Samantha's P.O.V.
Life is a bitch, and then you die.
Ilang lalaki pa kaya ang magpapasasa sa katawan ko bago ko ma-meet ang true love ko? Kung bakit naman kasi puro hipokrito ang mga lalaking nakikilala ko. Pare-parehong mahilig umiskor, pero ang gusto lamang seryosohin, 'yung mga virgin. Kapag lalaki ang maraming nakatalik, astig at habulin. Kapag babae ang gumawa, marumi na agad at hindi na karapat-dapat mahalin.
Tangina lang ng double standard nila. Pare-pareho lang silang walang kuwenta.
"Sam, libre ka ba mamaya?"
Napatingin ako kay Travis. Nakangiti siya habang nakasandal sa mesa ko, kunwari'y casual lang ang pagtatanong. Well, ganyan naman lagi ang linya ng mga lalaking gustong umiskor sa akin. Magpapanggap munang interesado sa oras ko bago tuluyang maging interesado sa kung ano ang nasa ilalim ng damit ko.
"Bakit, Travis? Ano na naman ang meron mamaya?"
"Meron akong dalawang tickets sa concert. Gusto sana kitang isama."
Concert daw.
As if naman, 'yon talaga ang ending namin. Suhol lang ang concert, pero ang totoo, gusto lang niyang umiskor afterwards. Alam ko na ang galawan ng mga katulad niya. May kaunting lambing, ilang papuri, tapos isang gabing akala nila sapat nang bayad para makuha ang gusto nila.
Sumama pa rin ako.
Matapos ang concert, dumiretso kami sa condo niya. Pagkatapos ng ilang oras, nakahiga siya sa tabi ko habang hinihingal at nakangisi. Tuwang-tuwa sa sarili na para bang nanalo siya sa isang paligsahan.
"Ang galing mo talaga, Samantha."
I know.
"Next time ulit, ah."
Ngumiti ako sa kanya habang isinusuot ang damit ko.
"Sure."
Fuck you.
Fuck boys.
Fuck all of you sons of bitches.
+++
"Ano ka ba, Sam? Kailan ba darating ang milagrosang pagbabago mo? Para ka kasing karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain!" biro sa akin ng best friend kong bakla.
Nasa paborito naming coffee shop kami. Kaharap ko siya habang abala sa paghahalo ng kape niyang halos puro asukal. He has his own way of slapping me with painful truths in a funny way. Minsan, gusto ko siyang sapakin. Madalas, gusto ko siyang yakapin dahil siya lamang ang taong nakakapagsabi sa akin ng totoo nang hindi ko nararamdamang hinuhusgahan niya ako.
"Manahimik ka na, Ate Vi," sagot ko. "Noranian ako kaya... Walang Himala!"
Napatawa siya, pero agad ding nawala ang ngiti niya nang mapansin niyang hindi ako tumatawa.
"Seriously, Sam. Bakit mo ba winawasak ang sarili mo? Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo?"
Sinipsip ko ang straw ng malamig kong kape at umiwas ng tingin. Sa bintana ako nakatingin, pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa labas na tila may malinaw na pupuntahan. Ako, matagal nang wala.
"Matagal na akong wasak kaya wala nang kailangang wasakin," sagot ko. "Might as well enjoy the ride."
Hindi siya nakatawa. Nakatingin lamang siya sa akin na para bang may gusto siyang makita sa mukha ko. Marahil naghihintay siyang bumigay ako. Baka umaasa siyang bigla kong sasabihin sa kanya ang lahat.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [R18]
RomanceKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...
![Forbidden Love [R18]](https://img.wattpad.com/cover/11542273-64-k589886.jpg)