Chapter 11

71 5 0
                                    

             
                    Chapter 11

Mike's Pov

Ano ba Mike? Ang ingay ingay mo." Napatingin lang ako kay Emz. Tangina naman walang pakisama sila oh. Paano ako kakalma nawawala si Cherry naiinis na ako. Ang tanga-tanga ko kasi pinagsusuntok ko na pader. Ang tanga ko kasi hindi ko kaya mawala sila sa buhay ko. Simula dumating sa buhay ko si Cherry lahat nagbago siya ang nagpabago sa pagkatao ko ngayon saan ko siya hahanapin
Tangina sigaw ko hindi ko na mapigilan. Gusto ko ng magwala ng magwala lahat na lang nawawala sa akin, lahat na lang umaalis ng dahil sa kapatid ko. Tangina buhay 'to patuloy pa rin ako sa kasisigaw. Wala ako pakialam marinig nilang lahat.

"Problema mo Mike, kanina ka pa riyan." Sabay lapit ni Emz sa akin. Napabangon mga kaibigan ko lahat sila masama nakatingin sa'kin.

"Madaling araw pa lang Mike naman oh!"

"Tangina, nawawala si Cherry," sigaw ko kay Emz.

"Tangina! Ano!" Gulat din tanong ni Emz.

"Sigurado ka ba riyan Mike!" Hindi makapaniwala tanong niya ulit akin.

"Hindi naman siya rito makakatakas," seryoso sabi ni Emz.

"Wala nga siya sa kuwarto niya," sabi ko sa kan'ya.

"Yong mga gamit niya tiningnan mo ba? Do'n lang ako napatingin sa kan'ya ng seryoso.

"Hindi pa!" sabi ko, pero wala talaga siya naiinis na ako. Napamura ako sa inis. Agad ako pumasok sa kuwarto ni Cherry para tingnan ko mga gamit niya napasigaw ako sa inis ng makita ko wala ng gamit si Cherry. Bumalik ako sa labas. Isa-isa sila napatingin ng seryoso .

"Ano na Mike!" Salubong sa akin ni Ray.

"Wala gamit ni Cherry. Umalis na siya. Hindi puwede ito," sabi ko. Paano na anak ko para akong nanghina ng bigla ako napatayo agad na lumabas.

"Saan ka pupunta?" Napatigil ako ng sumunod si Emz sa akin.

"Hahanapin ko siya Emz. Hindi puwede hindi ko siya makita. Baka mapaano sila. Tangina hindi ko kaya may mangyari  masama sa  kanila.

"Sasama ako Mike." Napaharap ako Kay  John na kanina pa tahimik.

"Kami na lang maiiwan dito baka sakali bumalik si Cherry." Seryoso sabi ni Emz. Umalis na kami ni John. Tahimik pa rin siya nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kan'ya seryoso parang may mali kanina pa siya gusto sabihin hindi lang niya matuloy. Nakarating kami kahit saan. Hindi parin ako tumitigil sa paghahanap.

"Mike, balik na tayo tanghali na. Hindi na natin siya mahahanap pa." Napalingon ako kay John seryoso. Tangina anong pinagsasabi niya.

"Hahanapin ko siya kahit saan. Buntis si cherry. Paano kung mapahamak sila ng anak ko," sabi ko sa kan'ya.

"Mike, hayaan na muna natin siya. Hindi mo puwede siya habang buhay ikukulong dahil lang sa galit. Hayaan natin siya maging masaya. Balang araw magkakaayos din kayo. Sa ngayon palayain muna siya para magkaroon kayo katahimikan. Kasi Mike hindi mo siya mapipilit sa bagay na hindi niya gusto. Alam natin na hanggang ngayon si Mark pa rin ang mahal niya, pero Mike kung gusto mo katahimikan. Simulan mo muna sa'yo. Sainyo ng kapatid mo. Sinasabi ko ito sa'yo Mike hindi sa kinakampihan ko si Cherry. Mali na hindi siya makagalaw sa gusto niya kung lagi lang siya sa loob ng bahay. Makasarili tayo Mike. Oras na baguhin mo ang lahat. Palayain mo na siya Mike. Sorry nakita ko si Cherry. Nagmakaawa siya sa akin. Gusto ko siya tulungan pero huli na ng makasakay na siya. Hindi ko na siya hinabol. Alam naman natin Hindi niya pababayaan anak niyo darating ang araw siya mismo babalik sa'yo." Nagulat ako sa sinabi ni John.  Hindi ko alam gagawin ko ngayon gusto ko mag isa. Gusto ko magwala pero hindi ko magawa. Napatingin lang ako Kay John. Lahat ng 'to kasalanan ng kapatid ko lagi siya hadlang sa kasiyahan ko tangina naman napahampas ako sa manibela sa inis ko.

"Nangako siya Mike hindi niya papabayaan ang anak niyo. Mike sorry. Sa sobra galit ko sinuntok ko si  John.

"Siraulo ka pala John. Alam mo naman gaano ko siya ka mahal." Lumabas ako sa kotse  iniwan ko siya hinabol niya ako tangina naman oh. Alam na pala niya hindi man lang niya ako ginising. Hindi hahantong ito mawawala si Cherry sa buhay ko at ang anak ko. Lahat na lang ayaw sa akin.

"Mike, sorry nasabi ko lang ito dahil ito ang tama. Ginawa ko na ang tama para sa kapakanan niyo dalawa."

"Siraulo ka pala." Sinuntok ko siya ulit.

"Kapakanan." Tumawa ako kapakanan naisip mo ba ako." sigaw ko sa kan'ya.

"Naisip mo ba anak ko?" Naiyak na ako sa harapan niya.

"John hindi ko siya makakasama paglaki. Ang tawagin niya ako daddy. Kailan ako maghintay kapag uugod-ugod na ako. Tangina naman. Sana inisip mo lahat ng 'to. Paano sila? Saan sila pupunta" sabi ko sa kan'ya.

"Tangina Mike!! Inisip ko rin kapakanan ng mag-ina mo? Ang sa akin lang 'wag kang selfish Mike! Tangina nasaktan mo ang tao Mike. Ikaw may kasalanan kung bakit nawala sila sa'yo. Tangina 'wag mo sa akin isisisi lahat ng katangahan mo." Natahimik ako sa sinabi ni John.

"Ayaw ko muna makita ka. 'Wag mo ko susundan." Iniwan ko si John. Hinanap ko pa rin si Cherry kahit saan ng hindi ko na siya mahanap.  Bumalik na ako sa bahay. Lahat sila nakatingin sa akin. Napatingin lang ako kay John. Tahimik lang nakatingin sa akin. Tangina buhay 'to sabi ko sa sarili ko.

"Makakaalis na kayo," sabi ko sa kanila.

"Gusto ko mapag-isa. Iniwan ko sila. Napaupo agad ako pagkarating ko sa kuwarto 'to para akong ng hina ng tuluyan? Kahit ano isipin ko wala na ako maisip na dahilan kung saan ko siya pupuntahan. Pinuntahan ko dati niya tinitirhan wala ako nakita Cherry sa apartment niya. Alam ko naman hindi siya pupunta ro'n dahil alam niya na una ko pupuntahan ang apartment nila ng kaibigan niya. Napasuntok ako. Tama si John ako may kasalanan lahat. Kailangan ko muna baguhin ang buhay sisimulan ko sa amin ng kapatid ko. Siguro oras na makipag-ayos ako pero hindi ibig sabihin hindi ko sila hahanapin. Hindi puwede hindi ko sila makita. Sila lang meron ako. Maghintay ako Cherry mahahanap din kita hanggang sa nakatulog ako.

______________________________________

                        Ikaw at ako
                   (Mike and Cherry)
                     By:c_sweetlady

                    

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon