ML Fifteen

5.3K 104 0
                                    


Keegan

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ng kapatid ko. Para akong nahipnotismo ng maglapat ang labi naming dalawa, kaya heto at natuod ako. Palagi namang ganito.

He move his lips na nakapagpataranta sa loob ko. I don't know what to do, is this still part of the act? Should I respond? But I don't know how to kiss back!

Napakapit ako ng mahigpit sa dulo ng damit ni Xael ng mas lumalim ang halik na iginagawad nya sa akin. Feeling ko anytime bibigay na ang tuhod. Ang kamay nya na nasa baba ko kanina ay lumipat sa aking bewang at hinapit ako palapit sa kanya. Napapikit na lang ako at pilit na sumasabay sa halik na mas nagiging mapusok.

Ghaaad!  This is really really wrong!

Tila natauhan naman ang kapatid ko sa nangyayari sa pagitan namin ng bigla na lang may nabasag na kung ano. Hinawakan nya ako sa braso at dinala sa kanyang likuran as if protecting me from someone.

Nalipat ang tingin ko sa bagay na nabasag and it's my...vase!

What the hell?

Nanlilisik ang mga mata ni Clarisse na nakatingin sa amin at ambang babatuhin kami ng isa pang vase.

"How dare you?! Hindi ba kayo nandidiri sa ginagawa nyong dalawa?? Magkapatid kayo tapos hindi kayo nahihiya na maghalikan sa harap ko? You're disgusting!" Ibabato na sana nya ang vase pero naagapan ni Chester at nahawakan ang kamay ng babae.

"Wala kang pakialam sa amin ni Keegan, Clarisse. Sino ka ba sa tingin mo?!" Xael shouted at her.

"Makakarating ang bagay na ito sa mga magulang nyo! Hindi na kayo nahiya!" Gigil na gigil ito at pilit na kumakawala kay Chester.

I know, what's happening between me and my brother is so damn wrong. Pero bakit kahit na katiting na pagkadisgusto ay wala akong makapa sa dibdib ko? Am I still a human?  O nabalot na talaga ng halimaw ang buong pagkatao ko?

"Ilabas mo ang babaeng yan Chester, at baka kung anong magawa ko pa sa kanya." Galit na turan ni Kuya at hinarap ako. "Are you alright?" He worriedly ask. Tango lang naman ang iginanti ko sa kanya.

Hinila nya ako at niyakap, pero nawindang ako ng maamoy ang pamilyar na amoy na iyon. Shit! 
Nagawi ang tingin ko sa babae na nagwawala habang hawak ni Chester, nagdurugo ang kanyang kanang paa na nakayapak ng basag na parte ng vase.

Sa tagal ko ng pumapatay at umiinom ng dugo, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang pigilan ang aking sarili. Masyado pa rin akong sensitibo sa amoy ng dugo.

My eyes are turning red, mabuti na lang yakap ako ng kapatid ko kaya hindi nya makikita ang nakakatakot na hitsura ko.

"Sir, nasugatan po si Ms. Clarisse." Tarantang saad ng katiwala ko.
"Dammit!" Xael cursed at medyo niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Sinamantala ko iyon, tumalikod ako kaagad sa kanya at madaling umakyat sa itaas ng bahay.

"Clean that mess." Yun lang at pumasok na ako sa kwarto ko.

Habol hininga akong sumandal sa pinto ng kwarto ko. Tuyong tuyo na naman ang lalamunan ko at hanggang dito ay abot ang amoy ng dugo ni Clarisse. Shit!  Wala akong choice kundi kagatin na naman ang sarili ko. I groan as my fangs dig into my skin. I suck hanggang sa kumalma ang katawan ko. Hinang hina kong pinahid ang tabi ng labi ko na may bahid pa ng dugo.

Tumalon ako sa kama ko at isinubsob ang mukha ko sa unan.

Chester

Naiiling na lang ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Matindi ang drama sa buhay ng magkapatid na yun, tapos buntis pala yung si Clarisse kaya habol ng habol kay sir. Ito namang si sir hindi daw sigurado kung sa kanya talaga ang bata. Kaya ayun, nagpanggap silang magkapatid para tigilan na sya nito. But Clarisse found out about their false relationship, kaya ayun!

Ay ewan! Trabaho ang hanap ko kaya nag apply ako sa kanila, tapos problema pala ang madadatnan ko. Tsk! Pasalamat na lang sila at maganda si Ms. Keegan.

Eh?

Anong konek ng maladyosang ganda ng amo kong babae sa problema na dinadala nila? Haaaaay!

Sakay ako ngayon sa motor ko papunta sa opisina ng manager ko para pag usapan ang photoshoot after lunch. Sana umabot ako, tanghali na rin ako nakaalis sa bahay.

Sayang, hindi sumama si Keegan. Simula ng umakyat sya kanina, hindi ko na ulit nakita ang maganda nyang mukha.

Hindi ko lang lubos maisip kung paano naaatim ni sir na idamay ang kanyang bunsong kapatid sa kanyang problema. Hindi kaya dinala nya talaga si Keegan sa bundok na iyon para itago sa karamihan at upang masolo nya ito? Pero paanong sabi ni Keegan ay pamamahay nya iyon?  Haaay, kung anu anong katangahan ang pumapasok sa utak ko.

Nakarating ako sa pupuntahan ko ng hindi ko namamalayan. Lutang akong pumasok sa loob at tango lang ako ng tango sa bawat taong nakakasalubong ko. Hindi naman sa pagyayabang pero kahit baguhan pa lang ako sa trabaho na ito ay kilala na ako. They say I can depict my every role effortlessly. But what can I say? I do what I just gotta do.

Tapos malakas pa raw ang dating ko, wala eh, gwapings eh. Matangkad kasi ako, medyo bad boy ang dating tapos magaling magdala ng damit.

Pero aanhin ko pa ang mga katangian kong ito, kung balewala naman ako sa dyosa ko?

Thankfully nakasurvive ako sa photoshoot kahit na ilang beses akong nasabon ni Carmen dahil wala daw ako sa sarili ko. Kasalanan ito ng magkapatid na Leroy na iyon eh.

Umuwi na kaagad ako, dahil knowing my manager, hindi nya palalagpasin ang kapalpakan ko ngayong araw. Kaya nagpaalam na ako sa kanya at sinabi ko na masama ang pakiramdam ko at malayo pa rin ang uuwian ko.

Hapon na rin, para pa namang deserted na lugar ang dadaanan ko dahil gubatan iyon tapos medyo makipot pa ang daan. Baka mamaya makasalubong ko pa iyong babae na nakita ko kagabi.

Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Kundi rin ba naman ako tanga at tinatakot ko ang sarili ko.

Nakalubog na ang araw ng dumating ako sa tapat ng kawayan na gate ng amo ko. Bumaba ako sa motor para buksan iyon. Pagbukas ko,  natuod ako sa kinatatayuan ko dahil may nilalang na nakahara sa daraanan ko.

"AAAHHHHHHHHHHHHHHH.. "

Masked Lady (Bloodsucker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon