Chapter 20
Kinabukasan, hindi ko iniimik si Sir Dean. Naiilang kasi akong kasama siya rito sa bahay. Mabuti na rin at binalikan siya ni Sir Ferho kagabi, bitbit nito ang isang malaking traveling bag na naglalaman ng gamit ni Sir Dean. Pagkatapos ay sumibat din naman ang kaibigan nito. Ano ba naman kasing naisipan ng mokong na ito? Bakit naman kasi dito pa naisipang mamasyal? Sana umuwi na siya, kasi paniguradong maiinip lang ito sa amin.
"Good morning, Meria," malambing na bati ni Sir Dean. Nakaupo siya sa aming sosyal na sosyal na sofa habang siya'y nagkakape. Nagtataka lang ako, bakit ang tahimik ng buong bahay?
"Nasaan sina Nanay at Tatay?" tanong ko.
"Maaga silang umalis, mga 3am. Nasa market," sagot niya.
"Nag-commute ba sila?" tanong ko uli.
"Hindi, e. Ginamit nila iyong motor ninyo."
"Ah, ganoon ba?"
"Hindi ba nahihirapan sina Nanay at Tatay gamitin iyon? I mean they are already old." Sabi niya.
"Malalakas pa ang mga magulang ko, no worries!" sabi ko naman.
"Ibibili ko na lang sila ng Van. Kung okay lang sa iyo?"
Okay lang naman sa akin para makatipid ako at hindi na mabawasan ang ipon ko sa bangko. Mahirap na, baka kasi tumandang dalaga ako, wala akong pera. Kaso lang, baka naman isumbat niya pa sa akin ang van na iyon.
"Pag-iisipan ko muna, Sir Dean," sabi ko. Pagkatapos ay iniwan ko siya sa magara naming sala. Sosyal kami. Ganoon talaga, dahil iyan sa katas ng Mercedes's Tocino.
---
Letseng lalaking ito, feelingero talaga. He can't even help me in this house. He's just watching me the whole day in our store. Si Nanay at Tatay naman, puro okay nang okay sa kanya. Naintindihan kong bisita siya, pero ako ang anak nila. Hindi siya!
"Hey, you!" sigaw ko sa kanya. Tinuro pa niya ang sarili niya. Nakaupo siya sa gilid ng tindahan na may sementadong upuan. Tawa-tawa pa ang mokong. Kakuwentuhan kasi niya ang mga tambay. Lumapit siya sa akin.
"Meria, bakit?" kunot-noong tanong niya.
"Magbantay ka rito, huwag kang magpapautang! Maliligo muna ako. Iyong presyo nakapaskil doon sa taas ng mga sardinas. Iyon o!" Itinuro ko ang nakasabit na karton. Tumango lang siya ng walang reklamo.
Pagkatapos kong maligo ng ilang minuto. Actually, nagwisik-wisik lang ako ng isang tabo. Mahirap na baka kupitan pa ako ni Sir Dean sa tindahan kaya nagmadali ako. Bumalik uli ako sa tindahan. Aro Josko! Hindi siya magkandaugaga sa pagbebenta. Sumilip ako sa labas ng tindahan, ang daming nakapilang mga tao. Ano ito end of the world? Bakit kapag ako ang nakatoka rito, hindi naman ganyan karami ang bumibili? Malas pa mga kapag si Meho ang customer ko. Luging-lugi ako sa taong iyon.
"Anyare?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. May dalawang babaeng nasa early 20's ang nakaharap sa amin para bumili.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto nila." Sagot niya.
"Hoy, bibili ba kayo?!" tanong ko sa dalawang babaeng makapal ang mukha. Este, makapal ang kolorete sa feslak. At nakasuot pa ng pekpek shorts. Jusko, nag-panty na lang sana sila.
"Nasa menoposal stage na yata si Meria, friend." Nagsalita ang babaeng nguso. Nagpanting ang tainga ko! Ito namang katabi ko parang bingi, hindi man lang ako ipinagtanggol. Allergic ako sa meno-menopose na iyan!
"Neng, mahiya ka nga sa balat mong hindi pantay-pantay ang pagkaputi, kulang ka yata sa budget kaya mukha ka ng espasol!" galit na sabi ko.
"Okay lang magmukhang espasol, kaysa naman sa gurang na! Wala nang magkakagusto sa iyo, Meria! Malapit nang magsara ang bukana mo. Kaya matakot ka na!" sabi naman ng babaeng pangongers ang ilong tapos humalakhak pa siya na parang impaktita. Hindi ako makakibo. Bigla akong nalungkot. Wala na ba talaga akong pag-asa? Napayuko ako. Pakiramdam ko nasukol ang pride ko.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Ficción General✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...