Chapter 8 ✈🛩

2.9K 60 0
                                    

Chapter 8

Kinabukasan, pagkagising ko ay ni wala akong nakitang tao sa loob ng malaking bahay na ito. Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa ginawa namin ni Sir Dean. Naghalikan kami at ginusto ko rin naman iyon, pero kung hindi ko siya napigilan kagabi malamang warak na ang bataan ngayon. Dala lang siguro ng kalasingan niya iyon.

Pero nahihiya pa rin ako't dapat ganoon din siya. Sinamantala niya ang kainosentihan ko. Posible kayang may gusto din sa akin si Sir Dean? Baka nga epekto lang ng alak iyon. Uminom kasi sila kagabi. Akala ko naman kasi nang may tumabi sa akin nanaginip lang ako.

Paano ko ba pakikiharapan ngayon si Sir Dean?

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko doon si
Sir Dale. Simula ngayon ay gagalangin ko na silang lahat. Half-naked lang siya, suot lang niya ay boxers short na kulay stripe na blue. Shet! Nasaan ang kape? Ang daming pandesal nasa walo yata iyon.

Nagtitimpla siya ng kape. Napansin niya ako at niyaya niya akong mag-agahan.

"Good morning, Meria! Come lets eat," sabi niya.

Tinanguan ko lang siya. May nakahanda naman kasing pagkain sa mesa, hotdog, ham, bacon, bread, tapos may sinangag pa. Isama na rin ang pandesal ni Sir Dale. Natawa ako sa iniisip ko.

Pinaupo niya ako sa katapat niya tapos nilagay sa harap ko ang tasa na may lamang kape. Mainit-init pa, masarap isawsaw ang pandesal niya sa kape ko.

Ano ka ba, Meria. Stop your self. Hindi ka tipo niyan. Mukhang babaero iyan.

"Nasaan po sila, Sir Dale?"

Wow, ah, feeling close lang ang peg ko sa kanya.

"Nasa likod sila. Inaayos 'yung mga sirang eroplano. Nag-eeksperimento sila," sagot naman niya.

"Nag-almusal na ba sila?" tanong ko pa habang kumakain na. Kumuha lang ako ng sinangag at isang pirasong ham. Juicecoloured. Isang linggo yata akong mada-diet dahil sa mga makikita ko pang pandesal. Magana pa lang kumain si Sir Dale.

"Kanina pa sila nakapag-almusal. Maaga talaga kung magising ang mga iyon. Well trained sila dahil hawak nila ang kompanya nila. Bawal ma-late kahit ikaw pa ang boss," saad niya sabay tingin sa akin. "You're beautiful." Dagdag pa niya.

Bigla akong namula at nahihiyang nginitian lang si Sir Dale. Natapos na akong kumain kaya naman tumayo na ako't nilagay ang pinagkainan ko sa lababo.

Nang biglang may tumikhim sa likuran ko.

"Ganyan ang linya ng mga babaero. Don't believe him, hindi ka naman maganda. Pangit ka." Si Sir Dean ang nagsalita.

Narinig niya ang sinabi ni Sir Dale at kumontra talaga siya. Pangit daw ako, o. Nakaiinit ng ulo kung makainsulto siya.

Sir Dale chuckled. Pagkaharap ko kay Sir Dean at babanatan ko na sana siya kaso bigla akong napanganga. Half-naked din kasi siya na nakasuot lang ng kulay itim na rugged jeans. Para siyang walking model sa buong kabahayan. Ano bang nangyayari sa mundo? Magugunaw na ba at puro pandesal na lang ang nakikita ng mga mata ko?

Umuusok ang ilong ko at naalala ko na pangit pala ako. Magsasalita na sana ako, pero bago pa bumuka ang bibig ko ay hinarang na niya ang daliri nito.

"Pagkatapos mo diyan, puntahan mo kami sa likod. Tulungan mo kami sa ginagawa namin. Bawal ang tatamad-tamad dito, sayang ang pinapasahod ko sa iyo." Aniya at mabilis akong iniwan.

Tumawa na naman si Sir Dale na lalong nagpa-inis sa akin. Mapang-asar talaga ang mga ito.

"Gusto ka ni Dean. Hindi mo ba nararamdaman iyon?" ani Sir Dale.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon