Chapter 23 ✈🛩

4.9K 102 8
                                    

Chapter 23

Mabilis ang mga sumunod na araw para sa amin ni Dean. Nang maikasal kami ay wala na kaming inaksayang mga oras pa. Labis ang tuwa ng aking mga magulang, ganoorin ang aking father in-law. Isama na rin ang mga kaibigan ni Dean. Si Waldo at Kaka na mga kaibigan ko, at ang buong kompanya ng DCW ay naroon din mismo sa event na iyon at nasaksihan ang mabilisang kasal namin.

Ngayon ay magkasama na kami ulit ni Dean sa bahay niya dito sa Wright's Village. Ginawa na lang namin full office ang buong bahay niya. Sa Wright's Mansion na rin kami lilipat kapag natapos na ang renovation doon. Gusto kasi ni Daddy Calixto na doon na kami pumirmi. Para kung magka-anak na kami ni Dean ay magiging masaya ang buong bahay ng matanda.

Busy ako sa Miniature Business ko, pangarap ko kasi na magkaroon ng Miniature Shop ng mga iba't ibang display designs ng mga eroplano. Gumawa nga ako ng ilang maliit na template ng eroplano na 10 inches ang laki. Pagkatapos ay bumuo ako ng limang magkakaibang replica at ipinapinta ang mga ito. Nagustuhan ito ng mag-ama, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong magkaroon ng sariling negosyo.

Ang dating kuwarto ko sa bahay ni Dean ay pansamantalang pinalawak namin at siyang ginawa kong working area sa miniature assembly. Sa ngayon ay tatlo muna kami nina Waldo at Kaka na nagtutulong-tulong sa pagbuo ng malilit na eroplano.

"Pasensiya na kayong dalawa, meryenda muna tayo." Sabi ko sa dalawang kaibigan ko. Saka ko inilapag sa working table ang dalawang 2 liters na coke, saka may isang balot ng plastic na sitsiryang bangus. May chicken sandwich rin naman.

Binunot naman ni Waldo ang main switch ng extension cord. Dahil may mga gamit kaming drill gun at metal grinder sa loob ng kuwarto. Saka kami prenteng-prenteng umupo.

"Naku, Meria! Magagalit na naman si Sir Dean sa meryenda natin. Bawal daw sa iyo ang coke at sitsirya." Sabi sa akin ni Kaka.

"Walang bawal bawal, kasi masarap ang bawal!" sabi ko. Nagkatawanan kaming tatlo. "Kaya nga bilisan ninyong kumain diyan, baka mahuli pa tayo ng masungit na iyon." Dagdag ko pa habang nilalagok ko ang isang basong coke. Ayaw niya kasi ng unhealthy food ng lalaking iyon. Kaya madalas niya akong pagalitan.

"Friend, ipakilala mo naman kami sa bagong salesman mo sa MRW Miniature mo," entrada naman ni Waldo na kinikilig. Natatawa ako. Kung alam lang ng dalawang ito.

"Si Clark?" nakangising sabi ko.

"Oo!" magkasabay pang sabi ng dalawa.

Aba't excited?

---

"Ma'am and Sir, Welcome to MRW!" bati sa amin nang napakaguwapong salesman ko pagpasok namin sa loob ng  shop ko. Sumalubong sa akin ang malamig na paligid at ang bango pa. Makikita mo sa loob ang mga mini-airplane display na ako mismo ang nagdisenyo. Nakaka-proud. Napangiti ako. Kinikilig naman ako nang makita ko sa cashier area ang aking asawa. May dini-discuss yata siya sa babaeng cashier ko. Lumapit ako roon. Iniwan ko na sila Waldo at Kaka na nakipagkuwentuhan sa salesman namin. Sigurado akong kinikilig na naman ang dalawa kay Meho. Este, Clark na raw pala ngayon. Kasi nagbagong hitsura na siya at bagong buhay. Ibig sabihin mabango na ang kaniyang hininga.

"Busy?" wika ko nang makalapit ako sa kanya. Nagtaas siya ng tingin at sinenyasan ang babaeng cashier. Ngumiti siya sa akin.

"Ayos na lahat wala ka nang iisipin pa sa shop mo. Alam mo naman ayaw kitang ma-stress so that sooner or later. We can have a baby." Niyakap niya ako.

"Salamat sa lahat," sabi ko.

"You know, you're always welcome," sabi niya.

"Ano sa palagay mo bebenta kaya ang mga ito?" sabi ko na naman.

"Oo naman, this is all hand made. Maraming mahihilig na collectors ng mga ganito. And in demand din ito sa ibang bansa." Sagot niya

"Naisip kong, puwede na siguro tayong lumipat sa mas malaking lugar, para ipagpatuloy ang produksiyon nito." Sabi ko. Nagulat si Dean at nakita kong napangiti siya.

"Akala ko ba, gusto mong personal na ikaw ang bubuo ng mga miniature mo?" nagtatakang sabi niya.

"Ano pa bang silbi ng buong template na ginawa ko? Sila Waldo at Kaka na ang bahala sa produksiyon. Sila na ang kokopya ng mga gawa ko. Magha-hire muna tayo ng kahit sampung tao para makasama nila. May tiwala ako sa dalawang iyon. Kaya nila na iyon. Sa ngayon gusto ko munang magbabad sa higaan kasama mo. Tapos cuddle-cuddle tayo buong araw at gabi. Tapos magme-make love tayo sa madaling araw hanggang umaga. Repeat-repeat lang wala nang ligo. Charot!" Natawa nang malakas si Dean sa huling sinabi ko.

"I always like the idea. Effective today." Pilyo niyang sabi.

Hinila niya ako palabas ng shop, nagpatangay naman ako. Kahit saan niya man ako dalhin ay hindi na ako aangal. Kahit sa heaven pa. Recently kasi ay nawawalan kami ng oras para sa isa't isa. Lagi siyang nakababad sa office niya. Ako naman ay nasa working area ko. Gabi na kung kami ay magkita. Parang wala ng quality time. Puro kami cuddle, wala nang aksiyon. Natatawa ako sa mga naiisip ko.

Nang makalabas na kami ng shop ay tinawagan niya si Meho na si Clark na ngayon. Itinuring na namin siyang kapamilya. Umuuwi iyon sa Wright's Mansion. Minsan ay kasama ko rin siyang umuuwi sa amin na walang pandidiri kapag hindi ko kasama si Dean. Mabango na kasi siya ngayon. Wala namang masama dahil para na namin siyang kapatid. Plano ko nga ring patirahin sina Kaka at Waldo sa Mansion. Sinabi na rin namin kay Daddy Calix iyon. Sabi naman ng matanda mas marami sa bahay, mas masaya ang pamilya. Jusko ang yaman-yaman, e, para na rin if ever na magka-baby na kami ni Dean may katuwang ako sa pag-aalaga.

Sina Nanay at Tatay naman ay ayaw umalis sa bahay namin. Kaya nga ang ginagawa namin ni Dean minsan ay kada isang linggo ay naglalagi kami roon sa bahay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Dean nang makasakay na kami sa kotse. Hindi kami kaagad umalis kasi marami siyang tinawagan. Tapos may tini-text yata siya.

"Magbabakasyon tayo. Akin na ang phone mo." Utos niya.

"Naku, naiwan ko yata sa bahay?" sabi ko. Hindi ako sigurado kung saan ko naiwan iyon.

"Good," nakangising sabi niya.

"Good? Bakit? Hindi puwedeng maiwan iyon!" sigaw ko.

"37 ka na, isip-bata ka pa rin," pa easy niyang sabi.

"Grabe ka, ha! 30 pa lang ako! Kaloka ka! Gago mo!" naiinis kong sabi sa kanya.

Kinabig niya ang ulo ko. Mabilis niya akong hinalikan ng mariin sa labi. Pagkatapos ay binitawan din ako.

"One curse is equevalent to one kiss," nakakalokong sabi niya.

Ang sarap mag-mura. Shet!

Pagkatapos no'n ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Habang nasa biyahe ay sinabi niya ang plano sa akin. Magta-travel daw kami ng tatlong buwan, hindi ko alam kung saan basta  hindi rin kami uuwi hanggat hindi niya ako mabubuntis.

Kaloka ang lalaking ito mga bes!

Na stuck kami sa traffic. Ginagap ni Dean ang mga kamay ko.

"I love you, Meria," sincere niyang sabi sa akin. Kinuha ko ang pagkakataong mahalikan siya ng  masuyo. Kissing in the car over the traffic is more fun in the Philippines! Ayaw kong sagutin ang pagmamahal niya. Kasi naman, action speaks louder than words naman. Much better!

Masaya ako at kuntento na kasama ko si Dean. We may not be perfect at so many times... but we stand to each other until the end. Nagsisimula pa lang kami at alam kong marami pang pagsubok kaming pagdadaanan. Keep loving and keep fighting! #MeriDeanforever!

xxxxxx
END

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon