Chapter 19
Dumaan pang mga araw at ang landas ko'y naligaw ako'y nalulong sa pagtitinda. Nakakainip naman. Miss ko na ang mag-repair ng Cessna. Miss ko na rin ang magbuhat ng mga mabibigat na paleta. At higit sa lahat, miss ko na rin si Sir Dean. Hindi kaya. Hmp! Tanggi pa more! Buwiset! Bakit ba kasi pumapasok na lang sa isip ko ang guwapong mokong na 'yun? Naiinis ako sa sarili ko, nakakasura. Dapat hindi ko na siya iniisip.
Wala akong nagagawa rito, maghapon lang akong nasa tindahan. Ang parents ko bumalik sa pagdadalaga't pagbibinata. Laging on the go. Ewan, saan na naman kaya namasyal ang dalawang 'yun? Parang walang anak na iniwan, e. Nakakabuwang ang mag-isa.
Tanghaling tapat, wala na akong ginawa kung hindi magbilang ng mga taong dumadaan sa kalsada. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot. Lalo na nang humahangos na papunta sa tindahan namin si Meho. Anong problema niya? Pawis na pawis pa siya. Naku naman! Sure ball ang baho na naman niya. Wala na akong nagawa nang nasa harapan ko na siya. Sumirit ang baho. Amoy araw siya at wala ng tatalo pa nang siya ay magsalita. Pasimple kong tinakpan ang aking ilong.
Yeah, I'm so bad.
"M-Meria, m-m-may naghahanap sa iyo," hinihingal at nabubulol na sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"S-sino naman?" tanong ko. Dahil interesado ako, tinanggal ko na lang ang pagkakatakip sa ilong ko. In short titiisin ko ang amoy ng bunganga niya. Heaven scent!
"Pautang muna," sabi niya.
"At may kondisyones ka pa? Sino ngang naghahanap sa akin?!" sinigawan ko siya.
"Pautang muna kasi, huminahon ka naman. Lagi ka na lang nagagalit sa akin. Isang toothpaste lang, close-up. Para makinang ang ngipin ko." Ngumiti siya sa akin. Pero lalo lang akong naasar. Dahil kitang-kita ko ang tagaktak niyang tartar.
"Matanong ko lang, how many times you brush your teeth?" matagal bago siya nakasagot.
"Honestly, now lang ako magtu-toothbrush. Nabasted kasi ako noong nililigawan ko. So naisip ko, it's time for me to change. Change for the better!" natatawang sabi pa niya.
"Buti nga nabasted ka. Naku, sa baho ba naman ng hininga mo. Baka makasuhan ka pa ng attempted murder niyan," sarkastikong sabi ko.
"Bakit mo naman nasabi 'yan, ha, Meria? Sobra ka na." Biglang lumungkot ang mukha niya.Echosero!
"Meho, I'm gonna tell you this because I am a good citizen of our barangay. Huwag ka nang manliligaw. Kasi nakakamatay ang bantot ng hininga mo! Gusto mo bang ma-headline sa diyaryo? 'Suitor killed a girl, because of super deadly bad breath. Cause of death: Bad breath
contamination.'" Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakasimangot na si Meho, para na siyang maiiyak. Saka tumawa ako nang malakas. Lakas kong mang-asar, 'di ba? Tama lang 'yun para ma-motivate siyang maglinis ng sarili niya."S-sobra ka na talaga, Meria. Kainis! Aling Mercedes! Mang Sergio, o!" tawag niya sa mga magulang ko.
"Uy! Wala kang kakampi rito! Nag-honeymoon si Nanay at Tatay sa Maldives!" Kinuha ko ang isang kahon ng toothpaste sa estante. "O, hayan! Sa 'yo na lahat iyan! One year supply na 'yan. Libre ko na." Dahil mabait ako, binigyan ko na rin siya ng 500 pesos. Sabay abot ko sa kanya.
"Ano ito?" nagtatakang tanong niya.
"Malamang pera, tanga! Pa-cleaning ka para sagutin ka na ng nililigawan mo," seryosong sabi ko.
"Salamat, Meria! Mabait ka naman pala!" tuwang-tuwang sabi niya. Napatalon pa siya.
"Okay na? Nasaan na 'yung naghahanap sa akin?" tanong ko. Pinapatay ako ng kuryosidad. Sino kaya 'yun?
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Tiểu Thuyết Chung✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...