Chapter 16

60 5 0
                                    


Chapter 16

Cherry's Pov

"Ano ba Patrick! Sumagot ka na man, kailangan ko tulong mo." Naiinis na ako, hindi ko na alam ano gagawin ko. Tumawag ulit ako, wala pa rin sumasagot. Nabato ko ang cp ko sa inis.
Kung kailan kailangan ko siya tsaka naman hindi siya sumasagot.

"Mommy." Sabay yakap ni Angelo sa akin. Hindi ko namalayan napatabi si Angelo na seryoso nakitingin sa akin.

"Mommmy may problema po ba?Kanina ka pa po pabalik-balik nalilito na ako sa'yo," sabi niya sa akin napaharap ako.

"Wala 'to baby, maligo ka na?" sabi ko sa kan'ya

"Bakit po saan tayo pupunta?" Ito na nga kinakatakutan ko. Nagtatanong na siya, paano ko e-explain sa anak ko. Matalino siya mag-isip.

"Baby, pupunta tayo kay Daddy Patrick mo," sabi ko sa kan'ya. Daddy na naging tawag ni Angelo kay Patrick sobrang close sila sa isa't-isa. Hinayaan ko na lang tawagin niya daddy si Patrick. Masaya naman silang dalawa parang mag-ama magturingan. Napatingin ako kay Angelo seryoso mukha niya nakatingin sa akin.

"Talaga po. Yehey, makikita ko si Daddy Patrick. Sige po, magbibihis na ako Mommy." nagtatakbo umakyat sa kuwarto niya. Natawa na lang ako napasunod sa kan'ya. Tinawagan ko ulit si Patrick.

"Hello!" mahina sabi ni Patrick

"Buti naman sinagot." Mataray ko sabi sa kan'ya.

"Pasensiya na kagigisng ko lang,
bakit?"

"Tulungan mo naman ako," mahina ko sabi sa kan'ya.

"Bakit anong nangyari?" Pag-iiba ng tono ni Patrick ngayon ay mahinahon na.

"Ito na 'yong kinakatakot ko."

"Ang alin?" takang tanong niya.

"Bumalik na Daddy ni Angelo." Pagsusumbong ko sa kan'ya.

"Teka! Ano! Ginulo ba kayo?"

"Natatakot ako sa anak ko.
Gusto ko makaalis kami rito ngayon din. Tulungan mo naman ako."

"Sige pupuntahan kita. 'Wag kayo aalis diyan."

"Salamat! Maasahan ka talaga."

"Ano ka ba? Matagal na tayo magkaibigan kilala ko na pagkatao ng mga 'yan. Ayusin niyo na mga gamit niyo. Dito na kayo titira." Pagkatapos namin mag-usap ni Patrick nagmadali ako inayos ko na mga gamit namin. Lumapit ako sa anak ko nakabihis na ng todo-todo. Nakatingin lang ako sa kan'ya napayakap.

"Mommy OK na po ba suot ko?" Niyayakap ko lang siya mahigit.

"Mommy anong nangyayari sayo!
Ok ka lang?"

"Oo baby, aalis na tayo." Naguluhan siya nakatingin sa akin. Maya-maya napalapit siya. Napansin niya nakaimpake gamit namin.

"Mommy aalis na po ba tayo?Bakit po nakalabas gamit ko?"

"Baby, may sasabihin sa'yo si Mommy." Napatingin lang si Angelo sa akin seryoso.

"Sorry baby sa lahat. Sana mapatawad mo si mommy," sabi ko sa anak ako.

"Bakit po mommy?
Nalilito na po ako mommy."

"Baby paano kapag nagpakita sa'yo daddy mo! Iiwan mo ba si mommy?" Seryoso siya nakatigtig sa akin.

"Hindi po mommy! Mommy ko po kayo. Ok lang na hindi ko po siya kasama. Ikaw po mahal ko. Ayaw ko po sa kan'ya iniwan po tayo mommy. Kayo po mahal ko mommy. Bakit po ba mommy ginugulo ka po ba niya? Walang makakapaghiwalay sa'tin mommy ikaw at ako lang magkasama lagi mo po 'yan iisipin mommy. Mahal na mahal kita." Nagulat ako sa naging reaksyon ni Angelo. Parang matanda magsalita sabagay matalinong bata si a
Angelo.

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon