Chapter 10
Halos tatlong linggo ang inilagi namin sa vacation house ni Sir Dean sa Tagaytay. Mabuti naman at natapos na lahat ng trabaho doon. Nakabalik na kami ng Maynila. Iyong apat na kaibigan ni Sir Dean ang naiwan doon. Sila na kasi ang nag-asikaso nang paglalagay ng mga cessna sa bawat container truck. Pagkatapos ay ibibiyahe ang mga iyon sa isang lugar, for repainting daw.
Wala pa rin akong pahinga pagkadating namin ng Maynila. Paperworks naman ang inaasikaso namin ngayon. Tulad ngayon, sumasakit ang ulo ko sa sobrang stressed. Pero pinipilit ko pa ring magtrabaho. Kailangan na naman pumunta sa Aviation nito para asikasuhin ang registration number ng limang bagong Cessna. Ipapadala na kasi ang mga iyon sa California.
Nagpaalam ako kay Sir Dean na magpunta lang ako sa ibaba. Pumayag naman siya. Busy si Sir Dean sa kanyang laptop. Ewan ko sa kanya, kanina pa nakatitig sa monitor ng laptop niya. Ayaw kong silipin kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Baka sabihin pa niya na tsismosa ako. Kaya hinayaan ko na lang.
Umupo ako sa couch, tambayers muna ako rito sa sala. Miss ko na sina Nanay at Tatay. Tawagan ko kaya sila, o kaya'y video call na lang? Nagpalagay pa naman sila ng wifi sa bahay, kaso nga lang wala naman akong panahon makipag-usap sa kanila. Madalang lang kung makausap ko sila. Minsan kasi nakakatulog na ako sa sobrang pagod. Buti na lang at naiintindihan nila ako. Iyong sinasahod ko rito, binibigay ko sa kanila lahat. Konti lang ang tinitira ko para sa sarili ko. Wala naman akong kapatid, solong anak lang ako. Matagal sumagot sina Nanay at Tatay, may ginagawa siguro. Baka busy sa aming mini store. Naiinip daw kasi sila kaya nagpatayo sila ng tindahan.
Marunong rin gumawa ng tocino si Nanay, kaya nga nag-request pa siya sa akin na bumili raw kami ng malaking fridgider. Kaya ayun nga, may tinda na kaming longgnisa at tocinong baboy na ginagawa ni Nanay. Si Tatay naman pinatigil na namin sa pagmamaneho ng jeep. Matanda na rin si Tatay, magka-edad lang mga magulang ko. Nasa 60 na sila. Kaya, 'di baleng ako na ang magpakahirap sa trabaho. Gusto ko kasing makapag-relax-relax na lang sila.
Makaraan ang tatlong minuto ay sinagot na rin nila ang tawag ko.
"Hello, Nay, Tay!" masayang bati ko sa kanila.
"Anak, kumusta ka diyan?" tanong sa akin ni Nanay.
"Maayos naman po, 'nay. Ganda ng bahay natin, ah. Bagong pintura."
"Oo, anak. Pinaaayos namin ang bahay natin. Para kapag umuwi ka rito maayos na ang bahay mo," sabi ni Nanay.
"Gusto ko sana may kubo sa likod natin. Bahay n'yo iyan. Masyadong malaki para sa akin iyan."
Ayaw ko kasi ro'n kasi pakiramdam ko naroon ang lahat ng ninuno namin. Creepy. Bahay matanda kasi iyon. Kahit ilang beses pang ni-renovate amoy matanda pa rin."Loka, sino pa bang magmamana nitong bahay. Eh, ikaw lang ang nag-iisang anak namin." Sabi ni Nanay na hindi binibigyan ng chance magsalita si Tatay. Nakakatawa silang dalawa.
"'Tay, wala ba akong ibang kapatid para magmana ng bahay ninyo." Tumawa naman si Tatay sa biro ko. Si Nanay naman. Napasimangot.
"Paano magkakaroon ng anak iyan sa iba. Eh, patay na patay sa akin ang Tatay mo. Subukan lang niya." Minulagatan pa ni Nanay si Tatay.
"'Nak, habang tumatagal lalo kang gumaganda, ah," sa wakas nakasingit rin si Tatay sa usapan.
"Natural mana sa akin iyang anak mo," masungit na sabi naman ni Nanay.
"Mercedes, mana sa akin ang anak natin. Kita mo ilong ang tangos. Kasi may lahi kaming kastila. Ang pango mo kaya." Pang-aasar ni Tatay kay Nanay. Nag-aaway na silang dalawa. Parang teenager lang.
"Oo na, kastilang panot!" ganti ni Nanay.
"Paano kasasabunot mo. Ayan tuloy nakakalbo ako." Reklamo ni Tatay.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
General Fiction✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...