Chapter 6
Seeing Meria now makes me want to laugh so hard. I composed myself so that she can't notice me. Ayaw kong mapansin niya na pinagtatawanan ko siya ng palihim. Paano ba naman kasi naka-face mask pa. Ano naman kayang drama at kaartehan ito?
Kasalukuyan akong nagda-drive at katabi ko siya ngayon. She's sitting on the passenger seat.
"Why are you wearing that?" I asked her and then she looked at me so irritated. Hindi yata maganda ang gising niya kasi nakasimangot. Kahit naka-face mask siya halata ang pagka-aburido niya.
"Wala naman. Nahihiya kasi ako sa 'yo baka maamoy mo hininga ko, Sir," seryoso niyang sabi.
"Seriously? Meria, joke lang iyong sinabi ko. Hindi ka naman bad breath kaya tanggalin mo na iyan. Mukha kang tanga. Hindi ka na ba talaga mabiro?" sabi ko sa kanya. Tapos bigla na lang niyang tinanggal ang mask at sinuksok sa dala niyang bag.
"Joke lang po pala, akala ko kasi totoo. Ang sakit mong magbiro, Sir Dean. Nakaka-offense."
"Baka offend kamo."
"Ano ba'ng sabi ko?" patay malisyang sabi niya saka nagkunwaring may hinahanap sa bag niya.
"Sabi mo kasi offense." Saad ko at tinuon ko ang mga mata ko sa daan habang nagda-drive.
"Bingi ka Sir, ano?! Magluga ka nga!" singhal pa niya sa akin.
"What is magluga?" I asked. Ang dami kasing alam ng babaeng 'to.
"Magluga lang hindi mo pa alam? Maglinis ng tainga gamit iyong maliit na stainless na parang sandok," aniya.
"Ano bang salita 'yun?" curiosity strikes me.
"Kapampangan," she said.
"So, what is maganda in Kapampangan?" I asked. Because I find her beautiful everyday.
"Malagu. MA-LA-GU! Pak ganern! Naku Sir, ah. Kung may itatanong ka pa bumili ka na lang ng dictionary." Sabi niya na napakamot sa ulo niya.
Natatawa ako sa kanya.
"So, you are malagu," I said.
She rolled her eyes and smiled widely. "Sabi ko na nga ba nagagandahan ka sa akin. Huwag kang ganyan, Sir Dean. Baka masanay ako. Hihi." Inipit pa niya ang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga niya.
"Minsan ko lang sasabihin iyon kaya namnamin mo na." Ang sarap kaya niyang pagtripan. Poor Meria.
"Sir naman. Ang lupet mo talaga," maktol pa niya.
"So, Kapampangan pala kayo?"
"Opo Sir, pero sa side lang nila tatay. Matagal pa ba tayo, Sir? Saan ba kasi tayo pupunta?" naiinip niyang tanong sa akin.
"Bakit parang ayaw mong pag-usapan ang personal life mo?"
"Hindi naman po kasi interesante ang buhay ko. Pero kung gusto mong malaman lahat tungkol sa akin, tutal mayaman ka naman. Mag-hire ka na lang ng private investigator para masagot lahat ng tanong mo," pilosopo niyang sabi.
Tiningnan ko siya. Ngayon kumakain naman siya. Hawak niya ang isang maliit na plastic square na baunan. Parang may magic ang bag niya.
"Gusto mo, Sir Dean? Ang tagal kasi ng biyahe natin. Nakakagutom. Hindi ka man lang kasi humihinto, kuripot ka talaga kahit sana
mag-drive-thru lang tayo. Buti na lang nagbaon ako." Lumulobo pa ang pisngi niya dahil sa dami ng sinusubo niyang pagkain.Napailing-iling na lang ako. Para siyang hindi babae.
"Ano ba 'yan?" tanong ko sa kanya. Iba-iba kasing kulay na pahaba ang kinakain niya. Orange at violet ang kulay niyon na may grated coconut.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
General Fiction✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...