Chapter 21Cherry's Pov
"Nagulat naman ako sainyo, aga naman nang gising niyo?" sabi ko sa kanila. Maaga ako na nagising ay dahil sa naisipan ko magluto na wala naman ako ginagawa rito.
"Naku Cherry may naiwan kami work dapat namin tapusin."
"May work ka na pala Emz." Napangiti ako sa sinabi ni John sa kan'ya.
"Siraulo kapanira kang moment."
"Natatawa ako sainyo hindi pa rin kayo nagbago." Sila-sila lang naman nag-aasaran.
"Naalala mo pa rin pala kami Cherry."
"Oo naman. Kayo lang naman nakakausap ko."
"Oh magkape ka na muna." Sabay abot ni Emz sa akin. Nagtatawanan kami nag-uusap maloko pa rin silang dalawa. Natahimik kami ng lumapit si Mike sa amin. Nakasimangot ako humarap sa kan'ya.
"Oh Mike! Gising ka rin pala." Sabay tawa ni Emz kay Mike, pero sa akin siya nakatingin. Ano naman kaya kalokohan ginawa nila?
'Yan kasi si Jhun, Mike ang ingay." Binatukan ni Jhun si George.
"Ako pa talaga sinisi mo." Nagkatingin kami tatlo. Mukha may ginawa dalawang ito bakit nagising nila si Mike.
"Naku kunwari lang 'yan si Mike. Sabihin mo hindi ka lang makatulog kasi naman excited ka," sabat ni Ray. Tumawa ang lahat maliban sa kin. Bigla ko na lang sila tinalikuran.
"Oh, Cherry saan punta mo?" sabi ni John sa akin.
"Magluluto lang ako." Sabay irap ko sa kanila.
"Mabubusog ako nito." Natawa ako napalingon sa sinabi ni Emz. Napatingin sa akin si Mike na hindi mapinta ang mukha niya. Bakit sa akin siya nakasimangot, wala naman ako ginagawa masama maliban sa mga kaibigan niya o sadyang wala siya sa mood.
"Hoy! Di ba aalis na kayo?" sigaw ni Mike sa kanila. Napahiling na lang ako sa reaksyon ni Mike.
"Ito naman si Mike! Hinihintay pa namin ang almusal ni Cherry." Panay reklamo ni Emz sa kan'ya.
"Oo nga naman Mike, ang sarap kaya magluto ni Cherry." Sabay pa silang lahat. Mga sira mga 'to. Hindi pa nga ako nakapagluto. Nauna pa nga sila gumising sa akin. Lumapit ako sa kanila.
"Ang dami niyo sinabi. 'Wag niyo ako sisihin kapag kayo na late sa work niyo. Umalis na kayo," sabi ni Mike sa kanila.
"Oo nga pala, matrapik pa naman. Ngayon pa lunes naman." Nagsitayuan ang barkada. Sabay bulong ni John sa akin.
"Para masolo ka ni Mike." Pabulong sabi ni John sa akin. Sa inis ko Inapakan ko paa niya. May iba pa siya sinabi kinainis ko.
"Basta pupunta kami rito ah!" Aabay tawa ni John sa akin.
"Sige na, umalis na kayo." Pagtataboy ni Mike sa kanila.
"Naku Mike, amin-amin din gusto mo lang sila masolo gago ka.
Ito na aalis na kami.
Tara na, alis na tayo," sigaw ni Emz sa kan'ya."Teka lang papaalam lang ako kay Cherry," sigaw ni Rod sa kanila.
"Hindi na kailangan." Sabay hila ni Emz kay Rod.
"Teka nga lang Emz, mapapaalam lang ako Kay Cherry. Lumapit si Mike sa kanila. Natatawa ako sa kanila ang gulo nila. Malapit lang naman ako sa kanila naririnig ko usapan nila.
"Ako na lang magsasabi sa kanya umalis na nga kayo," sabi ni Mike sa kanila.
"Grabe siya oh! Tara na nga kabadtrip ka Mike." Sabay talikod ni Rod. Tawang tawa silang umalis.
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomanceBlurb Si Cherry ay dumanas ng maraming pagsubok sa kamay ng mga kapatid. Maraming bagay ang nagtangkang ipagkait sa kan'ya ang kalayaan na dapat ay tinatamasa niya. Pinagkaitan dahil hindi siya nababagay sa estado ng kanilang buhay, kinidnap siya ni...