Chapter 22Mike's Pov
"Mommy, bilisan mo po, ang bagal mo po. Pasok na po tayo sa mall." Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko anak ko na hindi siya mapakali. Ngayon ko lang nakita gaano ka saya anak ko. Panay hila niya sa mommy niya habang si Cherry walang ginawa nakasunod lang sa anak namin. Ang cute nilang mag-ina. Ang suwerte ko sa mag-ina ko. Sana ganito na lang kami lagi, 'yong walang problema napasunod ako sa kanila.
"Ang bagal mo kasi," sabi ko kay Cherry. Ayon na naman mukha niya nakabusangot na naman sa akin.
"Oo nga po daddy, do'n po tayo mommy, daddy." Napatingin kami kay Angelo.
"Gusto mo ba sumakay," sabi ko sa anak ko. Sa gulat ko nakayakap anak ko. Tapos hinila kami ni Cherry. Mukha gusto niyo sumakay sa tren-tren.
"Sige na baby, kayo na lang daddy mo. Hihintayin ko kayo dito." Nakasimangot anak ko napaharap sa mommy niya.
"Mommy naman sama na po kayo. "Sa huli napapayag din si Cherry. Hindi talaga niya matiis anak namin, gano'n niya ka mahal. sumakay na kami. Ramdam ko nanginginig si Cherry sa takot habang palapit kami. Ramdam ko sa mukha niya napilitan lang siya. Gusto ko matawa sa harap niya. Hindi ko lang magawa baka maiinis siya sa akin tuluyan iwan kami ako.
"Wow! Ang ganda mommy," sigaw ni Angelo." Tawang-tawa siya sa mga nakikita niya.
"Yehey ang saya po ko. Mommy nag-enjoy ka po ba?"
"Oo naman baby, basta kasama kita." Napahiling na lang ako sa sinasabi ni Cherry.
"Kayo po daddy?" Napalingon ako sa ka'nya sa gitna kasi siya namin ni Cherry.
"Sobra saya ko baby, nakasama ko kayo."Sabay yakap ko sa kanila. Napatingin si Cherry sa akin.
"Talaga po. Ako din po. Masaya po ako kasama ko kayo mommy, daddy. Ngayon lang kasi nangyari sa buong buhay ko kasama ko kayong dalawa na parang happy family tayo." Napayakap si Angelo sa amin. Yumakap din kami ni Cherry sa kan'ya.
"Mommy, daddy gutom na po ako."
"Sige baby kakain tayo. Saan mo gusto?"
"Kahit saan po daddy basta kasama ko mommy ko." Napatingin ulit ako sa kanila. Mahal talaga nila isa't-isa.
"Sige hanap tayo makakainan natin." Sabay karga ko sa anak ko. Naglakad na nga kami.
"Daddy diyan na lang tayo sa jollibee," turo niya sa amin. Bumaba si Angelo tsaka siya nagtatakbo. Nagkatinginan kami ni Cherry. Agad kami bumaba ni Cherry upang alalayan si Angelo. Habang si Angelo hindi niya napansin ang bata nakasalubong niya nagkabanggahan silang dalawa na isang batang lalaki na kasing edad niya lamang niya.
"Aray ko naman," sabi nong bata nakatalikod. Lalapitan na sana ni Cherry anak namin ng pinigilan ko siya. Gusto ko matuto si Angelo lumaban para sa sarili niya. Hindi sa lahat ng oras nakadepende siya sa mommy niya.
"Sorry po hindi ko po sinasadya," Narinig namin sabi ni Angelo. Hinawakan ni angelo 'yong bata.
"'Wag mo nga ako hawakan!" tinulak niya anak ko natumba si Angelo. Nag-iiyak na siya agad na napatakbo si Cherry nakasunod ako sa kanila. Napatingin ako sa bata laking gulat ko nang namukhaan ko siya. Paglingon ko napalapit sa amin ang pinsan ko si Marlon kasama niya si mommy ko. Nakauwi na pala mommy ko sa pilipinas. Hindi nila ako napansin.
"Anong nangyari dito?" sabi ni mommy. Napatingin lang ako sa mag-ina ko na hindi niya namukhaan si Cherry.
"Lola siya po binangga niya ako." Sumbong ni Kenneth. Napalapit ako sa mag-ina ko. Tsaka nila ako Napansin ng bigla na lang lumapit si Kenneth sa akin.
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomantizmBlurb Si Cherry ay dumanas ng maraming pagsubok sa kamay ng mga kapatid. Maraming bagay ang nagtangkang ipagkait sa kan'ya ang kalayaan na dapat ay tinatamasa niya. Pinagkaitan dahil hindi siya nababagay sa estado ng kanilang buhay, kinidnap siya ni...