Chapter 12 ✈🛩

3K 56 3
                                    

Chapter 12

"Anong ginagawa mo rito?"

Bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Abraham. Nagulat ko yata siya sa biglaang pagbisita ko sa kanya ngayon dito sa condo niya. Niluwagan niya ang bukas ng pinto at sinenyasang pumasok na sa loob. Walang paalam na umupo na lang ako sa itim niyang sofa.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Rham. Gusto kong bilhin ang cessna ni Jhin. Titriplehin ko ang bayad," seryosong sabi ko. Gusto ko talagang makuha ang bagay na iyon, kahit iyon man lang ang magiging alaala ko kay Celine.

"Paano kung ayaw ko?" sabi niya. Umupo siya sa single couch at magkaharap na kami. Ngumisi pa siya ng nakakaloko.

"Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay, sana naman huwag na tayong mag-isip bata pa."

"Ano ba kasing mayro'n sa cessna na iyon at gustong-gusto mong mapa sa iyo?" tanong niyang may halong panunuya. Hindi ko siya pinansin. Napapasimangot na nga ako kasi ang hirap kumbinsihin ng tarantado!

"Ano? Puwede ko na bang bilhin iyon?" tanong ko na naman. Nawawalan na ako ng pasensiya. Hirap niyang kausap.

"Sagutin mo muna kasi ang tanong ko," pangungulit pa niya.

"Wala akong dapat i-explain sa 'yo, Rham," naiinis na wika ko. Sumasakit ang ulo ko sa inaasta ng kumag na ito.

"Still no! Gusto kong ligawan mo si Meria. Then you can have the plane. I won't sell it!"

Laglag ang balikat ko nang umuwi ako sa bahay. Pinagtitripan talaga ako ng kulugong iyon. Ibebenta na lang may kundisyon pa. Na-badtrip siguro noong iniwan ko sa bar. Hindi rin ako nakatiis at tinawagan ko rin siya. Mabilis naman na sinagot ang tawag ko ni Rham. Alam ko pagtatawanan ako ng tarantadong iyon.

"Okay, you got me. Kailan ko makukuha ang Cessna?" I asked. Sabi ko na nga ba, pagtatawanan niya ako. Sinabi nitong ipapadala na niya ang Cessna sa Vacation House ko sa Tagaytay, real quick. Siya na raw ang bahala. Pagkatapos naming magkasundo. Doon lang
nag-sink-in sa akin ang pinasok kong pakikipag-deal sa kanya. Shit! Bahala na!

I am so desperate.

Para akong sinapian.

---

"Kumusta ang bakasyon mo noong Pasko, Meria?" tanong sa akin ni Sir Dean. Nakakagulat lang na kinakausap niya ako ngayon. Siguro panis ang nakain niya nang nagdaang mga araw.

"Masaya naman po, Sir Dean. Kasi nakapahinga tayo sa trabaho. Wala kaming ginawa nina Nanay at Tatay kundi mag-bonding. Lagi akong pinagluluto ni Nanay ng mga paborito kong ulam. Wala akong ginawa kundi magtutulog, minsan nagbabantay naman ako ng mini-store namin. Tapos iyong mga binata doon, naglalaway sa kaganda-" Hindi ko na naituloy lahat sana ng sasabihin ko dahil inawat na ako ni Sir Dean. Nabuwisit yata.

"Ang daldal mo. Kulang na lang mag-nobela ka riyan. Go back to your work!" masungit niyang sabi.

Nakaharap na si Sir Dean sa laptop niya. Ako naman ay nag-umpisa na ring magtipa. Sinasagot ko iyong mga e-mail na naka-pending. Lumipas ang maghapon na walang kibuan. Jusko naman, 2017 na wala pa ring ipinagbago ang boss ko. Bakit kasi hindi pa isinama sa putukan ang ugali nito? Ipinaglihi ba siya sa sama ng loob? Buti nga guwapo siya. Kung pangit siya malamang binully ko na siya.

"Meria!" tawag ni Sir Dean sa akin. Kasalukuyan na kasi akong namamahinga sa loob ng kuwarto.
Tumayo ako nang mabilis at binuksan ang pinto. Knowing Sir, ayaw niya ng makupad.

"Bakit po?" kunot-noong tanong ko. Nag-inat-inat pa ako sa harapan niya.

"I-I just wanna ask you to go out?" sabi niya na napapakamot pa sa ulo. Parang nahihiya siya. Tapos napansin ko pang suot niya ang kwintas na ginawa ko.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon