Chapter 19

50 5 0
                                    


Chapter 19

Mike's Pov

"Gago ka, buti na lang naisipan mo kami tawagan," sabi ni Ray na seryoso ang mukha nakatingin sila sa akin.

"Tangina Mike, matagal ka na nandito. Hindi mo man lang kami dinadalaw." Hindi ko na lang pinansin si Rod. Nandito kami para pakalmahin sarili ko. Hindi ko alam ano magawa ko sa kapatid ko. Hanggang ngayon, inaagaw pa rin niya mga mahal ko sa buhay.

"Ano ba kayo busy siya." Sabay lapit ni Emz.

"Tangina Mike, pansinin mo naman kami. Malalasing ka na ginagawa mo." Seryoso ako napatingi kay John kung makasigaw naman dinig sa kanilang baryo. Tangina hindi ba sila nakaintindi gusto ko lang tahimikm

"Loko 'to, nagyaya sa amin mag-inuman. Mukha nauna ka na sa amin." Isaa pa 'tong si Jhun. Hindi ko na lang sila pinapansin, sa alak ako nakatingin.

"Ano ba 'yon Mike mag-usapan natin. Pa biglang-bigla ka napatawag sa amin." Napalingon ako sinabi ni Rod habang siya naghihintay sa sasabihin ko.

"Teka lang Mike, 'wag mo sabihin nag-away naman kayo ng kapatid mo. Naku Mike nagbago na kami." Inagaw ko kay Ray ang alak hawak niya. Naririndi na ako sa boses ng mga kaibigan ko ang damping tanong. Paulit-ulit lang naman. Maya-maya bigla ko nalang tinapon hawak kong alak nagsisigaw ako sa inis. Napatingin lang sila.

"Sa totoo lang nagseselos ko sa kapatid ko." Napaharap ako sa mga kaibigan ko.

"Nakita ko sila magkayakap sila ni Cherry." Sabay iyak ko sa kanila.

"Teka, ano sabi mo?" Sabay lapit ni Emz.

"Ibig mo sabihin nakita muna si Cherry," anong niya sa akin.

"Nagkita na kami. Alam mo bang ang cute-cute ng anak ko."

"Paano kayo nagkita?" tanong ni George na akala ko walang pakialam nakahawak kasi sa phone niya may kalandian.

"Iyong bahay na tinutuluyan ko ngayon, nando'n lang pala mag-ina ko nakatira. Nando'n sila sa tita ko.

"Ang ibig mo sabihin matagal na magkakilala ang tita mo at si Cherry."

"Alam ko na ibig sabihin nito Mike. Hindi kaya nakatakda talaga kayo sa isa't -isa." Napatingin ako kay Emz sa sinabi niya.

"Oo nga Mike, imagine sa tagal na hinahanap mo siya. Ang do'n lang mag-ina mo." Sabay tawa ni John. Siya ang dahilan bakit nakawala si Cherry. Gago ito nagawa pa tumawa.

"Nag-usap na ba kayo ni Cherry?"

"Oo, nakausap na kami. Wala pa rin ng bago, gano'n pa rin laging pa rin siya nainis sa akin."

"Alam na ba ng kapatid mo tungkol sa inyo ni Cherry?" Napatango ako sa sinabi ni John.

"Tangina! Nagalit ba?"

"Ano ba tanong' yan Rod. Malamang galit 'yon. Ikaw ba naman 'yong tao mahal mo inagaw ng kapatid niya." Nakita ko siniko ni Rod si Jhun. Natahimik lang ako umiinom. Nagwala na ako sa galit. Hindi ko mapigilan isipin sila.

"Sa akin lang sila. Hindi ako papayag na maagaw pa siya ng iba. Mahal ko mag-ina ko," sigaw ko sa kanila. Wala akong pakialam marinig nilang lahat. Mailabas ko lang saloobin ko.

"Mag-usap kayo ng kapatid mo?Alam ko matatanggap ka rin niya." Napatining ako kay Ray. Pinagsasabi niya.

"Tangina Ray nagseselos ako sa kanila." Nagsisigaw ako paulit-ulit.

"Tama na 'yan Mike!" Awat ni John sa akin.

"Ang sama ko ba? Ito na ba 'yong karma ko. Nagmahal lang naman ako ah! Lahat na lang nawawala sa akin. Tangina buhay 'to." Nanghina ako, buti na lang nahawakan ako ni John. Napalingon kami ng may grupo palapit sa amin nagpapalakpakan. Nagulat ako ng lumapit si Mark sa amin kasama niya ang barkada niya. Mukhang nakainom na rin siya. Lumapit siya sa akin sabay suntok niya.

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon