Chapter 20

56 5 0
                                    

   
                   Chapter 20

Cherry's Pov

"Daddy Patrick aalis na ba tayo?" Salubong agad ni Angelo. Nagkatinginan lang kami ni Patrick. Buo na desisyon ni Angelo ang umalis dito.
Tinawagan ko si Patrick kaninang madaling araw na hindi ako makatulog sa kakaisip. Napaisip ako sa sinabi ng anak ko kagabi. Para sa kapakanan niya at sa muling pagkakataon mapalayo siya  sa piling ng daddy niya, masakit pero kailangan para sa ikakabuti ng anak ko. Napatingin ako sa anak ko ang saya-saya niya nakayakap kay Patrick.

"Mommy bilis na po. Nandito na si Daddy Patrick. Excited na ako makita si Tan." Si Tan ang Anak ni Patrick. Ngunit sa masalimuot hindi rin nagtagal sila ng asawa nito ay dahil sa hindi kinaya ang pangnganganak. Si Tan ang naging buhay ni Patrick.

"Tuwang-tuwa nga si Tan ng malaman niya na magkasama kayong dalawa." Nakangiti si Angelo napatingin sa akin.

"Kasi po si mommy nagkasakit pa." Lumapit ako sa anak ko.

"Ako pa talaga sinisi ni baby ko." Nakasimangot ko sabi sa kan'ya. Kinarga ko si angelo na palabas na kami. Nagulat kami ng makita namin si Mike sa harap pintuan nakaabang.  Kanina pa  kaya ito?

"Saan kayo pupunta?" sabi niya mahina sa akin. Napaharap ako Kay Mike. Mahigpit na nakakapit ako sa anak ko.

"Aalis na kami. Magaling na ako," mahina ko sabi. "Tsaka ayaw ko ng gulo."

"Pumayag ba ako na umalis kayo?Hindi kayo puwede umalis,?" madiin niya sabi sa akin.

"Wala kang karapatan pigilan ako buo na desisyon ko para sa kapakanan niya iniisip ko."

"Bakit ikaw lang ba nag-alala! Anak ko rin siya. May karapatan din ako sa kan'ya. Mahal ko kayo. Mahirap ba intindihin iyon."

Mommy at Daddy nag-aaway po ba kayo?" Napatingin lang ako sa anak ko. Palipat-lipat tingin niya sa amin.

"Hindi baby may pinag-usapan lang kami," sabi ko sa kan'ya.

"Sumama ka na kay Daddy Patrick mo." Binaba ko na si aAngelo para lumpit kay Patrick. na humarang si Mike sa amin.

"Walang aalis!"

"Mike, hayaan muna sila," Sabat ni Patrick.

"Wag ka makialam dito." Hindi na lang nagsalita si Patrick. Hinawakan ako ni Mike. Tsaka niya ako hinila habang ako maingat ko kinarga si Angelo.

"Ano ba nasasaktan ako." Hawak ko anak ko.

"Walang susunod," sigaw ni Mike.  Ngayon lang ako natakot sa puwedeng gawin niya. Ngayon ko lang napagtanto pinagplanuhan niya ito.  May kasama si Mike na ilang grupo na katakip na hindi ko mamukhaan. Tsaka nila  kinuha ang gamit namin hanggang sa nakasakay na kami sa sasakyan niya.

"Saan mo po kami dadalhin?" Tahimik lang si
Mike nagddrive hanggang sa nakatulog si Angelo sa tagal ng biyahe. Nagulat ako ng huminto si Mike na kung saan dito niya ako dinala na para pigilan na ipakasal ako sa kapatid niya.

"Bakit kami nandito? Ikukulong mo ba kami,"  sigaw ko sa kan'ya. Ito na sinasabi ko nadadamay na anak ko.

"Hindi ko kayo ikukulong,  dahil dito na tayo titira." Ngising si Angelo patingin tingin siya sa amin. Niyakap ko na lang anak ko. Sa huli wala akong nagawa napasunod sa kan'ya papasok sa bahay.

"Wow! Ang laki? Kanino po ba ito bahay?"

"Baby sa'yo ito, bahay natin ito." Sabay lapit ni Mike kay Angelo.

"Talaga po daddy. Ang laki naman. Mommy bahay na natin ito. Tara mommy tingnan natin sa loob." Isang kislap lang nawala galit niya kay Mike.

"Bilis mommy." Sabay takbo niya.

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon