Chapter 1
"Mga bakla!" tawag pansin sa amin ni Waldo na papunta sa puwesto namin. Hindi ko siya pinansin dahil busy kami sa ginagawa namin.
Kasalukuyan kasi kaming nagli-leak test ng right wing fuel tank. Kinonekta ko na muna ang air pump sa air pressure gage.
"Manuel, ipa-pump ko na ito. Paki-ready mo na 'yung tubig na may sabon at 'yung sponge, okay? May mga basahan na ba diyan?" tanong ko pa. Tumango naman si Manuel at sumenyas na okay na.
"Okay, ready to pump na ako. Wait 'yung pa lang sealant akin na." Binigay naman niya sa akin ang hiningi ko. Itinabi ko sa maliit na mesa sa tabi ko.
Nag-umpisa na akong bombahan ang wing tank. Nakakahingal dahil sinasagad ko ang air pressure nito. Nakakalaki ng muscles. Nakasagad na ang air pressure na makikita mo sa gage. Madali kong tinanggal ang air pump para matakpan ko ng sealant ang pipe ng gage. Tapos sinenyasan ko na si Manuel na sabunin na nito ang wing tank skin ng kabilaan. Dapat din niyang padaanin ng sabon 'yung mga rivets. Tinulungan ko na siya sa pagsasabon at sinuri ang mga access cover ng wing kung walang leak. Para ka lang din nagli-leak test ng gasul. Same procedure na kapag may bumula sa nadaanan ng sabon ay mayroong leak ang wing tank. Dahil busy nga kami, si Waldo kanina pa nakatayo sa gilid namin at pinapanood kami.
Mahirap kasi kapag may leak ang wing tank baka magkaroon nang aberya kapag nilagyan na ito ng fuel. Alam ko makabago na sa iba ang pagli-leak test ng wing tank pero dito sa kompanyang ito old school pa rin. Ang dami na nga rin na makabagong gamit pero dito pahirapan pa rin ang proseso ng paggawa.
"Ma'am Meria, may leak." Sabi ni Manuel.
Tiningnan ko't may leak nga sa ikatlong hilera ng access cover dahil sa naglalakihang bula. Ang laki ng singaw.
"Sige, ulitin na lang natin hanggat 'di natin nakikita 'yang sumisingaw diyan huwag nating titigilan. Tanggalin mo na ang naka-sealant sa labas. Ikaw na muna bahala diyan, kausapin ko lang si Waldo." Bilin ko kay Manuel.
Hinila ko si Waldo papunta sa likod sa may mga paleta.
"Oras ng trabaho naglalakwatsa ka. Anong meron?" agarang tanong ko kay Waldo baka kasi makita kami ni Dragona dito at magsumbong na naman sa Head namin.
"May chika ako," aniya.
"Ano 'yun? Siguraduhin mo lang maganda 'yan." Saad ko.
"Kinausap kasi ako ni Sir Wright kung sino daw puwede kong irekomenda para makasama ng anak niya. Need daw kasi nito ng bagong sekretarya slash all of the above."
"Anong all of the above?" nakangiwing tanong ko sa kanya. May saltik talaga itong si Waldo.
"Iyong flexible sa lahat ng trabaho. Umalis na pala si Kaka doon kasi daw napakaguwapo ng anak ni Sir Wright."
"Bakit hindi ba ma-take ni Kaka ang kaguwapuhan no'n kaya siya umalis?"
"Hindi, hindi niya ma-take ang ugali. Sobrang sungit daw no'n at laging nakasigaw."
"So, ilang araw ba si Kaka doon?"
"Anong ilang araw? Baka kalahating araw lang kamo," natatawang kuwento niya.
"Talaga? Bakit? Gaano ba kasama ang ugali noon at pinangingilagan siya?" curious kong tanong.
"Ay si Maria! Interesado..." Kantiyaw pa niya sa akin.
"Ilang beses ko ng sinabi sa iyo na hindi Maria ang pangalan ko! It's ME-RI-YA! Gets mo?!" naiinis kong sabi, ayaw ko kasing tinatawag akong Maria. Kapag nagmamadali sila imbes na Meria. Hoy! Maria! Maria! Ang tawag nila sa akin.
"Okay, Meria kung Meria ang name sung mo. Pero kapag natisod ako back to Maria!" pang-aasar na naman niya.
"Oo na, so, ano na bakit masama ugali ng anak ni Sir Wright? Kanino nagmana 'yun?" tanong ko uli.
"Oo nga ano, kanino ba nagmana 'yun? Eh, ubod ng bait ni Sir. Saka wala naman iyong nanay. Hindi ba matagal ng nabalo si Sir?" pang-iintriga na naman niya.
"Ay nako. Huwag na natin silang pakialamanan. Naku, Baks! Bumalik ka na sa puwesto mo. Kailangan ko pa lang tapusin 'yung ginagawa ko." Tinaboy ko na siya't bumalik na sa puwesto niya.
Binalikan ko ang kasama ko. Tinuruan ko na ito sa dapat niyang gawin. Bagong pasok kasi ito kaya medyo nangangapa pa. Sabagay halos pare-pareho naman kami sa umpisang nangangapa. Wala namang madaling trabaho, lahat naman dumadaan sa hirap bago malasap ang tinatawag nilang sarap. Huwag green minded.
Mabuti nga at kahit dayuhan si Sir Wright ay mas pinili pa nitong tulungan ang tulad naming kapos palad. Disi otso ako nang magsimulang magtrabaho dito. Ngayong 28 na ako nandito pa rin ako, para kasing ang hirap iwan ang nakagisnan mo na. Malaki naman ang pasahod at sa ngayon ay nakakatulong naman ako sa amin. Dati dalawang cessna plane lang ang
pina-fabricate namin. Ngayon pang world class na sa dami.DCW SHEET METAL WORKS is a multi-tasking company where we can fabricate and repair an airplane. And also, we offer airplane assembly and installation kasama na rin iyong paglalagay ng designs kung anuman ang naisin ng buyer. Pero iyong sa system electrical operation at engine functioning ay hindi na namin saklaw iyon dahil iyon ay trabaho na ng mechanic staff na ginagawa pa sa California. Isang malaking landing field sa California ang binili ni Sir Wright para doon na rin isagawa ang flying test ng mga eroplanong natapos na. Malaki naman kasi ang nabiling lugar ni Sir Wright sa California at may mga pinoy din na na-transfer na doon.
"Meria, tawag ka ni Sir Wright," sabi sa akin ni Ate Vi. Malayo na pala ang itinakbo ng isip ko. Ano naman kaya ang kailangan ni Sir?
Kumatok ako ng isang beses.
"Come in," sabi ng nasa loob na si Sir Wright.
Nang nasa harapan ako nito ay malaya kong napagmasdan si Sir Wright. Guwapo pa rin ito kahit nasa edad 55 na siya. Matangos ang ilong at kulay abo naman ang mga mata nito. Maamo ang mukha niya. Ayon sa mga kasama ko na mahilig sa mga tsismis. Ang asawa daw ni Sir ay isang visaya from Cebu. Pero namatay daw ito nang mga nasa edad sampo daw ang nag-iisang anak niyang lalaki. Ang alam ko pa nga iyong DCW ay initials ng pangalan ng anak nito.
Pero hindi naman namin nakikita ang anak ni Sir Calixto. Ewan nga kung bakit hindi na ito
nag-asawa pa. Bata pa naman ito sa edad niya, marahil ay mahal niya ng sobra ang asawa niya kaya hindi na nito naibaling pa ang pagtingin sa iba. Idol ko na talaga si Sir, kasi dakila siya kung magmahal. Sana makahanap din ako ng katulad niya."Meria, are you listening to me?" he said and snapped his fingers in front of my face.
"A-a... ho?" nasabi ko.
"I said, ikaw ang ipapadala ko sa Wright's Village para makatulong ng anak ko," mahinahon niyang saad.
Ang cute talaga ni Sir Calixto na mag-tagalog hindi talaga trying hard. Biglang may nag-sink in sa utak ko.
"A-ano, Sir? Ako ang ipapadala mo doon?"
Nakakalokong tango ang ginawa ni Sir Wright.
"Meria, bawal ang tumanggi. Huwag mong sukuan ang anak ko tulad nang ginawa ng mga naunang pinasama ko doon. Ikaw na lang
pag-asa ko. Alam ko masipag ka at mahaba ang pasensiya mo. You are the perfect match for my son, Meria.""Sir talaga... parang sira. Wala pa naman akong sinasabi. Sukuan agad? Palabiro po talaga kayo Sir." Ngumiti ako sa kanya.
"Alam ko, makakatagal ka sa anak ko. Alam mo naman siguro kung anong impresyon ng mga tao sa anak ko?" nakangiting sabi niya.
Kunwari ay iwinasiwas niya ang dalawang kamay sa ere. "Asus si Sir, hindi naman po ako ganoon ka judgemental." Paglilinis ko ng sarili. Ang totoo pinag-uusapan namin ang anak nito.
"I hope you don't mind if bibiyahe ka na mamayang hapon? Marami kasing work loads ang anak ko. He badly needs help. So ikaw ang naisip kong ipalit kay Kaka. Iyong huli niyang nakasama."
Gosh! Right away talaga?! Ngumiti ako kay Sir Wright. Mukhang mapapasubo ako nito. Gusto kong umurong pero ayaw kong ma-disappoint si Sir Calixto. Napatango ako nang wala sa oras.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Fiction générale✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...