Chapter 11
Nakakamangha ang laki ng mansiyon nina Sir Dean. Nasa malaki at malawak na hardin na ang lahat ng empleyado. May maliit na entablado sa gitna at napapalibutan ito ng mga bilog na lamesa, kasama na rin ang mga upuan. Sa gilid naman ay may mahabang mesa at doon nakalagay ang iba't ibang putahe ng pagkain na inihanda para sa lahat ng empleyado.
Late na kaming nakarating ni Sir Dean sa ginaganap na Christmas Party ngayon sa kanilang Mansiyon. Tanghali na kaming nagising dahil sa sobrang pagod at puyat. Inaasikaso kasi namin ang mga papel ng mga Cessna na isi-ship na this week. Hinahabol namin ang araw para naman makauwi naman ako bago mag-bisperas ng Pasko.
Pagkatapos ng Christmas Party ay magsisiuwian na ang ibang empleyado sa kani-kanilang probinsiya. Habang ako'y maiiwan pa sa dami pa ng trabaho.
Huling-huli na nga kami dahil ang dami namin
namiss na games. Ang saya-saya ng mga empleyado ngayon. Pansamantala nilang nakalimutan ang trabaho. Natagpuan ko na lang ang aking sariling sumusunod kay Sir Dean. Napansin na kami ng mga tao. May napanganga, nangingiti, kinikilig na akala mo ay nakakita ng artista.Huminto kami malapit sa entablado kung saan nandoon si Sir Dean Calixto Wright na nakaupo sa isa sa mga mesa roon kasama ang ibang empleyado. Tumayo si Sir Calixto nang mapansin niya ang aming presensiya. Niyakap niya si Sir Dean.
"You two are late, what took you so long? You had missed the fun." Nakangiting sinabi ni Sir Calixto at bumaling sa akin.
"I'm sorry Dad, we just rushed some paper. Regarding of the shipment of the Cessna's." Magalang na sabi niya sa daddy niya.
Bumaling naman sa akin si Sir Calix. "How are you, Meria?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Mabuti naman po, heto buhay pa rin po. Kayo po, kumusta po?" nahihiyang tugon ko.
"Well, mabuti din. You look good together." Tudyo pa ni Sir Calixto sa amin, saka siya ngumiti.
Hindi naman pinansin ni Sir Dean ang sinabi ng Daddy niya. Pero ako literal na namula ang aking pisngi.
"By the way, you have to meet the other employees here, son."
"Excuse me lang po mga Sir, puntahan ko lang po mga friends ko doon." Tinuro ko ang mga kaibigan kong kumakaway sa akin. Nasa may pinakasulok ang puwesto nila. Sina Waldo at Kaka kasama pa ang ibang empleyado.
"Go on," pagpapalayas ni Sir Dean sa akin at siya naman ay inakay ng Daddy niya at ipinakilala sa mga empleyado na kumakain na sa kanya-kanyang mesa nila.
---
Bawat nadadaanan kong mga empleyado ay binabati ako. Ngiti lang ang isinasagot ko. Ang iba kasi ay hindi ko masyadong close. Nang makalapit na ako sa puwesto nina Waldo at Kaka ay pinaupo na nila ako sa gitna nila. Literal silang kinikilig pagkakita nila sa akin. Napansin ko na lang na naroon din pala si Manuel na ojt pa lang noon nang iwanan ko siya sa Wing Department.
"My gas! Ang ganda-ganda mo naman ngayon Meria!" histerikal at ekseheradong sabi ni Kaka. Kamukha pa naman ni Kaka 'yong artistang si Cacai. Iyung komedyante, hindi ko matandaan ang apelyido.
"Bakit noon ba, hindi ako maganda?" nakanguso kong tanong.
"Maganda naman, kaso pumuti ka ngayon kaya nanibago talaga kami sa 'yo." Para siyang timang na nakatitig lang sa akin. Kumukurap-kurap pa ang mga mata niya. Akala mo'y nabighani talaga sa akin.
"Ano ka ba naman Kaka, natural puputi iyang si friendship. Maghapon ba namang nakakakulong sa kuwarto na may aircon." Sabad naman ni Waldo. Mamaya niyan mag-aaway na ang dalawa.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Fiction générale✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...