Chapter 2 ✈🛩

4.2K 78 8
                                    

Chapter 2

Sinabi ko kay Waldo iyong pinag-usapan namin ni Sir Wright. Then he already told the whole production staff na ililipat na ako sa Wright's Village. Kung saan naroroon ang anak ni Sir. Pagkatapos ay nagkaroon din kami ng meeting kung sino ang ipapalit sa puwesto ko, but Sir Wright told Waldo to replace me. Walang nagawa si Waldo, tuwang-tuwa pa nga ito.

Nagpaalam ako kay Waldo at sa iba pang mga ka close ko sa production. Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Sigurado mami-miss ko ang mga kasamahan ko dito.

---

"Ineng, nandito na tayo," sabi sa akin ni Mang Jesus na driver ni Sir Wright. Hindi kasi niya ako pinayagang magbiyahe mag-isa kaya heto at pinahatid na lang ako sa Wright's Village na
pag-aari din ni Sir. Sakop pa rin naman ng Metro itong lugar, pero exclusive lang kina Sir Wright at sa nag-iisang anak nito.

Bago bumaba sa kotse ay nag-inat-inat muna ako. Masakit ang likod ko. Tiningnan ko ang relos ko, alas otso na pala ng gabi. Binuksan ni Mang Jesus ang pinto ng sasakyan, nasa back seat kasi ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at isinukbit sa kanang balikat ko. Iyong mga gamit ko dalawang kalakihang traveling bag at binitbit na ni Mang Jesus. Bago kami nagpunta rito ay dumaan kami ng apartment para kunin ang mga gamit ko. Bahala na si Waldo do'n, tutal na-text ko naman na siya kanina.

Kumatok si Mang Jesus, sa pangatlong subok ay may nagbukas na ng pinto. Bumungad sa amin ang babaeng halos kasing edad din ni Mang Jesus. Nagpalipat-lipat nang tingin sa amin ang matandang babae. Tapos sinenyasan na kaming pumasok na sa loob. Hindi naman ganoon kalakihan ang bahay pero maganda ito, literal. May dalawang kuwarto sa itaas at may isang kuwarto naman sa ibaba. Kompleto rin ito ng mga mamahaling kagamitan.

Tumikhim ang matandang babae na nagpabalik sa huwisyo ko, ang ganda kasi ng bahay kaya mapapahanga ka talaga.

"Ako pala si Tale, kapatid ko si Jesus." Ngumiti siya sa akin at bumaling kay Mang Jesus.

"Kumusta po kayo, Nanay Tale?" nakangiting tanong ko.

"Okay naman, Ineng. Kanina ka pa hinihintay ni Sir," sabi niya.

"Ganoon po ba? Saan ko po ba puwedeng iwanan itong mga gamit ko?" Tukoy ko sa mga bag na dala ko.

"Halika, samahan muna kita. Jesus, sasabay na ako sa iyo pag-uwi ng mansiyon." Sabi pa niya at tumango lang si Mang Jesus.

"Hindi po ba kayo dito nakatira?" Baling ko kay Nanay Tale. Sabay bukas nito sa nag-iisang kuwarto sa ibaba pagkatapos ay pumasok na kami sa loob.

"Naku, Ineng. Sa mansiyon ng mga Wright ako nakatira, dinalaw ko lang ang alaga ko para mapagsabihan siya. At inayos ko na lahat ng kalat dito sa bahay niya," saad niya.

Napapakamot ako ng ulo. "Akala ko po kasi may makakasama ako?" sabi ko na biglang nalungkot. Wala man pala akong makakausap dito. Paniguradong mapapanis niyan ang laway ko.

Ngumiti si Nanay Tale sa akin at tinapik ako sa kaliwang balikat ko. "Huwag kang mag-alala mabait naman ang alaga ko, hindi ka pababayaan no'n."

Pagkasabi noon ay lumabas na kami ng kuwarto. Hindi na ako nag-komento pa sa sinabi niya.

"Aalis na po ba kayo?" tanong ko sa kanila at tumango naman sila. Ano nga bang gagawin ko? Magre-report na ba ako? Gabi na.

"Ineng, aalis na kami at gumagabi na. Paki-lock na lang ang pinto. Kumain ka na muna kaya? May niluto naman ako riyan. Pagkatapos umakyat ka sa itaas, hinihintay ka na ni Dean. Iyong may nakalagay na OFFICE sa pinto. Nandoon siya." Bilin ni Nanay Tale.

Lumabas na ang dalawang matanda at naiwan naman akong nakatanga. Ano nga bang gagawin ko? Kinakabahan ako.

Nagtungo ako sa taas at nang tumapat ako sa pinto na may nakasulat na OFFICE ay kumatok na ako. I-aangat ko pa lang ang kamao ko para kumatok ay may nagsalita na mula sa loob niyon. "Come in." Napakabaritono ng may-ari ng boses. Kaya naman pala, e, may cctv camera na
naka-install sa labas ng office niya. Kanina pa siguro niya ako nakikita sa monitor sa loob. Nakakahiya naman hindi pa naman ako nakapagsuklay. Bahala na nga.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon