Chapter 13Mike's Pov
"Ano ba Mark kanina pa tayo paikot-ikot! Alam mo ba talaga?" Inis ko sabi sa kan'ya. Nangangalay na ako, buti sana siya ang nagddrive ang layo pa naman pinuntahan namin." Napatingin lang siya sa akin nakatawa.
"Nakalimutan ko." Napakamot pa siya sa ulo. Matagal na kasi ako hindi nakakapunta rito. Ang dami na kasi nagbago. Seryoso ko siya tiningnan masama..
"Magtanong na lang kaya tayo?" sabi ko sa kan'ya.
"'Wag na kuya, nakita ko na. Malapit na tayo." Sabay tawa niya. Baliw talaga 'tong kapatid ko sarap sapakin.
"Ito na nga kuya gate ni Tita Vickie." Sabay turo niya sa akin. Ang loko agad bumaba iniwan niya talaga ako. Hindi namin pinaalam na ngayon ang uwi namin. Ang alam niya susunod pa linggo uwi namin. Gusto lang namin kasi sopresahin si Tita Vickie sa lahat ginawa niya para sa amin lalo na sa kapatid ko para kapag ayusin kaming dalawa. Nagdoorbell na si Mark nakatingin lang ako sa kan'ya. Nakita ko sa mga mata niya sobra niya namimiss si Tita Vickie. Maya-maya may lumapit sa amin sa may gate mukha nagmamadali pumasok may dala pang ice cream sarap na sarap sa kinakain. Napatingin kami sa bata. Hindi niya man lang kami napansin na nakalapit na siya amin.
"Baby Angelo, dahan-dahan lang madadapa ka?" Napalingon kami. Habang ang pinsan namin gulat na gulat ng makita niya kami. Napalapit si Daniel sa amin. Muntik pa ako matumba ng bigla na lang siya nakayakap sa akin.
"Tangina naman pinsan," sabi ko. Tinawanan lang ako ni daniel
"Diba bukas pa kayo uuwi?" Napatingin 'yong bata sa amin habang sarap na sarap sa kinakain niyang ice cream.
"Sino po sila?" Lumapit sa tabi ni Daniel ang bata. Muli nakatingin sa amin ang bata titig na titig habang kumakain ng ice cream. Napatingin ako kay Daniel ang seryoso ang mukha nakatingin sa bata. Nagkatinginan kami ni Mark na parang inaalam namin kung anak niya itong bata. Wala man lang kasi siya binabanggit sa amin na may anak na loko 'to. Minsan lang namin si Daniel nakakausap.
"May anak ka na pala Daniel?Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin." Natawa si Daniel sa sinabi ni Mark. 'Yong tawa niya akala mo wala ng bukas. Tawang-tawa talaga nakahawak pa sa tiyan niya. Napatingin lang kami sa kaniya. Nangyari kay Daniel. Napapahiling na lang ako.
"Gago, single pa ako."
"Sino 'yan kasama mo?" Taka tanong ni Mark sa kaniya.
"Tangina naman porket may kasama bata anak agad, hindi ba puwede anak siya ng kaibigan ko." Tawa-tawa niya sabi. Iyong bata napatingin lang sa amin.
"Hi baby?" bati ni Mark sa kaniya. Ako naman titig na titig sa bata parang gusto ko siya yakapin na mahigpit. Ewan ko ba parang pagkakita ko sa kaniya ang gaan ng pakiramdam ko. Siguro namiss ko anak ko.
"Hi din po." Nagpacute pa siya kay Mark." Napansin ko kamukha ko siya tumawa. Napaupo ako sa kaniya parang gusto ko siya kargain, gusto Kong yakapin na para bang sabik na sabik ako. Naalala ko anak ko. Siguro ganito na siya kalaki. Kamusta na kaya sila mag-ina ko. Naharap ako sa kaniya.
"Hi! Ako si Tito Mike mo," sabi ko sa kaniya. Tiningnan niya ako.
"Hello din po, ako po si Angelo." Sabay ngiti niya sa akin. Maya Maya lumapit siya kay Daniel.
"Tito daniel, pasok na po ako. Hinahanap na po ako ni mommy." humarap siya amin nakangiti.
"Sige po alis na po ako." Kumaway muna siya amin bago tumakbo papasok sa loob.
"Tara pasok kayo." Sabay hila ni Daniel sa akin. Kanina pa ako natulala simula makita ko ang bata.
"Ang dami na nagbago dito pinsan. Hindi ko na nga matandaan. Buti na lang nakita ko 'yong poste doon sa kabilang kanto," sabi ni Mark sa kaniya. Ako naman nakikinig lang ako sa dalawa na nag-uusap.
"Bakit kasi ngayon niyo lang naisipan bumalik. Ang tagal niyo din nag-ibang bansa."
"Busy kasi sa work." Iyon na lang nasabi ko.
"Babalik pa ba kayo?"
"Ako hindi na, ipagpatuloy ko ang dati kong company. Ewan ko lang kay kuya." Sabay tingin nila sa akin.
"Kuya kanina ka pa natutulala simula ng makita mo 'yong bata." Napalingon na lang ako sa sinabi ki Mark. Kahit ako naguguluhan na rin.
"Baka may balak na 'yan mag-asawa Mark?"
"Mag-aasawa ka na Kuya?" Hindi ko na lang sila pinansin.
"Akin na 'yan dala niyo." Sabay kuha ni Daniel sa amin ng gamit. Nagulat na lang ng kami bigla nalang siya sumigaw sa harap pa talaga namin. Nabingi kami sa sigaw niya.
"Anong kaguluhan ito?" Sabay labas ni Tita Vickie. Napalapit agad si Mark Kay Tita Vickie sabay yakap niya ng mahigpit. Napatingin lang ako sa kanila.
"Teka nga! Akala ko ba bukas pa dating nyio. Hindi tuloy ako nakahanda."
"Ok lang 'yon Tita Vicky. Si kuya kasi gusto supresahin kayo." Tangina ang loko ako talaga dinahilan.
"Oh siya, na pasok na kayo ng ipaghahanda ko kayo makakain. Ano ba gusto niyo?"
Tumuloy na nga kami habang napasunod sa kanila. Napatingin ako sa bahay ni Tita Vickie ang ganda ng design sa loob ng bahay niya."Pinsan pasalubong ko." Sabay lapit ni Alexa sa amin.
"Akin ito chocolate." sabay kuha ni Daniel. Kaya naman pala busy ay dahil nauna nang nakialam sa gamit ko.
"Mauubos mo ba 'yan?" sabi ni Alexa sa kaniya. Nakasimangot nakaharap kay Daniel.
"Hindi naman ito para sa akin. Ibibigay ko 'to kay baby Angelo. Iyong bata kanina Mike." Napatingin siya sa akin.
"Nakita niyo na kuya Mike si baby Angelo. Kapit-bahay niyo lang sila. Ang kulit pa naman niya. Humanda kayo sa kaniya." Sabay tawa ni Alexa.
"Ok na 'to para naman may bago siya kalaro." Sabay akbay niya sa akin. "Diba Mike."
"Sabihin mo lang makakaligtas ka sa kakulitan niya."
"Tinatakot mo naman itong dalawa. Baka mamaya hindi 'yan makipaglaro."
"Oh ayan na pala si mommy nakaluto agad," sabi ni Alexa na napalingon kami.
"Pasensiya na ito lang niluto ko adobo manok, kasi naman hindi kayo nagsabi."
"Ok lang tita." Sabay yakap ko sa kaniya.
"Oh siya kumain na kayo." Sumunod kami sa kusina. Kaniya-kaniya kami kumuha. Agad na kami umupo.
Gutom na gutom na talaga ako. Hanggang sa naubos namin ni Mark. Ang sarap talaga luto ni Tita Vickie. Hanggang sa hindi namin namalayan ang oras. Dahil sa walang sawang kuwento ni Daniel. Hanggang sa niyaya na ako ni Mark at dito kami natulog.______________________________________
Ikaw at ako
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomanceBlurb Si Cherry ay dumanas ng maraming pagsubok sa kamay ng mga kapatid. Maraming bagay ang nagtangkang ipagkait sa kan'ya ang kalayaan na dapat ay tinatamasa niya. Pinagkaitan dahil hindi siya nababagay sa estado ng kanilang buhay, kinidnap siya ni...