Chapter 23

41 5 0
                                    

 
                      Chapter 23

Cherry's Pov

"Kanina pa ako sa'yo nahihilo." Napatingin ako masama kay Mike. Hindi dahil sa kan'ya hindi ako magkakaganito. Bakit naman kasi naisipan niya ipakilala ako sa mommy niya.

"Ikaw ang  may  kasalanan,"  mataray ko sabi sa kan'ya.

"Ano naman ba  kasalanan ko?Wala naman ako ginagawa ah"

"Bakit mo ba kami pinakilala sa mommy mo?" Tawang-tawa pa siya sa sinabi ko. Natatakot na nga ako. Masasapak ko lalaki na 'to.

"Ano masama do'n! Pamilya ko na ka'yo. Mabuti na 'yon para  malamam nila. Mukha naman masaya si mommy. Tuwang-tuwa pa nga  si mommy nang makita niya kayo."

"Ito na nga kinakatakot ko, ayaw ko lang naman madamay anak ko," sabi ko sa kan'ya.

"Mike ilang beses ba ako magmamakaawa sa'yo gusto ko na umalis kami ng anak mo," mahina ko sabi.  Seryoso lang siya nakatingin sa akin.

"Ito na naman tayo paulit-ulit na lang. Kung hindi nila kayo matanggap handa ako! Kayo ang  pipiliin ko." Napahilamos ako. Ito na nga sinasabi ko. Ayoko kami dahilan pagkasira nila.

"Pero Mike, pamilya mo 'yon," madiin ko sabi sa kan'ya.

"Tangina naman Cherry,  pamilya ko rin kayo. Bakit ba hindi mo maintindihan bagay na 'yan," sabi niya sa'kin mukha na badtrip na si Mike sa kakulitan ko.

'Wag kang mag-alala karamay mo ako hindi ko kayo hahayaan may makasakit sainyo, kahit pamilya ko pa sila handa ako ipaglaban kayo. Mahal na mahal ko kayo Alam mo 'yon. Cherry wala kang dapat  ikatakot." Hinawakan ni Mike kamay ko. Napatingin siya sa akin at niyakap niya ako.

"Nndito ako para sainyo, Cherry gusto ko magsimula tayo." Nakikinig lang ako sa mga sinasbi niya.

"Cherry, sorry sa lahat nagawa ko." Napabitaw ako, hinarap ko si Mike

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Subukan ko para anak natin. Alam ko masaya siya makita ka. Sana 'wag mo siya bibiguhin," sabi ko sa kan'ya. Alang-alang kay Angelo gagawin ko lahat para sa anak ko.

"Poprotektahan ko kayo." Napayakap ulit  si Mike sa akin.

"Salamat sa lahat." Napatingin ako kay Mike. Pinagsasabi niya. Nakakunot ako nakaharap sa kan'ya.

"'Wag kang magpasalamat ginagawa ko lang 'to para sa anak natin. Sige na, ang drama mo.
Matulog ka na nga riyan." Natawa lang si Mike. Napatingin ako sa kan'ya.

"Oh, bakit natatawa ka."

"Wala, hindi ko lang akalain magkakaayos tayo."

"Bakit ayaw mo ba?" mataray ko sabi.

"Wala ako sinabi magbago. Matulog na tayo."

"Sige na, may gagawin pa ako."

"Bukas na lang 'yan Cherry."

"Hindi pa naman ako inaantok."

"Inisip mo ba 'yong kanina? 'Wag muna isipin  'yon. Nandito lang ako."

"Hindi mo maalis sa  isipin ko. Paano kung nagkukunwari lang mommy mo. Paano kung may gawin sa anak ko tulad ng ginawa niyo sa akin."

"Ito na naman tayo Cherry. Napapagod na ako sa'yo paulit ulit na lang. Ito na lang kakausapin ko mommy ko bukas na bukas. Kung ano man magiging desisyon niya tungkol sa atin, hindi ko kayo pababayaan.

"Naniniwala naman ako sa'yo. Paano kung papipiliin ka kami o kayamanan mo?" Napaisip si Mike sa sinabi ko.

"Oh, di ba! Hindi ka nakasagot. Kasi hindi mo kaya maghirap kasama kami. 'Wag kang mag-alala kung ano man maging desisyon mo. Kung sakali man tanungin ka ng family mo. Ito lang maipapayo ko. Sundin mo family mo. Magpapakalayo kami ng anak mo. Aalagaan ko siya  hinding-hindi ko pababayaan kung 'yan iniisip mo.

"Ano ba pinagsaaabi mo? Hindi mangyayari 'yan. Handa ako iwan lahat makasama kayo. Alam mo matulog na tayo. Kahit ano na lang  naiisip mo. Akala ko ayos
na tayo. Bago-bago ka naman. Makakatakot ka. Tara na niwan mo na 'yan. Bukas na lang 'yan ipagpatuloy mo." Sabay hila niya sa akin.

"Teka matatapos na," sabi ko sa kan'ya.

"Bukas na nga 'yan. Hindi naman 'yan mawawala." Ramdam ko naiinis na siya sa akin. Bakit ba kasi hindi siya matulog mag-isa. Makulit din naman siya.

"Baka pasukan ng langgam pagdadahilan ko."

"Hindi 'yan, malinis naman nakalagay mga grocery natin."

"Teka kailan kami makakauwi sa amin?"

"Ito na naman tayo." Napipikon na siya. Palihim ako natatawa. Baka magalit sa akin tuluyan sa kakulitan ko.

"Bahay niyo na nga  ito!  Ano ba Cherry hindi ka naman tanga para hindi makaintindihan. Paulit-ulit na lang kasi. Aba! Loko 'to sinabihan pa ako tanga." Inirapan ko siya.

"Tara na nga." Nagulat ako ng bigla niya ako buhatin.

"Ibaba mo nga ako," sigaw ko sa kan'ya.

"Ikaw kasi ayaw mo pa umalis  inaantok na ako."

"Ibaba muna nga ako," sabi ko ulit sa kan'ya.

"'Wag ka nga malikot pareho tayo mahuhulog." Bigla ako napatigil. Ang taas pa naman ng hagdanan mahirap na mapilayan kami pareho. Paano na anak namin walang mag-aalaga magpapakain. Lagi pa naman gutumin 'yon." Dahil sa sobra pag-iisip ko hindi ko namalayan nasa kuwarto na kami. Binaba na nga niya ako. Ang loko sabay  higa niya kama.

"Hoy! Hindi  mo ito  kuwarto. Nasa kabila ang kuwarto mo," sabi ko sa kan'ya.

"Akala ko makakalusot ako." Tawang tawa pa siya.

"Akala mo lang. Goodnight. Alis ka na." Pagtataboy ko sa kan'ya.

"Wala bang kiss."

"Ito gusto mo." Sabay turo ko sa kamao.

"Io na nga aalis na.
Sweetdream my love." Hindi ko na siya pinansin akala ko umalis na siya 'yon naman pala umalis lang sa tabi ko. Lumapit sa anak ko mahimbing na natutulog sabay higa niya.

"Hoy!" sabi ko sa kan'ya. Napatingin siya sa akin.

"Ano na naman ba?"

"Sabi ko umalis ka na?"

"Bakit ba! Ang damot mo tatabi lang sa anak natin. Ayaw mo naman katabi kita. Kung gusto mo ako lumipat sa tabi mo go ako riyan." Sabay tawa niya.

"Ako tigilan mo naiinis na ako sa'yo."

"Sige na! Ngayon lang pagbigyan mo na ako please!" Nagpacute pa siya. Napatingin ako sa kan'ya ng bigla siya yakapin ni Angelo.

"Oh! See ayaw ng anak mo." Wala na ako nagawa. Napatingin na lang ako sa mag-ama.

"Sweetdream may love." Hindi ko siya pinansin.

"My love sabi ko sweetdream."

"Naririnig ko," sabi ko sa kan'ya.

"Eh! Saan 'yon sagot mo.?"

"Ano ka teenager," sabi ko sa kan'ya.

"Dali!  Na sabihin mo sweetdream may love."

"Oo na sweetdream," sabi ko .

"Saan 'yong may love."

"Hindi ka ba titigil o palalabasin na kita? Ang ingay mo magigising sa'yo si Angelo. Matulog ka na nga!" Para tumugil siya mangungulit pinikit ko na mga mata ko.

______________________________________

                        Ikaw at ako
                   (Mike and Cherry)
                     By:c_sweetlady

                    

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon