Tahimik kami ngayong kumakain ng agahan.Oo, kami.
Kasabay akong kumain ng magkapatid, courtesy of sir Xael. Sya ang may gusto na sumabay na ako sa kanila ng pagkain dahil tatatlo naman daw kami dito. Wala naman akong narinig na angal kay Ms. Keegan.
Hindi ko lang alam kung sino ang nagluluto dahil wala naman akong nakikita na kasambahay na babae dito. At saka tuwing dudulog ako sa hapag kainan, nakahanda na ang lahat. Nakakahiya nga eh, pakiramdam ko dagdag palamunin pa ako dito dahil halos wala naman akong ginagawa dito simula ng ihire nila ako.
I cleared my throat dahilan para sabay na tumingin sakin ang magkapatid. Napalunok naman ako at kinakabahan na ngumiti.
"Uh, may importante po ba kayong ipapagawa sa akin ngayong araw?" Alanganin kong tanong. Paano ba naman kasi, pareho silang seryoso na nakatingin sa akin na akala mo wala sa bokabularyo nila ang ngumiti, lalo na si Ms. Keegan.
"Why?" Tanong nila ng magkasabay.
"A-ano p-po kasi." Tumighim ulit ako, para kasing may nakabara sa lalamunan ko. "..t-tumawag po kasi ang opisina na pinagpapart timan ko kaninang umaga, p-pinapapunta po nila ako sa opisina para sa sunod na photoshoot na gagawin ko." Kanina kasi bago kumain ay tumawag sa akin si boss Carmen, ang manager ko na may photoshoot ako after lunch. Biglaan daw kasi kaya alangan na sa oras ang pagtawag nya sa akin.
"It's alright, you can go." Tatango tango na sagot ni sir Xael na nakapagpahinga sa akin ng maluwag. "Do you think your manager would mind if you brought some company?" Tanong nya sa akin.
Umiling naman ako. "Sa tingin ko naman po hindi. Bakit sir, sasama kayo?" Taka kong tanong dito.
Ngumiti lang sya sa akin at bumaling sa kapatid. "You should come with him Kee."
Mula sa pagkain ay seryoso itong tumingin sa kapatid. "Why should I?" Bored na tanong nito.
Wala ba talaga sa dictionary ng babae na ito ang ngumiti? Simula kasi ng makita ko sya lagi syang seryoso, o kaya nakakunot ang noo, o kaya naman nakataas ang kilay, nakita ko lang na tumaas ng konti ang sulok ng labi nya nung ininterview nila ako ng kapatid nya. Pero hindi ngiti na totoo, ngiti na nang uuyam. Mabuti hindi nito nahahawaan ang kuya nya.
"Come on sis, lumabas ka naman ng bahay na to. You used to be a traveler, you loved going out and explore the world, but now.. What happened Keegan? Matagal ko ng gustong itanong sayo ang bagay na to, why? Isang araw bigla ka na lang umuwi ng bahay na halos hindi namin makilala ni Mom because of your transformation. Pero hindi lang pala hitsura mo ang nagbago, lahat, lahat sayo. Para kang ibang tao. What happened to our cheerful, sweet and thoughtful Keegan?" Malungkot na tanong ni sir Xael sa walang kaemo emosyon na kapatid. Para nga itong walang narinig eh, dahil patuloy lang ito sa pagkain.
At ano daw? Si Ms. Keegan nagtransform at dating masayahin? Baka naman nabroken hearted? Napangisi ako sa pumasok sa isip ko. Yun naman talaga ang malimit na dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. Pero may parte sa akin ang naintriga sa buhay ni Ms. Keegan, gusto ko rin makita kung ano ang hitsura nya kapag nakangiti.
"Come on brother" inabot ni Ms. Keegan ang baso ng tubig at uminom doon "..you're just asking me to come with Chester at his photoshoot, so how come you ended up asking those nonsense questions? If I were you, yang problema mo na lang ang isipin mo."
Napaigtad kami ng marahas na bumukas ang pinto at humampas iyon ng malakas sa dingding ng bahay. A girl wearing a pink and white striped dress just barged in. Mukha syang galit na tigre na nakawala sa hawla. Napatayo kami ni sir Xael, at si Ms. Keegan, nakaupo pa rin na parang alam na nyang mangyayari ang tagpong ito.
"Clarisse.." Gulat na sabi ni sir Xael.
"Xael.." Nakangisi ng mapang asar ang babae at tumigil sa harap na upuan ng una.
"What are you doing here? And how did you know this place?" Lumapit si sir Xael dito at hinawakan sa pulsuhan si Clarisse. Pumalag naman ang babae at itinulak si sir na nakapagpatayo na rin sa akin.
"You!" Dinuro ng babae si sir at bumaling kay Ms. Keegan na tila walang pakialam sa nangyayari.
"You're trespassing." Ms. Keegan abruptly said.
"Both of you!" Patuloy ng babae at hindi pinansin ang sinabi ni Ms. "You think you can fool me with your shitty lies??! Well breaking news, I already knew that you're not lovers! You can quit faking it, siblings!" Nanggagalaiti nitong dinuro duro si sir sa dibdib.
Gusto ko syang kaladkarin palabas ng bahay pero hindi ko alam kung dapat ba akong makialam. At dapat umalis na ako dito eh, labas na sa akin ang problema ng tatlo na to. Pero bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko? Ako na, ako na talaga ang dakilang tsismoso.
Maya maya lang ay umamo ang mukha ni Clarisse at niyakap si sir. May sira ata sa ulo ang babaeng to.
"Come on Xael, you know I love you right? Ano pa bang ayaw mo sakin? Lahat naman ng ayaw at gusto mo ginagawa ko, if you need space, then ask for it. You don't have to pretend that you're having an affair with your sister." Malambing na saad nito.
Tinanggal ng lalaki ang pagkakayakap sa kanya ni Clarisse. "What if we really had an affair?" Napaawang ang labi ko sa tanong na yun ni sir. Lumapit sya sa walang pakialam na kapatid at itinayo iyon. Wala akong narinig na protesta kay Ms. Keegan gaya ng palagi nitong ginagawa sa kapatid.
"Oh yeah? Then prove it!" She smugly said at namewang pa.
Siguradong sigurado ang hitsura nito na walang magagawang patunay ang magkapatid. Ako tuloy ang kinabahan para sa mga amo ko. Ano ba naman kasing pumasok sa kokote ng dalawang ito at pinasok ang ganitong klaseng problema? Tsk!
Pero halos lumuwa ang mga mata ko sa sunod na nangyari, ganoon rin si Clarisse na umawang ang bunganga sa nasa harapan namin.
Hawak ni sir ang baba ni Ms. Keegan at pinakatitigan ito sa mata. Slowly, he lean down hanggang sa maglapat ang kanilang labi. Ni hindi pumalag ang babae sa ginawa ng kanyang kapatid habang nanlalaki ang mga mata.
Bakit parang bigla na lang may kung anong kumirot sa dibdib ko?
BINABASA MO ANG
Masked Lady (Bloodsucker)
VampireI just love traveling and taking scenery photos. But something happened, hindi ko maipaliwanag kung bakit at paano. Basta nagising na lang ako isang araw na malakas ang pang amoy, pakiramdam at pisikal kong lakas. And mostly, thirst. Thirst, that o...