ML Seven

6.3K 136 1
                                    


It's been two weeks since I moved here. I tried my best not to go out and suck others people neck. I know what you think and no, hindi ko pa nagagamit ang maskara para mambiktima. But I hid it. I decided that as long as I can control myself, I won't go out and hunt. My blood food? Tyaga muna ako sa pagkagat kagat sa braso ko na ngayon ay puro pasa na. Dinaig ko pa ang nabugbog.

And my things? I ordered online para hindi na ako lumabas and less hassle na rin. I made myself busy this past few days by arranging the things I bought. Pero ngayon na tapos na, I feel like I'm going to die in boredom hindi sa gutom.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, watching TV (that I bought online too) ng makaramdam ako ng presence sa may pintuan. The same stinky smell and irritating presence that I always feel since I came here. And as usual, I ignored it. Like I said before, it's alright for him to check me out wag nya lang akong kakantiin.

After a few minutes, I heard him knocked kaya bumangon ako at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakakairitang ngisi ng caretaker ko.

"Ano?" I asked bluntly. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako sa pagmumukha ng matandang ito eh. Wala kasi sa hitsura ang gagawa ng maganda, mukhang kriminal. Nakakainis lang, isama pa ang malisyoso nyang pagtitig sa akin kapag nakikita ko sya. Dangan nga lang at kailangan ko talaga ng katiwala dito eh.

"May naghahanap po sa inyo sa baba mam." Nakangisi pa ring turan nito.

"Sino?"

"Ayaw pong magpakilala mam." Humagod na naman sa kabuuan ko ang tingin nya.  Sarap lang dukutin ng mata. "Sabihin ko raw po sainyo na harapin nyo sya."

I rolled my eyes, nilagpasan ko ang manyakis and headed downstairs. Sino naman kaya iyon?  Wala namang nakakaalam ng lugar kong ito bukod sa akin dahil wala naman akong pinagsabihan at lalong hindi pwedeng si kuya o mama iyon. Tumakas lang ako sa bahay and hindi ko naman naulit sa kanila kung saan ako nakabili ng bahay na lilipatan.

But I guess I'm wrong.

Nahigit ko ang aking hininga when I saw my brother Xael na prenteng nakaupo sa kahoy kong upuan dito sa sala.

"K-kuya." I said in whisper pero narinig pa rin nya.

Mula sa pagmamasid sa kabahayan ay lumipat ang tingin nya sa akin at biglang nangunot ang noo.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi at tumayo sa pagkakaupo. "How are you little sis?" He asked at humagod ang kanyang tingin sa aking kabuuan na nakapagpataas ng kilay ko.

"What are you doing here? And how did you find me?" Namewang ako habang nakataas pa rin ang kilay.

Instead of answering, inilibot nya ang paningin sa bahay at namulsa. "Nice place you have here Kee. How did you find out about this place?"

"How did you find me?" Mababakas na sa boses ko ang inis. Jeez!  "Not now brother, I'm not in the mood for your nonsense questions." I hissed at tiningnan sya ng masama.

"Whoa! Chill little sis." He raised his hands in surrender at inilabas ang cellphone sa kanyang bulsa. Lalo namang tumaas ang kilay ko.

Napailing naman si Kuya. "Gps sis. Gps." He gave me a I-can't-believe-you-didn't-figured-it-out look.

Napatampal naman ako sa aking noo. Stupid me! Bakit nga ba hindi ko naisip yon? I heard my brother laugh.

"And oh, one week ka lang nawala, naging pakawala ka na ata?"

I give him a what-are-you-talking-about look.

Itinuro nya ako and move his pointed finger up and down. Kahit naguguluhan, sinipat ko ang aking kabuuan, and WTH?!

Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko when I figured what he's talking about. Walang paalam ko syang iniwan.

"Bastos!" I shouted while running upstairs. I heard him laugh, louder.

Ang tanga ko naman kasi, bakit ko ba nakalimutan na nakasuot lang ako ng manipis na puting bestida? I'm not wearing a bra kaya bakat ang nipple ko sa damit.

It's freaking embarrassing!  At sa harapan pa naman ng kapatid ko!

***

Pabiling biling ako sa higaan ko trying to find a more comfortable position. My eyes are closed but my mind is wide awake. May time na once my back felt the warmness of my comfy bed, knock out kaagad ako. May time naman na kahit anong pilit kong matulog, hindi naman ako antukin. Aish!

I was trying to sleep when I sense a familiar presence outside my room.

Ano na naman kayang kailangan ng manyakis na to?

Still, my eyes are closed pero pinapakiramdaman ko ang bawat kilos nya. Dahan dahang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Maya maya lang ay lumundo ang tagiliran ng kama ko, patunay na may tao na umupo roon.

What is it this time?  May death wish talaga ata ang lecheng matanda na to!

Hindi ko pa rin iyon pinansin. I pretend that I was in deep sleep. Naramdaman ko na lang ang mainit at basa nyang kamay sa hita ko pataas sa hindi dapat hawakan.

Putcha naman oh!  Sabi na't wala sa hitsura nito ang gagawa ng maganda!

His hand was about to reach my womanhood pero maagap kong nahawakan ang kamay ni Anton.

I opened my eyes, and it's bloody red now. Biglang nag init ang ulo ko sa isiping pagsasamantalahan ako ng hayop na to. Pero pasensya sya, mas hayop ako sa kanya.

Kahit dim lang ang ilaw dito sa kwarto ko na nagmumula sa maliit na lampshade, kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nya. Gulat at....takot.

Napangisi ako kaya tumambad sa kanya ang matutulis kong pangil.

Ganyan nga, matakot ka. Dapat kilalanin mo muna ang babanggain mo before you make a move.

At dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko.

Perfect timing, I'm famished!

Masked Lady (Bloodsucker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon