Chapter 3Sunod-sunod na katok ang nagpabangon sa akin. Letseng buhay ito! Wala man lang akong matinong tulog. Umupo muna ako sa gilid ng kama at hinilot-hilot ang aking sentido. Kapag kulang sa foods, kulang sa tulog, ano aasahan mo? Kundi sakit ng ulo. Paano ba naman, akala ko yayain akong kumain ni Sir Dean, hindi naman pala. Umaasa ako na makakatikim ako ng totoong lechon manok, pero ibang lechon manok ang pinagtiyagahan kong kainin kagabi. Iyong tig-pipisong sitsirya ang kinain ko. Buti nga nadala ko pa kagabi kundi mag-iingay panigurado ang tiyan ko. Ganyan talaga kapag poor.
"Meria! Meria! Meria!" sigaw nang nasa sa labas ng kuwarto ko.
Kahit hindi pa ako nakapagsuklay dahil kagigising ko lang ay binuksan ko na ang pinto. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Sir Dean na bagong ligo, amoy na amoy ang aftershave na ginamit nito.
"Good morning, Sir Dean!" masiglang bati ko sa kanya.
"Your breath smells so bad," sabi niya sabay takip ng ilong niya.
Ang arte! Binugahan ko ang aking palad. Oo nga, I smell so bad. Nakakahiya! Tinakpan ko ng palad ko ang aking bibig. "I'm sorry, Sir Dean. Konting deperensiya lang 'to," sabi ko. Kahiya talaga. Turn off na siya sa akin.
"Go ahead, fix yourself. You are five minutes late!" Napailing-iling pang umakyat sa itaas.
Naku, hindi man lang niya ako sinabihang
mag-almusal. Mamatay na yata ako sa gutom. Hindi bale, sanay naman akong hindi
nag-aalmusal. Mamaya na lang. Masama talaga ugali niya. May banyo sa loob ng kuwarto kaya nagmadali akong nilabas iyong mga damit na gagamitin ko. Simpleng fitted grey na v-neck at black skinny jeans lang ang isusuot ko. Teternuhan ko na rin ng black na doll shoes. Pumasok na ako sa banyo at nagmadaling maligo. Nag-toothbrush ako iyong talagang sobrang hard ng pagkakadiin sa dila at ngipin ko. Juicekolord! Buti na lang at girls scout ako baka isang balot ng mint candy ang maubos ko maghapon nito. Mukhang napakaselan ni Sir, kita mo ang arte kanina, mabaho daw hininga ko. Natural kagigising ko lang, si Sir Dean hindi nag-iisip masyadong mapanghusga.---
Madali lang naman pala ang trabaho. Mostly nagbabasa lang ng mga e-mail. Checking of updates for the company issues. There are some complaint regarding sa mga tools and equipments na hindi na napapakinabangan at kailangan ng mag-dispose ng mga sirang kagamitan. Pero, malaking pera ang ilalabas kung bibili ng mga bagong gamit para sa produksiyon.
"Sir Dean, nag-e-mail na po ako sa visayas branch. I already told the H.R there na aprubado n'yo na iyong loan ng mga tao sa production team. Tiyak na matutuwa ang mga tao doon. Ganado lalo niyan sila." Tumingin ako sa direksiyon niya. Parang walang narinig, ini-snob ako? Malaya ko siyang napagmasdan kasi parang nakatuon lang iyong atensiyon niya sa nakabukas niyang wallet. Baka nag-e-emo? Magkadikit ang mesa namin ni Sir, bale iyong puwesto namin ay sa dulo-dulo kami nakaupo kaya parang magkaharap lang kami. Pero malayo iyong pagitan namin. Iyong mga gamit namin nakagitna sa lamesa. Para kapag magkausap kami hindi kami magkatalikuran.
"Meria, mag-lunch ka na muna," sabi niya. Agad naman akong tumalima at hindi na pinansin ang pagsi-senti niya.
Bumaba na ako at dumiretso muna sa kuwarto ko. Nilabas ko sa traveling bag ang dala kong isang balot ng dipsea, sirena, saka bangus. Assorted ang mga sitsirya ko. Saan ka pa?
Nagtungo ako sa kusina at naghanap ng sawsawan sa cupboard niya. Hindi naman siguro magagalit si Sir Dean dahil nangialam na ako. Kung magalit man padaanin na lang sa tainga. Ayos! May bagoong na nakalagay sa bote pero iyong mga kamatis nasa ref at kumuha ako ng tatlong piraso.
Heaven!
Ang dami pang tirang kanin sa rice cooker kaya nagpaalam na lang ako sa rice cooker. Sumagot ba? Kukuha ba ako kung hindi sumagot?
Naupo ako at nagsimulang kumain nang nakakamay. Unang subo ang sarap. Buti na lang mayroon akong nadalang sitsirya. Kundi lalabas ako ng village. Eh, ang layo pa ng tindahan sa labas.
Biglang may tumikhim sa likuran ko. Lumingon ako sa pinanggalingan no'n. Nasa amba ng pinto si Sir Dean at nakasandal doon.
"Kain tayo, Sir," aya ko sa kanya. Umupo naman siya sa katabing silya at nakiki-tsimis sa kinakain ko.
"Ano 'yan?" tanong niya sabay turo sa pinggan ko.
"This is my brunch, Sir!" confident kong sabi.
Kasi hindi naman ako nag-almusal kanina. So breakfast at lunch na ito. Ngayon ko lang napansin na mataas magtagalog si Sir Dean, parang wala namang dugong Americano ito kapag nagsalita. Hindi kasi slang kung magsalita ito. Pero iyong hitsura niya talagang pang foreigner."Is that a food?" he asked curiously.
"Natural Sir! Hindi mo ba kilala iyang mga 'yan?" turo ko pa sa mga sitsirya na nasa plastik.
Umiling-iling siya. "I don't eat like that, mabubusog ka ba riyan? Wala ka bang pera? Kulang ba ang pinapasahod ko sa iyo? You deprived yourself to eat a normal food?" he said sarcastically.
"Sir, ano naman tingin mo sa kinakain ko abnormal food? Alam mo Sir, hindi porket kumakain ako ng dipsea, sirena at bangus ay wala na akong pambili ng pagkain. Namimiss ko lang kasi iyong ganito. Sa probinsiya kapag walang ulam, iyan lang ang kinakain namin. Laman tiyan din kasi iyan. Kaysa naman mamatay ka sa gutom 'di ba? Palibhasa po kasi puro sosyal iyang pagkain na nilalamnan mo sa tiyan mo. Paminsan-minsan kumain ka naman ng ganito, para maiba naman iyang sosyal mong panlasa."
"I'm sorry, Meria," pagpapakumbaba niya.
Baka naintindihan na niya ang sintimiyento ko.
"No thanks, Sir! You're degrading my food!" naiinis na sabi ko't hindi na niya ako pinansin.
Letse ka Sir. Buti sana kung nililibre mo ako ng sosyal na pagkain. Kaso tayo na nga lang dalawa magkasama rito, hindi mo pa ako isini-share ng pagkain mo. Ang damot mo!
Nang matapos akong kumain ay pinagmamadali na naman niya ako. Juicekolord! Baka
magkaroon naman ako ng appendix dahil sa lalaking ito."Meria! Come on! Dont be clumsy!" maangas na sabi niya. Madali naman akong tumalima. Ang hard talaga niya, kanina lang parang ang bait ngayon nag-transform na naman sa
pagka-beastmode niya."Ayan na! Ayan na! Nanginginig pa!" Pati pempem ko! Dugtong ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Tiểu Thuyết Chung✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...