Chapter 4 ✈🛩

3.4K 69 9
                                    


Chapter 4

One year later....

"Meria!" galit na sigaw ni Sir Dean sa akin. Well, ano pa bang iba? Sa isang taon kong pagtatrabaho kasama siya ay nasanay na ako sa pagsigaw-sigaw at sa galit nito. Pero tao lang din naman ako at hindi naman ako robot para hindi makaramdam ng pagod. At minsan nasasagad din ang pasensiya ko sa lalaking iyon.

Nagmadali akong nagtungo sa office room. Pagbungad ko pa lang sa pinto ay sumalubong na sa aking mukha ang katamtamang kapal ng folder na pinalipad niya sa ere. Sapul ang mukha ko sa ginawa niya. Masakit, dulo kasi ng folder ang dumaplis sa manipis kong pisngi. Pinulot ko ang folder at nilapag sa table niya. Hindi ko alam kung bakit mainit na naman ang ulo niya. Walang pakialam na sinudundan lang niya ako ng masamang tingin.

"Ano pong problema, Sir?" Nanatili akong nakatayo malapit sa puwesto ng mesa ko.

"Anong problema? You're asking me what is my problem? We have a big problem, Meria! And you are involve here?!" Pagkasabi no'n ay tumayo siya at umupo sa gilid ng mesa niya at pinagkrus ang mga braso niya.

"Alam mo, Sir, kausapin mo ako ng mahinahon hindi iyang ganyan, na lagi kang galit. Ngayon bayolente ka na. Sumusobra naman po ata kayo?" naiiyak kong sabi. Kahit ata anong gawin ko laging palpak.

He sighed deeply and started talking again. "Are you aware of what happened to our production last night? It was all delayed. Walang natapos sa mga isi-ship sana ngayong araw. They already informed us through e-mail that we our lacking of materials. Ini-e-mail na raw nila iyong mga list na sana ay na-order na para hindi na delay ang operation natin. Why you let that passed? Hindi ka ba nagche-check ng e-mail mo? Milyon ang nawala sa atin ngayong araw! Na sana ang kikitahin doon ay ipamimigay ko sa mga employees. So that this coming Christmas, they will be able to have a decent food on their table!"

Sa dami ng sinabi niya'y hindi ko na alam kung anong ipapasok ko sa tainga ko. Hindi ko naman kasi napansin ang e-mail na 'yun sa sobrang dami ng nagdadatingan na messages.

"I'm sorry, Sir, hindi ko talaga napansin ang
e-mail na iyon. I'm sorry din po kung milyon ang nawala sa inyo. Sana naman po bigyan n'yo naman ako ng kaunting konsiderasyon. Mag-isa ko pong ginagawa ang mga trabaho dito. Sa sobrang dami ng mga pinapagawa mo, ni hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Hindi ba kayo naawa sa akin, Sir? Nalilipasan din ako ng gutom dahil sa haba ng pila sa aviation para mapapirmahan lang iyong mga papers na kailangan n'yo. Hindi ko na yata kaya, Sir Dean. Tao lang po ako na nasasaktan at nakakaramdam ng gutom. Hindi ko na alam kung makakaya ko pang panindigan itong pagtatrabaho ko sa inyo. Para kasing sumosobra na kayo, hindi na makatao iyong pagtrato mo sa akin. Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa upuan, may utos na naman kayo. Oo, malaki nga ang sinasahod ko, but that doesn't mean you're allowed to treat me so bad. Ni halos wala na akong tulog. Mukha na akong walking zombie dito sa loob ng apat na sulok ng opisinang ito. Por favor, Sir! Just give me a break!"

Wala man lang siyang sasabihin sa mahaba kong litanya? Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwalang nasabi ko iyong mga hinanakit ko sa kanya. Sa haba ba naman ng sinabi ko ewan ko lang kung hindi pa siya bumait niyan.

"Do you see my point here, Meria? I always want my employees to be happy because I love them. Nanghihinayang lang talaga ako sa ginawa mong katangahan." Mariin niyang sabi.

Buti pa sila mahal niya. "Ako ba, Sir, hindi mo ba mahal?" lakas loob kong tanong.

"What?!" gulat niyang sabi. Iyong mga mata niya nanlalaki. "What kind of question is that?" Kumunot pa ang noo niya.

"Ang ibig kong sabihin... sila mahal mo pero ako na kasama mo rito ni hindi mo pinapahalagahan, ni hindi mo nakikita iyong effort ko. Bakit ang hard mo sa akin, Sir?" Kunwari'y nagtatampo ako sa kanya pero ang totoo gusto ko na siyang sakalin sa pagpapahirap niya sa akin.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon