Chapter 16
Hindi ko maiwasang magalit sa aking narinig. Malinaw na ginamit lang ako ni Sir Dean. Hindi ako tanga. Mabilis akong tumalikod nang makita kong palabas na ng hangar ang dalawang pamilyar na lalaki. Si Sir Abraham at Jhin na asawa noong si Celine. May pinapakuha kasi si Sir Ferho na gamit. Napadaan lang ako at hindi sinasadyang makita ko sila kanina roon. Hindi ko rin sinasadyang makinig sa pinag-uusapan nila, huli na ang lahat nang banggitin ni Sir Abraham ang pangalan ko. Mukhang umaayon yata ang pagkakataon sa akin. Masakit... sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon.
Bumalik ako sa hangar 5. Pinipigilan kong umiyak. Ayaw kong ipahalata kay Sir Ferho at Sir Silver na may kakaibang namagitan sa amin ni Sir Dean. Bagay na pinagsisihan ko na ngayon.
"Nasaan ang drill gun?" nagtatakang tanong sa akin ni Sir Silver na kasalukuyang nagle-layout ng mga access cover para sa Left and Right Wing.
"W-wala," tipid kong sagot. Nanghihina ako na parang mawawala ako sa sarili. Gutay-gutay na ang puso ko dahil sa nalaman ko.
"Sige, hanap na lang ako diyan sa tabi-tabi!" sabi pa ni Sir Silver na napakamot sa ulo, nginitian pa niya ako bago niya kami iwan ni Sir Ferho.
"Meria, samahan mo ako sa hangar 8. Pinapa-polish ni Dean iyong nag-iisang Cessna doon." Aya naman sa akin ni Sir Ferho. Tinanguan ko lang siya. Lumabas na kami rito sa hangar 5 para lumipat sa hangar 8. Agaran akong sumunod kay Sir Ferho.
Pagpasok namin sa loob ng hangar 8 ay bumungad sa amin ang isang Cessna. Ang nakakagulat pa roon ay ang nakalagay na malaking pangalan nito sa katawan ng Cessna. Bakit napunta rito ang Cessna ni Celine? Lalo lang akong nainis kay Sir Dean. Buti pa itong eroplanong ito. Mahal na mahal niya. Nag-init ang aking ulo nang maalala ko ang usapan ng tatlo kanina.
Tama. Ito nga pala ang naging dahilan ng lahat. Ginamit lang ako ni Sir Dean para makuha nito ang gusto niya. Ang tanga ko. Hindi niya talaga maalis-alis sa sistema niya ang babae. Sobrang sama ng loob ko sa kanya.
"Anong gagawin natin dito?" Tukoy ko sa Cessna. Naiimbiyerna ako sa pangalan na nakalagay sa Cessna. Hindi maipinta ang mukha ko nang bumaling ako kay Sir Ferho. May hawak na itong puting basahan at isang spray bottle, naka-label ang bote na polishing gel wax. Pampakintab ng eroplano.
"Pinapa-polish ni Dean ang buong Cessna. Para maganda raw tingnan. Dapat daw kasing ganda ni Celine iyan. Akala ko nga magre-repair ako. Papakintabin ko lang pala ito. Halika na, tulungan mo ako," sabi pa ni Sir Ferho na badtrip din sa kakaibang trip ni Sir Dean.
Pumuwesto sa kabilang parte ng Cessna si Sir Ferho. Malapit sa nguso ng eroplano. Ako naman ay sa buntot, kung saan naroon ang pangalan ng pinakamamahal ni Sir Dean. Napapasimangot ako nang simulan kong punasan ang bahaging iyon. Anong mayro'n siya na wala ako?
Alam ko, kulang lang ako sa dibdib. Pero
masarap naman ako? Siguro? Ay, letse naman! Nakaka-insekyora naman kasi ang kagandahan at kalusugan ng dibdib ng babaeng iyon! Bayabas lang kasi ang akin, iyong kanya ay papaya. Ang sad ko talaga.Huwag ko na nga siyang isipin pa. Kaya ko pa naman magtiis. Baka mamaya sumabog na ako. Patuloy lang ako sa punas-punas. Wala talaga akong gana. Sino ba naman ang magkakaroon ng ganang magtrabaho? Kung pati ang puso mo ay my heart failure na. Letseng buhay 'to! Tatandang dalaga na yata ako. Matapos lang itong trabaho dito. Magre-resign na talaga ako. Uuwi akong may pusong sawi! Wala na rin ang puting perlas, nakuha na ng maninisid na maitim ang budhi.
Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko? Ang nanay ko? Panigurado makukurot ako sa singit nito. Sigurado akong katakot-takot na sermon ang aabutin ko kay nanay kapag nalaman niyang naisuko ko na ang bataan.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Tiểu Thuyết Chung✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...