KABANATA 12

111K 1.4K 49
                                        

Samantha's P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Karl.

Ang gusto niya, magpakasal na raw kami agad. Wala siyang pakialam kung sa huwes o sa simbahan gaganapin ang kasal. Basta ang gusto niya, maging legal na mag-asawa na kami sa susunod na linggo.

Sa totoo lamang, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot sa pagmamadali niya. Ilang araw pa lamang mula nang muli kaming magkaharap nang maayos, pero parang gusto na niyang laktawan ang lahat ng problemang kailangan naming pag-usapan.

"Senyorito... may bisita po kayo sa labas," sabi ng isa sa mga katulong habang magkakasalo kaming naghahapunan.

"Sino raw?" malamig na tanong ni Karl.

"Ah, eh..."

Sumulyap sa akin ang katulong bago muling tumingin kay Karl.

"Ang pakilala niya po, si Danica. Nobya ninyo raw po siya."

Nobya?

May nobya siya?

Agad bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Karl. Namutla siya at napasulyap sa akin, saka sa kanyang Papa.

Umiwas ako ng tingin. Yumuko ako at nilaro-laro ang mga kubyertos sa aking plato. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi pa ako nakabawi sa narinig nang matanaw ko ang isang napakagandang babaeng papalapit sa hapag-kainan. Mahaba ang buhok niya, maayos ang pananamit, at halatang sanay sa marangyang buhay.

Agad niyang niyakap si Karl mula sa likuran.

Hindi naman gumalaw ang lalaki.

"Hun, what's taking you so long here? Akala ko ba isang buwan ka lamang dito sa Pilipinas? Namimiss na kita, eh."

Hinalikan niya si Karl sa pisngi.

Hindi ba dapat tumanggi si Karl? Hindi ba dapat kumalas siya sa yakap ng babaeng iyon?

Pero walang ganoong nangyari.

Nanatili lamang siyang nakaupo, na tila wala siyang balak ipaliwanag kung sino ang bisitang biglang dumating at yumakap sa kanya sa harap ko.

Napatingin ako sa mga brasong nakapulupot sa kanyang leeg. Doon ko napansin ang kaliwang kamay ni Danica.

May suot siyang engagement ring.

"H-ha? K-kailangan kasi ako ni Papa rito," sagot ni Karl.

Nakapako ang tingin ng walanghiya sa akin habang sinasabi iyon.

"Ah."

Kumalas si Danica sa kanya at lumakad nang kaunti papunta sa Papa ni Karl. Inilahad niya ang kanang kamay.

"Hello po. Kayo po pala ang Papa ni Karl. Ako nga po pala si Danica... fiancée niya."

What?!

Tahimik na sumulyap muna sa akin ang Papa ni Karl bago niya inabot ang kamay ni Danica.

"Mabuti naman at napadalaw ka, hija," sabi ng matanda.

"Naku, opo. Ito naman po kasing si Karl, araw-araw ba naman akong tinatawagan para sabihin lamang na mae-extend muna ang stay niya rito. Ang kaso, miss na miss ko na talaga siya kaya heto ako. Ako na ang umuwi."

Nakabungisngis pa siya habang muling hinahawakan ang balikat ni Karl.

Araw-araw?

Talaga lang, ha?

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon