Chapter 9 ✈🛩

3.1K 67 1
                                    

Chapter 9

Sobrang sakit ng katawan ko, para akong tinadyakan ng sampung kabayo. Ikaw ba naman ang magbuhat ng mabibigat na paleta. Ni 'di nga ako tinulungan ng mga kumag na iyon. Akala naman siguro nila padadaig ako sa kanila, kahit na babae ako gamay na gamay ko ang trabaho ko.

Buti naman at nakapahinga ako. Nasa kuwarto na ako, nakaupo lang ako at nakasandal ang likod ko sa headboard ng kama. Hindi ako makahiga ng maayos. Nararamdaman ko kasi ang kirot ng aking mga kalamnan. Hindi na muna ako maliligo ngayon at baka mapasma pa ako. Kanina sabay-sabay kaming naghapunan. At ni isa walang umiimik sa amin. Pare-pareho na kasi kaming pagod. Hindi biro ang mag-repair ng sampung eroplano. Mukhang matatagalan pa kami. Bakit hindi na lang kasi idineretso ni Sir Dean ang lintik na eroplano na iyan sa mismong pagawaan. Bakit naman kasi dito pa? Ang daming tao sa production. Si Sir Dean talaga walang isip. Nakakabanas. Nalo-lost na tuloy ang beauty ko, nangitim na ang skin ko, grabe!

Mukhang hindi na talaga ako makakatulog nito. Magpapa-antok na muna ako. Makabirit nga, hindi naman siguro ako makakabulabog kung kakanta ako ngayong gabi. Sound proof naman itong kuwarto. Biglang umilaw ang uluhan ko. Bright idea!

Binuksan ko ang Smule Apps ko na dinownload ko noong nakaraang linggo lang. Namiss ko kasi ito, sobra. Sa wakas makakanta na rin. Isinuot ko ang earphone ko sa magkabilang tainga. Okay heto na, kantang-kanta na ako.

When you look into my eyes.
And tell me that you love me
Everythings alright
When your  right here my side
I find my paradise

Feel na feel ko talaga ang pagkanta ko. Ang ganda talaga ng boses ko. With matching action pa, taas kamay. Tapos iwagayway, joke lang. Malapit nang matapos ang kanta. Pero todo emote pa rin ako.

More and more I start to realize
I can reach my tomorrow
I can hold my head high
And its all because you're by my side

Bigla akong napahinto sa pagkanta nang mapagtanto kong may tao. Si Sir Dean pala, nakasandal siya sa amba ng pinto at nakasimangot na nakatingin sa akin. Naka-cross arms pa.

"Sa susunod isarado mo ang pinto mo. Nakakarindi ang boses mo," sabi niya na sobrang sama ng tingin niya talaga sa akin.

Inaano ko ba siya?  Bwisit naman!  Bakit hindi ko naisarado ng maayos ang pinto? Nagkaroon tuloy ng chance ang  bruhong ito. Pinintasan na naman ako. Nakakarindi ba?  Ganda kaya ng boses ko. Buwisit siya, ipapasa ko kaya 'to sa facebook. Nang-aano si Sir. Paepal.

Ini-snob ko lang siya. Bahala siya, magreklamo ka riyan. Sorry ka na lang.

"Sir, nandiyan ka pala. Akala ko engkanto," pang-aasar ko sa kanya. Pero binalewala lang niya ako.
Nanatili lang ako sa aking kama at kunwaring may binubutingting sa aking cellphone.

"You should sleep now. Marami pa tayong gagawin bukas." Istrikto niyang sabi.

"Hindi po ako makatulog, masakit ang mga kalamnan ko kaya nga nililibang ko ang sarili ko. Napansin mo?"

"Tsk. Kaya pala dis oras na ng gabi nambubulabog ka pa. Buti sana kung kasing galing mong kumanta si Mandy Moore baka mabilib pa ako sa iyo." Mayabang na sabi niya.

Letse ka Sir!  Mamatay ka na. Mamatay ka na!

"Kung mambubiwisit ka lang Sir, bakit hindi mo pa ilabas iyang sarili mo sa kuwarto ko at baka matuwa pa ako sa 'yo. Huwag mong intindihin ang boses ko, ni-aano ka ba ng maganda kong kabosesan? At affected much ka masyado?" Nirolyo ko ang aking mga mata. Sana naman umalis na siya.

"Good night, Meria. Ang pangit mo!" Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis siyang umalis at nakalipat sa kuwarto niya. Ako naman ay umuusok ang ilong sa sinabi niya. Okay na sana ang good night. Bakit may pangit pa siyang sinabi.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon