ML Eighteen

5.1K 121 2
                                    


"Where the hell is Mimi??" Galit na tanong ng kanyang manager.

Mimi is my co model and my partner for today. We're endorsing the new-fashioned couple attire. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin sya dumarating at galit na ang photographer. Akala ko ako na ang pinakalate eh.

Habang busy magkagulo ang mga staff sa pag aayos ng problema, inabala ko naman ang sarili ko na titigan ang aking magandang dyosa. Tahimik lang itong nakaupo sa pinag iwanan ko sa kanya kanina. Wala ng lalaki na nakaaligid sa kanya, nauta na siguro kakausap sa snob kong amo. Napapangisi na lang ako sa loob ko.

Maya maya lang ay humara ang malapad na likod ni Carmen sa maganda kong tanawin.

WTH??

Kinakausap nito si Ms. Keegan na pana'y lang ang tango. Tumayo si Keegan kasabay ng manager ko at naglakad sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Gusto ko sana silang sundan pero sinita ako ng baklang photographer. Kaya wala akong nagawa kundi tanawin na lang ang daan na tinahak nila kanina.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin sila at noon lang ako nakahinga ng maluwag. Pero sandali, is she wearing the same outfit as mine? Pang-ladies version lang ang sa kanya.

Don't tell me...

"Ok, to your position." Pagkumpirma ng bakla sa katanungan sa isip ko.

May nag assist na babae kay Keegan palapit sa akin. And hell! She's stunning as ever!

Pwede naman siguro akong kiligin kahit lalaki ako di ba? Mahahawakan ko ang aking dyosa! Gusto kong tumalon sa tuwa!

"What the hell are you doing Chester?" Salubong ang isang guhit na kilay ni Carmen na nasa harapan ko pala.

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko dito. Ano bang ginawa ko?

"Why are you jumping? Wala pang instruction na ibinibigay si Dion." Nakapamewang na turan nito at bumaling kay Keegan.

Shit! Napatampal ako sa noo. Did I literally jumped for joy?

Nakakahiya!

"Okay places everyone." Sigaw ulit ng bakla. "And both of you.." Pagtawag nito sa pansin naming dalawa ng dyosa ko. "I want you to imagine that you're a couple that is deeply inlove with each other. Be intimate. Just do what couples do." Yun lang at pumunta na ito sa pwesto nya.

"What do couples do?" Halos malaglag ang panga ko sa tanong ng katabi ko.

Seriously? She don't have any idea about that? Matutuwa na ba ako? Isa lang kasi ang ibig sabihin non, NBSB ang dyosa ko. Nagdidiwang ako sa loob ko dahil sa nalaman.

"Okay, do your facade models." Rinig kong sabi ni Dion.

"Just do as I say." I told Ms. Keegan at hinawakan sya sa bewang. I put her's on mine too. Para naman akong nakuryente sa ginawa ko. This is the very first time that I have a body contact with her. At feeling ko magcocollapse ako.

She smells so damn good!

Lahat ng sinasabi ko sa kanya, sinusunod naman nya. Wag sana akong bulyawan nito mamaya.

"What's your name honey?" Tanong ni Dion kay Keegan mula sa pwesto nya.

"Keegan." Maikling sagot dito ng dyosa ko.

"You look gorgeous on your photos here Keegan, but you're too solemn. I want you to fake a laugh while talking to Chester, okay?"

"Got it."

"Good. Now let's resume."

And with that, narinig ko ang pinaka-nakakatulirong tawa sa buong buhay ko. Parang tumigil ang pag inog ng mundo ko habang tumatawa ang dyosa sa harapan ko.

She's perfect.

I know she's just faking it but damn! Ibang iba ang dating nya kapag tumatawa. Gusto kong ilibot ang paningin sa loob ng studio para malaman kung anong reaksyon nila sa nakikita ngayon. But I just can't take my eyes off her. She's the true definition of a goddess.

Nakangiti ako habang nakatitig sa perpekto nyang mukha while showing her perfect set white of teeth. Sunod sunod ang flash ng camera. Kung pwede ko lang itigil ang oras para masulit ko ang pagkakataong ito.

"Perfect!" Natauhan ako sa excited na tili ni Dion.

At halos kuyugin ng staff si. Ms. Keegan ng matapos ang shoot para paulanan ng papuri. Pero bumalik na ulit ang kanyang seryosong mukha.

Haaaaaay! I heave out a dreamily sigh while staring at her gorgeous stoic face.

"Can you believe it?" Nakangiting tanong sa akin ng aking dyosa. We're on our way back home. "I didn't know I'm capable of doing such thing. It's so exciting! And look.." May dinukot ito sa bag nya "calling cards from different talent scouts!" She excitedly beam.

"Believe me when I say you could do that thing." Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

Akala ko matutuyo na naman ang laway ko nito habang nasa byahe eh.

Napanguso naman ito. "Sinasabi mo lang yan dahil amo mo ako. Natatakot ka na magalit ako dahil baka masisante ka."

"Ano? Hindi ahh." Natatawang saad ko and took a glance of her."Sinabi ko lang po ang totoo. Sa ganda mong yan, walang wala ngang panama sayo ang mga artistang kilala ko. At hindi sapat ang salitang maganda para idescribe ka. Sa tagal ko na ngang nagtatrabaho sainyo ni sir Xael hindi ko pa rin maiwasan ang matulala tuwing nakikita ko ang maganda mong mukha."

Natahimik ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko ang sinabi ko. Leche kasing dila ito at walang preno. Ngayon ko lang nahiling na sana nautal na lang ako.

I look at her at bumungad sa akin ang medyo nakaawang na mapupulang labi nito.

Sarap lang halikan!

Tumighim ako hindi dahil sa sinabi ko, kundi sa katangahan na pumasok sa utak ko.

Hanggang sa makauwi kami, hindi ko na ulit narinig ang magandang boses ng aking dyosa.

Masked Lady (Bloodsucker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon