Chapter 21
Tahimik ang bahay pagkagising ko. Himala at wala akong naririnig na bangayan. Para naman kasing isip-bata ang mga magulang ko, laging nag-aaway pagkatapos ay magbabati rin. Nagbalikan na pala kami ni Dean, seryoso na siya ngayon. Ang sweet kaya niya simula noong magkabalikan kami. Ayaw na ngang umuwi ng lalaking iyon, tinaboy ko lang.
Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng almusal. May napansin akong sticky note sa may pinto ng ref at binasa ko lang ang nakasulat.
Dear Anak,
Aalis muna kami ng tatay mo, may importante lang kaming aasikasuhin. Magbantay ka ng tindahan. Iyon lang naman.
PS. Huwag kang masyadong masungit sa mga bumibili. Dapat laging all smiles. Para naman maganda ang buhos ng biyaya. Okay! Babush!
Lovelots,
Nanay mong ubod nang ganda!Nang matapos kong mabasa ang walang kuwentang bilin ni Mudrakels, saka ako nagtimpla ng kape. Kahit na makulit ang aking mga magulang ay napakabait talaga nila. May nakahain na pa lang sinangag na kanin at piniritong tosinong baboy, tuyo, sunny side-up na itlog. Meron na ring nakahandang pinggan at kutsara. O, di ba ang bait nila. Sarap buhay lang ang peg ko sa piling ng parents ko. Happy tummy! Happy life!
---
It was all set and done.
I sighed as I was looking all around the place. Two months ago, I bought this place. A perfect place that my life will change to forever. This is the right time settling down. I am nervous as hell, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba sa dibdib. Well, I'm confident, but it's a different thing, buong buhay ko ngayon lang din ako naging ganito ka seryoso pagdating sa kanya.
I smiled. Para akong lutang."Well, the man looks so excited." Silver said with that annoying voice.
"I am," I said. Then I smiled.
"All was set, ang galing nang naisip mo!" Inakbayan ako ni Ferho. Alam kong natutuwa sila sa nangyayari sa buhay ko. Bukas ay darating ang dalawa ko pang kaibigan na sina Dale at Zeb.
"Okay na pala. All was painted. Ang galing ng mga artist na kinuha natin." Silver smiled at me and patted my shoulder.
"Hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa inyo. I may sound so gay, but I really don't care. Without your help, hindi ko makakaya itong mag-isa. I am so thankful and blessed, that you guys are my friends." I said seriously. Napapailing-iling na lang ang dalawa.
"Basta ba, 'wag ka lang iiyak bukas." Sa sinabi ni Ferho ay nagkatawanan kaming tatlo.
Hindi ko rin alam kung anong magandang mangyayari bukas. Good or bad. Maaring ma-reject pero paulit-ulit ko pa ring gagawin ang bagay na ito. Pero aasa akong hindi ako uuwing luhaan kapag sumapit na ang mahalagang bagay na mangyayari sa araw na iyon, at iyon ay bukas.
---
"Saan ka nanggaling, Mercedez Rosas?!"
Nagulat si Nanay sa tinuran ko habang papasok na sila ni Tatay sa loob ng bahay. Akala ko naman ay half- day lang silang mawawala, umabot ba naman sila ng alas onse ng gabi. Aba'y uwi pa ba ng matinong babae ito. Tinaasan ako ng kilay ni Nanay na diretsong umupo sa sosyal naming sofa. Ganoon din si Tatay.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Fiksi Umum✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...