Chapter 5
Mike's pov
"Ano Mike, malalim ang iniisip mo?" Tahimik na tumabi sa akin si Emz.
"Inom tayo; iniimbitahan tayo ng mga kaibigan natin." Tumingin ako kay John; natatawa niyang sabi habang malapit pa rin kay Emz.
Parang may something sa dalawa.
"Wala kasama si Cherry," sabi ko sa kanila.
Napatingin ako kakaibang ngiti ng dalawa, parang alam ko na kung saan mapupunta ang usapan.
"Sinabi ko na ba sa'yo na may lihim kang pagnanasa kay Cherry? Hindi mo gagawin ito kung ayaw mo. Kilala ka namin. Sabi ko, John, tama ang hula natin." Tinawanan nila ako.
Napaisip ako sa sinabi ni Emz. Dapat ko bang iwan na parang gusto ko siya lagi kasama? Kapag nandiyan na siya, kukulitin ka lang niya. Hindi siya mahirap mahalin. Nakita ko kung gaano siya kabait. Naiinis lang ako na sa tuwing kausap niya ako, lagi siyang nakakunot ang noo, pero kapag kinakausap niya ang dalawa kong kaibigan, lagi siyang nakangiti.
Iwan ko ba sa dalawang 'to. Sinabi ko na 'wag na nila akong samahan, ayon, nauuna pa sila sa'kin. Magugulat ako na nandito sila. Napatingin ako sa dalawang sirang plaka, pinagtatawanan pa nila ako.
"Oo!" Nagtapat ako sa kanila. May gusto ako sa kan'ya. Isa lang ang problema ko.
"What should I do? He hates me to the extreme," seryosong sabi ko sa kanila.
Natahimik sila, parang may iniisip.
"Alam mo, Mike." Napaakbay pa talaga si Emz sa akin.
"Hindi madali para sa kan'ya na patawarin ka. Una sa lahat, pakakasalan niya ang kapatid mo; pinigilan mo lang siya."
"Emz, Mike has a point. Alam naman natin na mahal na mahal niya ang kapatid mo. Sinira mo ang kaligayahan niya. Kaya ako sa'yo; uminom tayo ng mahaba haba inuman ito.” Habang hinihila ako ni John.
"Mike, ilang oras lang libre ni Ray di ba, John? Don't worry about it." Yayayain nila akong dalawa.
Sumabay na lang ako sa kakulitan ng dalawa. Alam kong hindi nila ako titigilan. Umalis na kami, pero sinigurado kong hindi makakalabas si Cherry. I wouldn't let her leave, especially to see my brother again. He is only mine. Nakarating na kami sa bar.
"Kumusta na kayo?" Malakas ang boses ni Emz na parang babae napasigaw sa aming barkada.
"Wow! Buti na lang may time ka sa amin." Napatingin na lang ako kay Ray.
Simula nang kidnapin namin si Cherry, bihira ko na silang makasama. Same with John and Emz kasi may tiwala ako sa kanila.
"Ray basta libre lang ayos sa amin." Natatawa na sabi ni Emz.
Kahit papano, kuripot ‘tong lalaking ‘to. Napahiling na lang ako sa kanila.
"Sige order na kayo." Natawa naman si George sa'min.
Nakikinig lang ako sa kanila.
"Oh! Narinig mo manlilibre na si George."
"Gago ka Rod, libre mo."
"Kahit kailan ang kuripot mo talaga George." Tawanan silang lahat.
Natawa ako sa sinabi ni Jhun.
"Nagsalita iyong isa hindi madamot."
"Nahawa ka lang sa'kin George." sabay tawa ni Jhun.
"Ano Mike? Kumusta na pinagkakaabalahan mo? Tiningnan ko ng masama si Ray. Gago nanahimik ako, at napansin ako ng lokong ito. Tumingin sila sa akin ng seryoso ang mukha.
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomanceBlurb Si Cherry ay dumanas ng maraming pagsubok sa kamay ng mga kapatid. Maraming bagay ang nagtangkang ipagkait sa kan'ya ang kalayaan na dapat ay tinatamasa niya. Pinagkaitan dahil hindi siya nababagay sa estado ng kanilang buhay, kinidnap siya ni...