Chapter 1

138 7 0
                                    

       
 
Chapter 1

Cherry's Pov

Maaga akong nagising, at sobrang excited akong makasama ang best friend ko. Malapit na akong ikasal, at ngayon ay susulitin na namin ang aming bonding moment. Ang daming drama ni Sarah. Isa sa mga tanging matalik kong kaibigan at taga suporta sa lahat ng oras. Siya lang ang kasama mula pagkabata hanggang ngayon, paglaki namin. Nakarinig ako ng malakas na katok. Lumabas ako para tingnan kung sino ang bisita ko. 

"Sandali! Sino ‘yon?" Sigaw ko.

 Kung makakatok  naman parang wala ng bukas. Agad akong nag madali at binuksan ang gate. Kung kumatok siya, sisirahin niya talaga ang pinto. Akala mo siya ang may-ari. Pagbukas ko, nagulat ako ng makita ko ang kapatid ni Mark. Napatingin ako sa kan'ya at napaisip. Anong ginagawa niya dito na seryoso ang mukha? Nakatingin lang ako sa kan'ya. Nagulat ako nang pumasok si Mike; Hindi ko man lang mabuksan ng maayos, at muntik na akong matumba. Nagpatuloy siya sa paglalakad, sinundan ko siya. Napatingin ako sa mukha ni Mike; nakasalubong ang dalawang kilay niya, at hindi siya maipinta. Anong nangyari sa lalaking ito? Nasabi ko na lang sa isip ko. 

"Anong kailangan mo sa kapatid ko para pigilan siya?" seryoso niyang sabi sa’kin. 

Naguluhan ako sa sinabi niya. 

"Ito na ba iyon?" Tinapon niya ang pera sa mukha ko. 

Ako naman, natulala lang ako; Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa dami ng perang nakakalat hanggang ngayon, at nagulat ako sa ginawa niya. 

"Oh bakit ang tahimik mo?" sabi niya sa akin. 

Bigla akong natauhan. Humarap ako sa kan'ya, seryosong nakatingin sa kan'ya. 

"I don't need your money. We love each other; your brother and I love each other," sigaw ko sa kan'ya. 

Hindi ko napigilang sumigaw sa kan'ya dahil sa pagiging baliw niya; tinawanan niya lang ako ng nakakainsulto. 

"Alam ko ang pagkatao mo, nagpapanggap kang ayaw mo ng pera. Kung ikakasal ka sa kapatid ko, magiging reyna ka habang buhay, pero ito ang tatandaan mo. Hindi mangyayari iyon. I will find a way for you. Maghiwalay kayo. Pera lang ang habol mo, hindi pa ba sapat?" 

Dahil may kinuha siya na hindi ko alam, binato niya lang ako. 

Hinagis niya iyon sa mukha ko at walang sabi-sabing tumalikod siya sa akin na parang walang nangyari. Napatingin sa amin ang mga kapitbahay ko sa apartment nang hinabol ko siya sa labas. 

"Wait lang" sabi ko sa kan’ya. 

Huminto siya at humarap sa akin. Binigay ko ulit sa kany’a. Binato ko rin tulad ng ginawa niya sa akin. Naiinis ako sa ugali niya. Anong akala niya sa akin? Pera lang ang habol ko. Naiinis ako hindi dahil sa sinisiraan niya ako kundi dahil hinusgahan niya ang pagkatao ko. 

"I don't need that. Uulitin ko na mahal namin ang isa't isa. Mahal ko ang kapatid mo. Iyo na ang pera mo. You can leave. You are not welcome here. Umalis ka na!" Tinulak ko siya palayo. 

"Ganyan ka talaga." Sabay tawa niya. 

"Hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay ng kapatid ko." 

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon