ML Twenty Six

5K 116 0
                                    


Napahawak ako sa sikmura ko na bahagyang mahapdi at nagdurugo.

Didn't see that coming.  Masyado akong naging eager na kunin ang dugo nya, hindi ko man lang naisip na pwedeng may gamit sya.

"Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito. Akalain mo nga naman na isa palang napakagandang babae ang halimaw na naghahasik ng lagim dito sa lugar namin?" He said smirking habang nakatingin sa sugat ko.

"At bago ko makalimutan, may lason ang talim ng itak ko, kaya ingat na lang sa byaheng impyerno."

As if on cue, bigla na lang nanlabo ang paningin ko.

Shit!

Ipinilig ko ang aking ulo at huminga ng malalim.

Itinaas nya ang kamay na may hawak na itak at akmang susugod sa akin kaya kahit nanghihina, I jumped as high as I can and landed on the branch of a tree that's behind me.

Napaubo ako at may lumabas na dugo sa bibig ko. Damn! 

"Harapin mo ako halimaw! Wag ka ng magtago dahil mamamatay kna rin naman!" At humalakhak ito.

I exhale three times, wala naman talaga akong balak magtago dito ng matagal, lalo na't nagugutom ako. I can see him from up here, nakatingala ito habang nakatutok ang itak na handang sumugod anumang oras. Tumalon ako sa kabilang puno, kung saan nakatalikod sya.

I jumped down without making any noise. Tumayo ako ng tuwid kahit pakiramdam ko ay anumang oras, bibigay na ang katawan ko.

Akma na akong susugod ng bigla itong humarap sa akin. Gulat ang mukha nito pero napalitan ng ngisi ng makita na mistula ng pula ang damit ko na kulay dilaw kanina.

"Wala akong panahon makipaglaro sayo hibang na nilalang, mauna ka sa impyerno." I boredly said at sumugod sa kanya.

I can feel my eyes turning bloody red, at lumabas din ang pangil ko. Ang mahahaba kong kuko ay mas tumulis pa. Ramdam ko na may nagbabago pa sa katawan ko, pero hindi ko alam kung ano pa ang mga iyon.

Don't wanna see my face right now, feeling ko mukha na talaga akong halimaw.

He was about to lunge his knife on me but in one swift, napunta ako sa kanyang likuran. And using my sharp nails, sinaksak ko sya sa likuran at dinukot ang kanyang puso. I can feel my adrenaline rush as I saw his heart.

Bumagsak sa lupa ang walang buhay na nyang katawan. Naupo na rin ako sa lupa and devour his blood kahit na makirot ang aking sugat.

Chester's POV

Hindi ako mapakali habang naghihintay dito sa labas ng bahay. Bakit ba ang hilig nyang gawin iyon? Basta na lang sya bababa ng sasakyan na animo'y natatae na hindi kayang pigilan. Tapos ng sinundan ko sya, bigla na lang syang nawala.

Ang tagal ko syang hinanap sa loob ng gubat but she's nowhere to be found. Kaya nagdecide akong umuwi na lang dahil baka nandito na sya. Pero halos isang oras na ako dito, wala pa rin sya!

Where are you?

I can sense na may itinatago syang sikreto, but whatever it is, mapapagkatiwalaan naman nya ako.

Suddenly my instinct says na pumunta ako sa likuran ng bahay, kung saan ilang beses ko syang nakita na lumabas.

Napatampal na lang ako ng palad ko sa aking noo. Bakit nga ba hindi ko naisip yun?

Nang makarating sa likod ng bahay, nagsindi ako ng sigarilyo.
I looked up in the sky, kabilugan pala ng buwan. Papaupo pa lang ako sa hammock ng may kumaluskos sa parte ng gubat.

Nilingon ko iyon at pilit na inaninag kung ano ang dahilan ng kaluskos. Maya maya lang ay may kung anong nilalang ang lumabas doon.

Halos mapahiyaw ako ng humarap ito sa akin habang nakahawak sa kanyang may bandang tiyan.

Sa tulong ng sinag na bigay ng buwan, kitang kita ko ang sabog nyang buhok, mapula ang mga mata at duguan ang bandang may bibig. Isama pa ang damit nya na puro dugo.

Nakatingin lang ito sa akin tapos ngumisi. Umakto itong pasugod sa akin, pero sa halip na tumakbo ako palayo. Tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa takot.

I've never seen a creature like this before!

Tumakbo ito palapit sa akin pero wala pang isang dipa ay bigla na lang itong padapa na bumagsak sa lupa.

What should I do?

Kahit nag-aalangan, marahan ko itong nilapitan at sinundot sundot sa may tagiliran gamit ang aking paa.

It's not moving.

Umupo ako sa tabi nito and level my face to hers. Kinuha ko ang maliit na sanga ng puno malapit sa tabi ko, at gamit iyon, tinanggal ko ang mahaba nyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha.

What the?

"Keegan?!" I asked myself in stun.

↭↭↭

Short. Lame. Late update.
Sorry :)

Thanks for reading and voting ^.^

Masked Lady (Bloodsucker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon