Chapter 24Mike's Pov
"Anong ginagawa mo rito kuya." Sabay lapit ni Mark nakakunot noo. Problema nito. Napatingin ako sa kan'ya.
"Gusto ko makausap si mommy. Nakauwi ka na pala bro," sabi ko sa kan'ya?"
"Umalis ka na kuya!" Nakabusangot siya hinarap ako. Kararating ko pa lang loko 'to pinapaalis ako.
"Teka bakit ganyan mukha mo. May nangyari ba?" sabi ko sa kan'ya. Kilala ko kapatid ko. Bigla siya natahimik.
"Tangina! Sumagot ka na man," sabi ko sa kan'ya. Napatingin si Mark sa akin. Nag-iba mukha niya ang seryoso niya. Hindi ko gusto tingin niya.
"Kuya, nandito siya?" mahina niya sabi. Nalito ako sa sinabi niya.
"Teka ano ba pinagsasabi mo? Sinong?" Inulit ko sinabi niya."
"Si Shane kuya kausap siya ni mommy. Narinig ko sila ngayon nag-uusap. Minamadali ni mommy na makasal ka kay Shane. "Nagulat ako sa narinig ko. Tangina para akong natulala sa sinabi ni Mark. Seryoso ba siya. Alam naman ni mommy may anak na ako. Pinakilala ko pa nga sa kan'ya.
"Kuya, ako na nagmamakaawa sa'yo. Umalis na kayo ng mag-ina mo. Ilayo mo sila. Wag mo hayaan na mapahamak pa sila ulit. 'Wag kang mag-alaala andito ako. Hindi ko hahayaan na mapahamak sila. 'Wag mo kong gayahin naging mahina at duwag. Kuya, pinaraya ko na ang taong mahal ko. Sana naman manindigan ka. Please kuya! 'Wag ka na magpakita. Umalis ka na kuya." Nakikinig lang ako sa kapatid ko, parang hindi ako makagalaw. Iisip ko mag-ina ko. Nangako pa naman ako pprotektahan ko sila.
"Sige na kuya, umalis ka na baka maabutan ka pa nila rito." Sabay hila niya sa akin palabas. Paalis na ako ng makita ako ni Shane na palabas na. Tinawag niya ako nagkatinginan kami ni Mark. Napalingon ako kasama niya si mommy seryoso nakatingin sa akin. Wala na ako nagawa kundi humarap sa kanila. Napahiling si Mark nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanila. Humalik ako sa mommy ko.
"Puwede ba tayo mommy mag-usap?" sabi ko sa mommy ko. Bago ko hinarap si Shane.
"Pasensiya na Shane may pag-uusapan kami ni mommy," sabi ko sa kan'ya. Tumango lang si Shane sa sinabi ko.
"Sige, paalis na rin ako."
"Sige kuya hatid ko muna si Shane." Napatingin ako kay mommy seryoso mukha. Seryoso ako napasunod kay mommy. Nandito kami ngayon sa may sala.
"Ano pag-uusapan natin," sabi ni mommy. Napatitig ako sa mommy ko.
"Mommy! Ano ito narinig ko magpapakasal kami ni Shane." Seryoso ko sabi, parang nagulat si mommy sa nalaman ko seryoso niya ako tinitigan.
"So, alam na pala! Sino ba nagsabi sayo?"
"Hindi na importante kung kanino ko nalaman. Totoo pala ipapakasal mo ko, pero ito masasabi ko mommy hindi ako magpapakasal kay Shane." Nagulat si mommy sa sinabi ko. Buong buhay ko sinunod ko sila, ngayon lang ako nanindigan para sa sarili ko..
"Sinusuway mo na ako dahil sa babae na 'yan. Una si Mark nakuha niya ngayon ikaw! Makakarating ito sa daddy niyo.: Galit na galit si mommy napasigaw.
"Mommy! Akala ko tinanggap mo sila. Nakita ko kung paano mo niyakap si Angelo, iyong apo mo," madiin ko sabi sa kan'ya. Tama si Cherry nagkukunwari ka lang pala.
"Hinding-hindi ko hahayaan na masira tayo ng babae 'yan. Magpapakasal ka kay Shane sa ayaw at sa gusto mo. Inaayos ko na lahat." Napahilamos ako sa sinabi ni mommy.
"Bahala kayo, gawin niyo kung ano gusto niyo. Hndi ako magpapakasal. Mommy may anak ako hindi mo ba naisip 'yon? May anak ako mommy." Paulit-ulit ko sabi sa mommy ko.
"Hindi ako magpapakasal mommy. Sa isang tao ako papakasalan si Cherry 'yon mommy. Cherry mahal ko," sabi ko sa mommy ko. Mahal ko mag-ina ko.
"Wag mo ako subukan Mike kilala mo ako kaya kong gawin?"
"Bakit anong gagawin mo mommy? Sisirahin mo ako?" sigaw ko sa mommy ko.
"Mommy buong buhay ko sinunod ko kayo, wala kayo narinig sa akin. Ito lang pakiusap ko sa'yo. Na sana tanggapin mo mag-ina ko. Hindi mo magawa. Ito lang mommy hindi mo ako mapagbigyan. Mommmy sorry, pero sila pinili ko. Handa na ako talikuran lahat," sabi ko sa mommy ko.
"Pasensiya na po." Sabay talikod ko.
"'Yan na nga sinasabi ko dahil diyan sinusuway mo na ako. Sige umalis ka? Sa oras na umalis ka. Ito tandaan mo hindi ka na makakabalik pa dito kahit kailan. Sige tingnan ko lang kung kaya mo mamuhay kasama sila. Lahat ng meron ka ngayon iwan mo. Iyan kotse na 'yan iwan mo rito," sigaw ni mommy. Naiinis ako binigay ko sa mommy ko. Napaharap ako sa kapatid ko kanina pa nakatayo sa harap namin.
"Simula sa araw na ito Mark ayaw na ayaw ko na nakikitang magkasama kayo o magkita dahil hindi ko na anak 'yan," sigaw ni mommy sa kan'ya.
"Umalis ka na!" Napatingin lang ako kay Mark. Umalis na ako hindi ko na pinansin si mommy hinabol ako ni Mark.
"kuya." Napalapit si Mark niyakap niya ko.
"Mag-ingat ka."
"Oo naman bro! Kunwari na lang ako nakangiti sa kan'ya.
"Ingatan mo mag-ina mo lagi mo bantayan," pabulong lang pagkasabi niya sa akin. Bigla ako kinabahan sa sinabi ni Mark
"Wag kang mag-aalala. Nandito lang ako sainyo," sabi ulit ni Mark
"Salamat ulit bro. Sige na alis na ako."
Umalis ako hindi ko dalawa kotse ko. Buong buhay ko hindi ako nakakaalis na hindi dala kotse ko, ngayon nakaranas ko magbiyahe na kasama ng maraming tao. Wala naman sa akin kung mawala lahat sa akin meron ako. Simula pa lang alam ko ng mangyayari ito. Hinanda ko na sarili ko. Ang kinakatakot ko lang kung may gawin si mommy sa mag-ina ko. Hindi ko sila mapapatawad kahit pamilya ko sila. Tangina! Ganito pala feeling 'yong lahat na meron ka mawawala na lang parang bula. Minsan ko na ginawa kay Cherry. Ito na ata karma sa akin," sabi ko sa isip ko. Hindi muna ako umuwi nag-isip-isip mo na ako. Dito ako ngayon sa may tambayan madalas ko puntahan kapag may problema. Napapatingin ako sa mga ibon na lumilipad, sana katulad ko rin sila malaya. 'Yong bang wala silang problema masaya lang sila kahit saan gusto nila hanggang sa nakatulog ako sa may malaking puno.
______________________________________
Ikaw at ako
(Mike and Cherry)
By:c_sweetlady
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako
RomanceBlurb Si Cherry ay dumanas ng maraming pagsubok sa kamay ng mga kapatid. Maraming bagay ang nagtangkang ipagkait sa kan'ya ang kalayaan na dapat ay tinatamasa niya. Pinagkaitan dahil hindi siya nababagay sa estado ng kanilang buhay, kinidnap siya ni...