Chapter 18
"Malayo ang tingin... wala naman tinatanaw..."
Narinig kong kinakanta ni Silver. Tumingin pa siya ng nakakaloko sa akin. Nambubuwisit na naman ang ungas. Narito na naman sila sa opisina ko. Wala yata silang nagagawang matino sa buhay nila. Bakit ang hilig nilang tumambay? Isinama na naman pati si Ferho.
"Puwede bang umalis na kayong dalawa rito? Hindi ako makatrabahong maayos sa inyong dalawa," sabi ko.
"Bakit ba ang sungit mo? Binabantayan ka lang, e," natatawang saad ni Ferho saka umupo ang dalawa sa mesang ginagamit noon ni Meria. Upuan na nila ang lahat, huwag lang iyong personal seat ni Meria.
"Mag-shave ka nga, Tol! Ang pangit mo na, o!" nakakalokong biro ni Silver.
"Para kang ermitanyo sa balbas mo! Hindi bagay." Pang-aasar pa lalo ni Ferho. Napapailing na lang ako sa sinasabi ng dalawa. Itinuon ko na uli ang pansin ko sa ginagawa ko. I'm just signing some papers. Pero ang isip ko naglalakbay sa kung saan.
"Masakit pa ba iyang mga pasa mo?" nakangiting pabirong tanong sa akin ni Silver.
Kumunot ang noo ko. Napatigil ako sa aking ginagawa. Sa totoo lang wala naman akong maramdaman.
"Ayos lang ako. Wala lang ito," malamig kong tugon.
"So, anong plano mo ngayon?" seryosong tanong ni Ferho sa akin.
"Anong plano ko? Wala." Naiirita kong sabi. Ang kulit ng dalawa.
"Aba, suplado ang lolo." Pang-aalaska naman ni Silver.
Huminto ako sa aking ginagawa at hinarap ang dalawa. Mahalaga sa akin ang oras ko, pero itong dalawang gunggong na kaibigan ko ay walang ginawa kundi ang sirain ang araw ko.
I crossed my arms. "What are you pushing this time?!" I shouted at them.
"Woah! Easy ka lang, Dean. Huwag kang hot headed masyado. Concern lang naman kasi kami sa iyo. Look at yourself. Kailan ka ba huling nagpagupit? Ang dirty dirty mo na. Ayusin mo na buhay mo, puwede?" Silver said seriously.
Hindi ako kumibo. Magmula kasi nang umalis si Meria sa bahay ay tinatamad na akong mag-ayos ng aking sarili. Mahirap talaga ang ganitong mag-isa. Nahihirapan din akong intindihin ang aking sarili nitong mga nakaraang linggo. Pakiramdam ko kasi ay palaging may kulang.
"Did you already file a case to Jhin?" singit ni Ferho.
"Hindi puwede iyon, Ferho. Malinaw naman na si Dean ang nag-umpisa ng gulo. Sino bang hindi mag-aalburuto? Kissing someone's wife is foul. Below the belt iyon, Bro!" nakangising saad ni Silver at saka bumaling sa akin.
Alam ko, maling-mali iyon. Pero kinailangan kong gawin. May gusto lang talaga akong patunayan sa sarili ko kaya nagawa ko ang bagay na iyon kay Celine. I am still confused.
"Quits lang naman kami ni Jhin. No, worries!" I said to them para matigil na sila sa kadadaldal.
"Iyon naman pala, so, paano pala si Celine? Waley na ba feelings?" Kung magsalita naman si Ferho parang bakla.
Umiling ako.
"Wala na pala, Bro! Ayos!" sabi ni Silver. Pagkatapos ay nakipag-apir pa ito kay Ferho. Natawa na lang ako sa inakto ng dalawa.
"Baka naman kasi may ibang nagpapaligalig sa puso't isip niya?" nakakalokong saad naman ni Ferho.
"Hindi mo ba nami-miss si Meria?" tanong naman ni Silver.
"Why would I miss her?" balik tanong ko, saka ko itinuloy ang ginagawa ko.
"Asus! Kunwari ka pa. Tayo lang naman ang nandito." Ferho said intriguingly. He smiled at me like a maniac.
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
Fiction générale✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...