Chapter 14 ✈🛩

2.5K 64 4
                                    

Chapter 14

"Nasaan po si Sir Dean?" tanong ko kay Aling Choleng. Kasalukuyan itong naghahanda ng aming almusal. Makikialam sana ako kaso binawalan ako ng matanda. Third cousin daw pala ito ng nanay ni Sir Dean. Mabait ang matanda, napakabait ng personalidad nito.

"May pinuntahan lang sila ni Rigor sa bayan at saka nag-grocery na rin. Para may stock kayo rito sa loob ng isang linggo," saad ni Aling Choleng. Nagsimula na kaming kumain. Katapat ko sa kabilang panig ng mesa ang matanda. Fried rice at piniritong itlog, ham at hotdog ang mga nakahain. Kumuha lang ako ng fried rice at ham.

Magtatagal pa kami ng isang linggo dito, e, gusto ko na ngang umuwi. Ang hirap naman. Kagabi pagbalik dito sa bahay nila ay hindi na kami nag-imikan ni Sir Dean. Ang awkward talaga nang nangyari kagabi. Kababae kong tao pero nakuha ko pang magtapat sa lalaki. Basted naman. Hindi na mauulit iyon.

"Siyanga pala, uuwi muna kami sa bahay namin sa may bayan. Kayo lang dalawa ni Dean ang maiiwan dito," sabi ni Aling Choleng at ipinagpatuloy ang pagkain niya.

"Bakit naman po?" nagtatakang tanong ko.

"Utos ni Dean, Hija. May problema ba?"

"W-wala naman po. Kaso lang natatakot na po akong magkasama kami ngayon. Nang kami lang." Halos bumulong na lang ako. Nakita kong ngumiti si Aling Choleng. Hindi ko alam kung para saan iyon.

"Patingin nga ng palad mo, Hija?" sabi niya. Hindi na ako nagdalawang-isip na inilahad ko sa kanya ang palad ko.

"Ano po bang gagawin n'yo?" Hindi ko na itinuloy ang pagkain ko. Mas nag-focus ako sa gagawin ng matanda ngayon.

"Titingnan natin ang kapalaran mo. May kakayahan kasi akong makita ang hinaharap ng isang tao." Pagkasabi ng matanda ay binusisi niya ang mga guhit sa aking palad.

"Ang galing n'yo naman po," namamangha kong sabi.

"May nakikita akong lalaki. Guwapo, mayaman, masungit at ubod ng yummy!"

Chinacharot lang yata ako ni Aling Choleng.

"Talaga po?"

"Marunong magpalipad ng eroplano. Kaso lang  hindi pa handang magmahal uli. Makikilala mo siya sa tamang panahon." Narinig kong bumuntong-hininga ang matanda. Pero parang si Sir Dean naman ang nasa deskripsiyon niya. Hindi kaya pinagtitripan ako ni Aling Choleng. Bakit naman niya gagawin iyon?

---

Sa ikatlong araw namin sa Isla ay wala pa rin kaming imikan ni Sir Dean. Simula nang magtapat ako sa kanya ay hindi na niya ako pinapansin. Kumakain nga kami ng sabay, kaso nga lang ay napakatahimik naman niya. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

Bakasyon ito pero daig pa ang may namatayan sa sobrang katahimikan dito. Minsan nakikita ko siyang mag-isa nakaupo malapit sa dagat. Pero malungkot naman ang aura niya. Hanggang kailan niya ako iiwasan?

Ano pang silbi ng bakasyon na ito, kung hindi ko rin naman siya nakakausap? Mabuti pa noong mga panahong kinakikiligan ko pa lang siya ay wala namang naging problema sa amin.

Tulad ngayon nagbo-bonfire na naman siyang mag-isa. Nakaupo lang siya roon at umiinom ng beer in can. Alas otso na at sobrang lamig ng hangin. Tatalikod na sana ako upang bumalik sa loob ng bahay. Pero huli na, napansin niya na ako.

"Meria, samahan mo ako rito," tawag niya sa akin. Nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Tiningnan ko siya. May puwersang humahatak sa akin papalapit sa kanya. Pagkatapos niya akong balewalain, ngayon gusto niyang samahan ko siya? Kapal naman. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Na-miss kita. Ang snob mo sa mga nakaraang araw! Ano bang pinaggagawa mo, Sir? Are you mad at me?" I asked. Siyete, napa-english tuloy ako ng kaonti.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon