Chapter 5 ✈🛩

3.3K 67 1
                                    

Chapter 5

Hindi ko maiwasang tingnan si Sir Dean habang nagda-drive ito. Pauwi na kasi kami sa Wright's Village. Sino ba naman kasing babae ang hindi hahanga sa taglay niyang kaguwapuhan. Kanina sa Jollibee ay para siyang naglalakad na aparisyon, kulang na lang ang mga babae ay maglaway na ng dugo at mangisay sa harap nito,  na akala mo ay nae-engkanto sa taglay nitong kakisigan.

Kahit naman ako ay nakakaramdam ng atraksiyon sa nilalang na ito. Kahit na matagal ko na siyang kasama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi hangaan ito. Mas triple ang kaba ko dahil iniiwasan kong magkagusto sa kanya. Dahil literal na nakasaad sa kontrata na bawal akong ma-fall sa kanya.

Panaka-naka'y sinusulyapan ko siya. Kung kanina ay nakakangiti ito. Ngayon naman ay todo busangot ito. Bigla kasing bumagal ang daloy ng mga sasakyan.

"Gabi na nga. Traffic pa rin... tsk," narinig kong bulong niya. He pulled out his cellphone from his pocket. Kumunot ang noo niya dahil nagbi-blink ang cellphone niya na naka-vibrate. He doesn't like his cellphone having a sound. He sighed heavily and answered his phone. "Are you sure of that? Okay, you'll recieve your payment early tomorrow morning." Sabi niya sa kausap at mabilis niyang tinapos ang tawag. Tahimik lang akong nakikiramdam pero sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko kung paano siya ka-beastmode ngayon.

Nang makaalpas na kami sa trapiko ay mabilis niyang pinasibad ang sasakyan. Lumiko kami sa hindi pamilyar na lugar. Naglakas loob akong magtanong. "Sir, iba na po ata iyong dinadaanan natin?" Para lang akong nagtanong sa hangin. Hindi niya ako kinibo. Tahimik lang at seryoso siyang nagmamaneho. Pero ang bilis niya talagang magpaandar. Mabuti na lang
naka-seatbelt ako, pero hindi pa rin maiwasang nauuntog ako sa side window. Para kaming hinahabol ng sampung kabayo sa inaasta niya ngayon.

"Sir! Dahan-dahan naman, ho, baka mabangga tayo!" naibulalas ko. Ang sakit ng gilid ng ulo ko.

"This is a matter of life and death!" pasigaw na sabi niya.

Nag-slow down lang kami dahil papasok kami sa isang exclusive subdivision. Hindi na kami hiningan ng i.d sa may guard house. At pinapasok na rin kami. Mukhang kilala naman si Sir dito, napansin ko lang.

May nakasalubong kaming sasakyan na kulay itim na SUV. Tapos bigla na lang hinarang ni Sir ang sasakyan.

"Kahit anong mangyari huwag kang lalabas sa kotse!" nagtataka man ay tinanguan ko na lang siya. Bigla akong kinabahan nang pinagsisipa ni Sir Dean ang gulong ng SUV.

Nagwawala siya na parang hinahamon na pinabababa ang nakasakay doon. Mula rito ay kitang-kita ko ang pagbaba ng isang maputing lalaki. Para itong Chinese. Guwapo rin. Puwede na. Tapos nagsasagutan ang dalawa base sa reaksiyon ng mga mukha nila. Hindi ko naman marinig kung anong pinag-aawayan nila.

Napasinghap ako nang magsimula ng
magsuntukan ang dalawa. Lumabas ang babae sa sasakyan at sigaw nang sigaw. Inaawat niya ang kasama nitong lalaki. At hindi pa rin tumitigil ang dalawa dahil pareho ng may mga tama ang mukha ng isa't isa. Niyakap ng babae ang kasama nitong lalaki. Pero nakahalugpos pa rin ito at isang suntok, tadyak sa tagiliran ang iginawad niya kay Sir Dean dahilan nang pagsadsad nito ng pahiga sa malamig na kalsada.

Naguguluhan ako.

Hindi ko na makayanan ang mga nangyayari. Bumaba ako nang sasakyan. Hinarang ko ang katawan ko nang akmain pa ng lalaki na tadyakan pa ang walang kalaban-laban na si Sir Dean.

"Tama na! Panalo ka na! Hindi na nga lumalaban iyong tao sumisige ka pa rin!" sigaw ko sa lalaki at sinamaan ko ng tingin ang lalaki. Iyong babae umiiyak na nakayakap sa lalaki. Hindi naman kumibo iyong dalawa sa inasal ko.

Inalalayan kong tumayo si Sir Dean pero ayaw niyang pahawak sa akin. Tumayo siya ng matatag. He spit the blood from his mouth. Nakipagsukatan siya ng tingin sa lalaki pagkatapos ay binalingan naman niya ang babae.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon