Chapter 17 ✈🛩

2.7K 53 13
                                    

Chapter  17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter  17

Mula nang nilayasan ako ni Meria ay hindi man lang niya nakuhang magpaalam sa akin ng maayos. Ang dami niyang iniwan na trabaho rito. Napaka-unprofessional niya. Ni hindi man niya nagawang ibigay sa akin ang resignation letter niya. Hinayaan ko na lang muna, umaasa pa rin naman akong babalik siya. Walang alam si Dad kung ano talagang nangyari sa amin ni Meria. Basta sinabi ko na lang na nag-resign na siya. Pero hindi kumbinsido si Dad. Base sa reaksiyon nito noong umuwi ako sa bahay.

Inaamin ko medyo nami-miss ko na ang babaeng iyon. Nag-iimagine nga ako na kasama ko siya ngayon sa loob ng office at nakaupo siya sa puwesto niya. Pero walang Meria na nakaupo roon. Bigla tuloy akong nalungkot na mag-isa. I sighed heavily. Wala na akong nagagawang tama sa trabaho ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang kamay. Wala na nga siguro siyang balak bumalik. Pati gamit niya wala na akong makita sa loob ng kuwarto niya.

Nakakatawa. Bakit ko nga ba siya hinahanap-hanap ngayon? Para akong tangang mag-isang nagmumukmok sa loob ng office ko. Wala nang maingay, madaldal at iyong nakabusangot na si Meria kapag inis na inis na sa akin. I rested my head on my swivel chair and crossed my arms. Sobra ko yata siyang na-miss. Wala pa ngang isang linggo buhat noong layasan niya ako. Wala man lang kaming closure. I took a breath. I was wrong. I hope she can forgive and forget about me. I was about to close my eyes when a two familiar faces invaded my office room. Napabalikwas tuloy ako. Sa sobrang inis ko sa dalawa ay dinampot ko ang mga ballpen na nakalagay sa aking mesa. Saka ko ito hinagis sa kanila. Wala lang, pinagtawanan lang ako ng dalawang istorbong ito.

"Easy ka lang, Dean. Ang init naman ng ulo mo?" Ferho said. Kinuha nito ang upuan ni Meria at akmang uupo doon pero binawalan ko siya.

"Huwag mong uupuan iyan. Itabi mo iyan sa sulok." Ferho and Silver chuckled. Nagtinginan pa ang dalawa. Walang nagawa ang dalawa kundi tumayo na lang.

"Ilang araw pa lang nawawala si Meria, balbas sarado ka na. Para kang tumanda sa hitsura mo, Bro. Mag-shave ka nga!" tatawa-tawang biro ni Silver sa akin.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Ferho kay Silver.

"Huwag ninyong pakialaman ang hitsura ko. Para kayong mga bakla! Anong meron at ginugulo ninyo na naman ako rito?" naiirita kong tanong sa dalawa.

"Cool ka lang, highblood ka masyado," nakangiting sabi ni Ferho. Lumapit siya sa table ko at may ipinatong doon na puting envelope. Binuksan ko iyon. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang nilalaman noon. Resignation letter ni Meria. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa dalawa.

"Sinong nagbigay nitong resignation ni Meria?"

"Siya mismo. Nag-meet kami kanina lang. Hindi pa rin pala siya nakaalis ng Manila. Ngayon pa lang siya uuwi sa probinsiya. Baka nga nasa biyahe na siya ngayon," malungkot na sabi ni Silver.

"Fuck! Bakit hindi siya mismo ang nag-abot nitong resignation niya?! Nakakatampo naman si Meria, o!" inis kong sabi.

"Uy... namimiss niya." Magkapanabay pang tudyo ng dalawa.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon