Chapter 12Cherry's Pov
5years
"Busy po natin," sabi ko Kay Tita Vickie na busy sa pag-aayos ng halaman at may mga nakahanda pa sa labas. Anong meron may mga lamesa nakahilera? Simula ng umalis ako, Dito ako napunta sa brgy paraiso. Sila 'yong unang tumanggap sa akin at nagpatira. Nahiya nga ako, na wala man lang ako naibigay. Hindi ako tumigil sa paghahanap ng trabaho. Hindi pwede umasa ako sa iba. Ang laking pasasalamat ko sa nila. Sila 'yong taong sumuporta sa akin, simula ng magkaanak ako. Sila ang tumulong sa akin, kaya ang laki ng pasasalamat ko sa kanila, kahit hindi nila ako kadugo. Tinuring pa rin nila ako pamilya at ang anak ko. Simula no'n dito na ako nanirahan kasama ng anak ko. Masaya kami sa buhay na kaming dalawa lang. Napatitig ako kay Tita Vickie.
"Ano po meron,/ sabi ko kay Tita Vicky
"Kasi naman! Itong mga pamangkin ko, bukas na pala uuwi hindi man sinabi agad sa akin? Ang tagal nila sa ibang bansa. Nagulat nga ako tumawag sila sa akin." Tumango na lang ako sinabi ni Tita Vickie
"Namiss ko na mga iyon. Baka nga dito muna raw sila maninirahan. Eh! Kasi pinapaayos pa raw nila 'yong bahay. Ang tagal na panahon, buti na lang naisipan nilang umuwi. Ok na rin 'to nagkabati na rin sila sa wakas. Ang magkapatid na 'yon buti nagkaayos na sila. Alam mo bang matagal ko na pangarap na sana magkaayos na sila." Hala! Ang daldal ni Tita Vicky, nakinig lang ako sa sinasabi niya kahit hindi ko naman kilala pamangkin niya.
"Bakit po ano po ba nangyari?" Tanong ko Kay Tita Vickie, nacurious lang ako. Tsismosa ko din noh! Sabi ko sa isip ko.
"Iwan ko ba siguro dahil sa ingit. Iyong panganay kasi gusto niya siya ang nasusunod. Kung ano gusto ng parent niya sinusunod niya, kahit ayaw niya wala pa rin siya magawa mag-reklamo. Iyong bunso naman ayaw na ayaw siya pinapakailaman. Lagi kasi niya sinusuway ang parent niya. Iwan ko ba diyan sa magkapatid na 'yan hindi magkasundo, lalo pa ng dahil sa isang babae. Nagkaroon na sila lamat sa isa't-isa. Ito kasi bunso! Magpapakasal na sana 'yong panganay. Ayon nabalitaan namin nakipaghiwalay 'yong girl, dahil sa hindi raw siya mahal. Nalaman na lang namin may relasyon 'yong bunso sa mapapangasawa ng kapatid niya, sobrang galit ng panganay. Umuwi 'yong kapatid ang dami pasa sa katawan kagagawan ng kapatid niyang panganay. Naulit pa 'yon pareho sila may grupo. Nadala namin sa hospital 'yong bunso parang hindi sila magkapatid. Kaya naisipan na namin paghiwalayin sila. Ako 'yong kumuha rito sa bunso. Pinaglayo ko sila, dito ko siya pinatira. Umalis lang siya ng magkaroon siya ng sarili company, pero 'yon nga lang nabalitaan ko na nag ibang bansa na siya. Kaya laking pasasalamat ko ng nagkaayos na sila. Buti na lang naisipan din ng panganay sumunod sa kanila." Nakikinig lang ako. Hindi na ako nagtaka sobrang daldal ni Tita Vicky, Hindi niya namamalayan nasunog na niluluto niya habang panay daldal niya na mayroon pala siya niluluto. Natawa ako sa kadaldalan ni tita Vicky. Tinuring ko na kapamilya si Tita Vickie ng mapunta ko rito sa lugar na nila. Tinuring din nila ako pamilya. Sa tuwing may work ako. Si Tita Vicky ang nagbabantay sa anak ko. Kaya kampante ako tuwing aalis. Nahihiya na nga ako kay Tita Vickie araw-araw sa kaniya anak ko.
"Tulungan na po kita. Nasunog na po pritong tilapia." Natawa ako napaharap sa kaniya.
"Salamat," sabi niya sa akin. Nginitian ko na lang si Tita Vicky.
"May bago po pala kami kapit bahay." Iyon na lang nasabi ko.
"'Wag kang mag-alala mababait naman sila, kahit na pasaway mag iyon. Mukha magkakasundo sila ng anak mo."
"Sana nga po," sabi ko na lang
"Oh siya dito na kayo kumain.
Eh! Maghapon ka na nagtrabaho. Napatingin ako kay Tita sobra bait niya."Thank you po, Tita Vicky sa lahat sabi ko." Seryoso nakatingin si Tita Vicky sa akin.
"Ano ka bata ka! Magkakapamilya tayo rito, 'wag ka mahihiya sa amin. Tingnan mo nakikipaglaro pa si Angelo." Sabay turo ni Tita Vicky habang nakikipaglaro si Angelo kay Bea.
"Masaya kami simula ng dumating kayo sa buhay namin.
Oh siya, kumain na tayo. Luto na 'tong niluluto ko." Ako naman tinulungan ko na si Tita Vicky."Mommy." Napalingon kami sa sigaw ni Angelo.
"Oh! Tapos na kayo mag-laro?" sabi ni Tita Vicky. Binuhat ko na si Angelo para linisin ang dumi. Ang dumi kasi ng kamay niya. Ewan ko ba anong pinaglalaro nila ni Bea ang dumi dumi ng kamay. Pagkatapos ko maghugas kamay ni Angelo. Iniwan ako ng anak ko nauna pa kumain sa akin. Napahiling na lang ako ang dami niya nakain sa sobra pagod.
"Baby! Daan-daan lang sabi ko."
"Ang sarap po kasi ng niluto ni Tita Vicky."
"Hayaan mo na Cherry, ikaw kumain na rin. Namamayat ka." Napatingin si Angelo sa akin. Tinawanan lang niya ako.
"Si mommy kasi!" Sabay subo ni Angelo sa akin. Napanganga lang ako.
"Kain ka po mommy ah! 'Wag kang magpapagutom." Bigla ako napayakap sa anak ko. Napakaswerte ko dumating siya sa buhay ko. Simula ng dumating siya sa buhay ko walang araw na hindi niya ako pinapatawa. Tahimik lang ako kumain habang napapatingin sa anak ko. Ang dami niya nakain. Pagkatapos namin kumain tinulungan ko si Tita Vicky ligpitin ko na at naghugas na rin ng kinainan namin. Kakahiya naman sa kanila kaya ako na kusa nagsabi sa kanila na ako maghuhugas ng kinainan namin. Kahit ayaw ni Tita Vicky hindi ako pumayag sa huli ako pa rin nanalo. Pagkatapos ko maghugas niyaya ko na anak ko. Bago ko siya pinatulog naglinis muna katawan niya.
"Love you mommy." Sabay yakap niya sa akin. Niyakap ko rin anak ko. Ang sweet niya manang mana sa daddy niya kahit saan titingnan lahat ng ugali meron siya ang sweet niya. Ang kulit minsan.
"Love youbaby ko!" Sabay halik ko sa pisngi. Natawa ako sa reaksyon ng anak ko.
"Mommy naman! Big boy na ako."
"Bakit? Ayaw mo na ba halikan ka?" Kunwari nagtatampo ako sa kaniya. Napatingin ako sa anak ko siya ang kusa humalik sa pisngi ko.
"Love you mommy goodnight." Natawa ako konti drama lang sa anak ko. Naglalambing na siya.
"Goodnight baby." Hanggang sa natulog na kami.
-----------
Brgy .paraiso gagawa ko lang po
Tita vicky
______________________________________
Ikaw at ako
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomanceBlurb Si Cherry ay dumanas ng maraming pagsubok sa kamay ng mga kapatid. Maraming bagay ang nagtangkang ipagkait sa kan'ya ang kalayaan na dapat ay tinatamasa niya. Pinagkaitan dahil hindi siya nababagay sa estado ng kanilang buhay, kinidnap siya ni...