraan.
"Anong ginagawa mo dito?" Pilit kong pinatigas ang boses ko, kahit na nangangatal ako sa hindi ko malamang dahilan. "Si Lloyd ka di ba? You know you're trespassing right? At alam mo rin na ayaw ni Ms. Keegan nyang ginagawa mo, so if I were you, umalis ka na." Turan ko pa, pero tila wala itong narinig. Nakatitig lang ito sa mukha ni Keegan na kahit puro dugo ay napakaganda pa rin.
"You'll forget everything about her." Sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.
"Ano?" Naguguluhan kong tanong.
"I'll be taking her and you'll forget everything about her." May diin nitong sabi na mas lalong nakapagpagulo sa akin. "I know you like her Chester, but sorry to say she's mine. And I hate sharing." Tumingin ito sa akin at halos mawalan ako ng balanse ng bumungad sa akin ang nakakatakot nyang ngisi at mapupulang mata.
P*tang ina, halimaw!
Kabilugan ba ng buwan kaya naglalabasan ang mga halimaw? Nakakabakla mang pakinggan pero gusto kong tumakbo at sumigaw. But I can't move, tila napako ako sa kinatatayuan ko habang papalapit sya sa akin while looking straight into my eyes.
"Kakalimutan mo ang lahat ng koneksyon mo kay Keegan. Kakalimutan mo si Keegan." Paulit-ulit na sabi nito.
Hindi lang pala halimaw ang isang to. Sira ulo pa, tsk!
"Kakalimutan mo ang lahat ng koneksyon mo kay Keegan. Kakalimutan mo si Keegan."
Nanlabo na lang bigla ang paningin ko at bumagsak ang katawan ko sa sahig.
↭↭↭
"Aray!" Daing ko ng maglipat ako ng pwesto sa aking pagkakahiga. Wala naman akong natatandaan na mabigat kong ginawa kahapon para manakit ng ganito ang katawan ko.
Tumihaya ako at marahang iminulat ang aking mga mata. Medyo malabo noong una dahil na rin sa sinag ng araw, hindi nagtagal ay malinaw na bumungad sa akin ang kulay brown na kisame ng bahay at style bulaklak na ilaw.
Nangunot ang noo ko, wala akong natatandaan na bumili ako ng ganitong klase ng ilaw. At walang kisame ang apartment ko.
Mahilo hilo ako dahil sa biglaang pagbangon. Akalain mo yun, sa sahig pala ako nakatulog kagabi? Ipinilig ko ang ulo ko, at mas lalo pang naguluhan ng malinaw kong napagmasdan ang kwarto na aking kinaroroonan.
"Where am I?" Tanong ko sa sarili ko.
How the hell did I get here?
Malayong malayo ang hitsura ng magandang kwarto na to sa apartment kong magulo. At ang mga gamit, puro gamit ng babae.
Naglakad ako papasok sa pinto na nakita ko, I mean, lumabas pala. Mga antique na gamit ang bumungad sa akin. Malinis ang kabuuan ng mala kubo na bahay.
Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung paanong tila memoryado ko ang kabuuan nito. Instead of feeling lost, it feels like... home.
But something is missing.
Ano?? Sino??
Bumalik ako sa kwarto na pinanggalingan ko at pinagmasdan ulit ang kabuuan niyon.
Why does everything seems to be familiar in this room?
BINABASA MO ANG
Masked Lady (Bloodsucker)
VampirosI just love traveling and taking scenery photos. But something happened, hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano. Basta nagising na lang ako isang araw na malakas ang pang amoy, pakiramdam at pisikal kong lakas. And mostly, thirst. Thirst, that o...