Chapter 13 ✈🛩

2.9K 63 4
                                    

Chapter 13

"Meria, gising na," narinig kong bulong ni Sir Dean. Nakapikit pa ako. Naramdaman ko na lang ang banayad na pagtapik niya sa aking pisngi. Kaya nagmulat na rin ako ng mga mata ko at kinusot-kusot ang mga ito. Nakakatamad, gusto ko pang matulog kaso hindi na puwede. Umayos na ako at nginitian ko si Sir. Wala naman reaksiyon.

"Good morning, Sir Dean!" pinasigla ko ang boses ko. Tinanguan lang niya ako, as usual masungit pa rin si kuyang. Bumaba na siya ng sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan din niya ako ng pinto. Saka ako bumaba at isinarado ang pinto ng kotse.

Ginising ako ni Sir Dean kaninang mga 4 am. So, mga 4:30 am ay nagbiyahe na kami. Kanina sa biyahe niya lang sinabi kung saan lugar kami pupunta. At dito pala sa Clarkfield Pampanga iyon. Saktong alas siyete ng umaga na kami nakarating.

"Tara na!" maangas na aya ni Sir Dean sa akin. Nauna na siyang naglakad at nakasunod lamang ako sa likuran niya. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ba talagang pakay namin dito. Napansin ko lang na napakalaki ng puting building na ito. Meron siyang limang palapag. At ang pangalan ng building ay SILVESTRE'S AVIATION.

Nakarating na kami sa entrance ng building at pinapasok na kami ng guard. Marahil ay kilala na nila si Sir Dean. Nagulat ako nang maglipana ang mga lalaking naka-uniporme ng pang piloto. Ang ilan ay white t-shirt na may nakasulat na Aeronautics. Sapantaha ko ay isa rin itong eskuwelahan. Hindi lang isang training ground para sa mga piloto. Mas mabuti nga naman kung ganito. Hindi na lalayo pa kapag nag-OJT ang mga estudyante.

Patuloy lang kami sa paglalakad at lumiko kami pakanan. May nakasalubong na naman kaming mga estudyante. Ako naman ay nakayukong naglakad. Namalayan ko na lang na nasa exit door na pala kami dadaan at nabuksan na ni Sir Dean ang pinto. Sumalubong sa amin ang malamig na hangin.

Nakita ko ang paligid, napakalawak nito. May dalawang Cessna 180 at Cessna 170 ang nakalabas sa mga hangar nito. May dalawang taong sumalubong sa amin. Nakasuot ng overall suit na kulay gray. Kinamayan ni Sir Dean ang dalawa.

Ako naman ay nakanganga lang sa taglay na kaguwapuhan noong isa, chinito siya. Ang isang kasama nito mukhang manyak pero may hitsura rin naman. Dumako ang tingin ng dalawa sa akin. Nginitian nila ako. Pero kimi akong gumanti ng ngiti dahil nahihiya ako.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang masamang tingin ni Sir Dean sa dalawa.

"Is it already done?" nakasimangot niyang tanong sa dalawa. Hinayaan ko lang silang mag-usap.

"No, Sir. Iyong pong instalasyon ng floating kit ay on going pa rin. But we already recondition your plane. Iyong float na lang po ang hinihintay natin," sagot ng chinitong lalaki na nakangiti na naman sa akin. Hindi ko siya type!

"Tsk. I thought we're going to fly early. My girlfriend and I are so excited about it," he said seriously. Nanlaki ang mga mata ko. Nagtataka ako sa sinabi niya.

Kaya hindi ko napigilang ibulalas ang saloobin ko. "Huh? May girlfriend na you?" bumaling ang tingin namin sa isa't isa. Seryoso pa rin si Sir Dean. Nadismaya ako. Ang sakit!

Lumapit si Sir Dean sa akin at niyapos niya ako sa baywang. Inilapit lang niya ng pasimple ang bibig niya sa tainga ko at bumulong. "Tanga. Ikaw ang girlfriend ko." Para akong idinuyan sa sinabi niya.

Totoo ba ang mga sinasabi niya? Kinikilig ako. Kami na ba? Pero hindi naman siya nanligaw sa akin?

"Girlfriend kita habang nandito ang dalawang iyan. Kita mo kanina ka pa minamanyak ng mga iyan," dagdag pang sabi niya. Hindi naman nakahalata ang dalawa sa harap namin. Akala nila ay ang sweet namin. Pangisi-ngisi pa ang dalawa.

Wow magic!

"Ganda naman ng girlfriend mo, Sir," sabi noong mukhang manyak na lalaki ni chinito.

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon