Chapter 4

77 5 0
                                    

Chapter 4

Cherry's Pov

"Wow! Lahat ito ikaw nagluto nito?" Napalingon ako sa boses ni Emz. 

Alam ko na ngayon Ang uwi nila. Every weekend na lagi sila nandito, pero simula napilayan ako, ngayon lang sila nakabalik. Tahimik lang akong naghanda sa dining table na dala nila. Napatingin ako sa dalawa pagkaupo sila. Hindi ko pa man sinabing umupo. Ayon, napaupo agad siya ng walang sabi-sabi. 

"Wow!" Ang sarap ng adobo mo Cherry," sabay nilang sabi. 

Magkasama talaga sila habang puno ang bibig. 

"Nahihiya ako. Lagi na lang kayo may pasalubong sa amin. Wala akong magawa dito. Kaya naman naisipan kong maglinis at magluto para sa inyo," sabi ko sa kanila. 

Tinawanan lang nila ako. 

"Ngayon alam mo kailan kami darating!” Sabi ni Emz. 

"Matagal na akong mag-isa dito. Bakit hindi niyo ako pakawalan? 6 months na ako dito. Gusto ko nang umuwi," paulit-ulit kong sabi. 

Nakatingin lang sila sa akin ng seryoso. Nagsalubong ang mukha nila ng dalawang kilay. 

"Gutom ako; kain na tayo," mahinang sabi ni Emz. 

Halatang ayaw magsalita ng mga loko. Nakasimangot lang akong humarap sa kanila. 

"Sige na kumain ka na." Tinalikuran ko sila. 

"Bakit? Hindi ka ba sasama sa amin?" Napatingin na lang ako kay John. 

"May gagawin pa ako" sabi ko sa kan'ya. 

"Mamaya na ‘yan. Sumama ka samin!" 

"Eh! Nahihiya ako baka hindi niyo magustuhan," sabi ko sa kanila. 

Tinawanan lang nila ako. 

"Ano ka ba masarap, Diba  John? Kanina pa namin sinasabi sa'yo. Ang dami na naming nakain.”

"Ah masarap ba? Niloloko mo lang ako," sabi ko sa kanila. 

"Hindi, totoo 'to, 'di ba John?" Kumbinsihin ako ni Emz. 

"Sige kung masarap," sabi ko sa kanila. 

"Sayang wala si Mike," mahinang sabi ni Emz, pero narinig ko. 

2 weeks na siyang hindi umuuwi. Napatingin ako kay Emz.

 "Buti na lang wala na siya," sabi ko sa kanila. 

Ayan nanaman sila, tawanan na naman. Matatamaan  sila akin.

“Nakakainis na kaibigan niyo, iiwan niyo akong mag-isa dito. Sana hinayaan niyo na lang ako. Hindi ko maintindihan; bakit kayo ganyan?” Seryoso akong nakatingin sa dalawa. Tahimik lang silang dalawa na nakatingin sa'kin . 

"May girlfriend na ba kayo?" Malakas ang tawa nila. 

May nasabi ba akong mali? Baliw ba sila? 

"Bakit mo naman na tanong ‘yan?” Nakakamot pa sa ulo si John. 

"Wala lang akong naisip John. Nakakagulat na wala kang oras para sa iyong mga kasintahan. Lagi kang nandito! Bakit may mga pamantayan kayong mayayaman? Ganyan ba ang pakikitungo niyo sa amin? Kung may relasyon kayo, ibig sabihin  lang pera ang habol namin. Hindi ko lahat, nilalahat ha! Mukha naman matino kayo, hindi katulad ng kaibigan niyo. Masama ang tingin niya sa amin. Pera lang daw ng kapatid niya ang habol ko. Aba!! Wala akong pakialam sa yaman nila. Sana ako'y sa hirap. Sanay naman akong kumain kahit isang ulam lang. Masyadong OA ‘yang kaibigan mo. Ay naku! Alam niyo, huwag niyong tularan ang mapang-insulto mong kaibigan. Akala mo uubusin ko ang yaman nila. Hay naku, ang hirap maging mayaman."  Sa haba ng sinabi ko parang ewan ang mga mukha nila. 

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon