Chapter 7 ✈🛩

2.8K 72 2
                                    

Chapter 7

Natapos din ang ritwal, este, ang paggagayak namin ng mga pagkain sa mesa. Nai-set na namin lahat at kulang na lang ang mga bisita. Malinis na rin ang kusina, buti na lang at tinawagan ni Sir ang mag-asawang sina Aling Tekla at Mang Emil. Sila ang caretaker sa bahay na ito.

Salamat naman at naisip ni Sir na tawagan ang mag-asawa, kundi hagardo na naman ang beauty ko. Madali lang naman tawagan ang mag-asawa kasi nasa maliit na bahay lang ang mga ito sa likod.

Mabilis din akong nakaligo. Nagsuot lang ako ng grey cotton short na loose na above the knee at fitted white shirt na v-neck ang top ko, tapos slippers lang pang sapin ko sa paa iyong
tig-sisenta pesos. Ayaw kong pang araw-araw iyong fitflop kasi pinang-aalis ko lang 'yun. Regalo kasi ni Sir Dean sa akin iyon kaya iniingatan ko.

Nakita ko si Sir Dean na nagpipindot sa phone niya. Fresh na naman na siya. Ang hot talaga niya. Pareho kaming nakasuot ng white v-neck shirt. Pati shorts pareho din kami? Ano ito twinning?

Nagulat pa nga siya nang makita ako. "What the fuck?" rinig kong sabi niya.

Nakalugay din kasi ang buhok ko na humaba na sa tagal nang pagtatrabaho ko sa kanya. Mabuti na lang nakapagpakulay ako ng buhok na kulay blond noong isang linggo.

"Bakit ho, Sir? May problema po ba?" tanong ko sa kanya.

"Pareho kasi tayo ng suot. Ginagaya mo ba ako?" sabi niya sa akin. Tiningnan niya ako head to foot. Tapos napalunok siya. Nagtagal iyong tingin niya sa legs ko. Namula naman ang mukha ko sa uri ng pagtitig niya sa parteng iyon.

"Uy, Sir. Hindi kita ginagaya. Nagkataon lang ito," sabi ko na medyo kinakabahan.

"Magpalit ka nga ng short, Meria. Mag-jogging pants ka o kaya leggins, kung mayro'n." Aniya at nakatingin pa rin sa legs ko.

"Bakit naman, Sir? Huwag na, okay na ito nasa loob lang naman ng bahay, e."

"Basta magpalit ka. Ang taba ng legs mo, may mga peklat pa," nang-aasar pa na sabi niya sa akin.

"Sobra ka na, Sir." Nakakapikon na talaga siya. Akala mo naman sobrang kinis ng unggoy na ito. Hmp! Makapagpalit na nga lang ng jogging pants para wala na siyang masabi. Ang init-init gusto pa akong pagsuotin ng mahaba. Kainis. Umakyat ako sa taas at nagpalit ng jogging pants na kulay black.

Pagbaba ko ay sumalubong sa akin ang
naggaguwapuhang kalalakihan. Lord langit na ba ito? Parang mga anghel na bumaba sa lupa ang mga taong nasa harap ko ngayon.

"Meria, I want you to meet my friends." Sabi ni Sir Dean. Natulala ako sa kanila. "This is Dale," tukoy niya sa tsinitong katabi niya. Tumango lang sa akin ang lalaki. "And that is Zeb, Silver and Ferho." Pagpapakilala pa niya sa iba.

Tinanguan lang din ako ng tatlo niyang kaibigan, ako nama'y gumanti lang ng ngiti. Iyong Zeb kinindatan pa ako. Medyo tan ang balat nito. Iyong Silver, silver grey ang buhok at infairness bagay sa kanya. Iba ang trip. Iyong Ferho matangkad na macho at guwapo rin naman, maputi. Maputi pa yata sa akin.

Napapanganga na lang ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng mga guwapong nilalang. Pagkatapos niyang ipakilala sa akin ay nagtungo na kami sa dining area. Nagsi-upo na sila. Ako, uupo na sana ako sa tabi noong si Silver. Kaso tinawag ako ni Sir Dean.

"Meria, sit beside me." Nagtawanan ang mga kaibigan niya.

"Possessive ang putsa!" sabi noong si Zeb.

Nag-umpisa na kaming kumain. Hindi ko alam kung paano lulunukin ang kinakain ko.

"Is she your girlfriend, Bro?" tanong noong Ferho kay Sir Dean.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon