KABANATA 20

109K 1.5K 180
                                        

Karl's P.O.V.

Hindi ko inaasahan ang marubdob na halik na iyon.

Sa pagkakaalala ko, sinabi niyang hindi na niya ako nami-miss at hindi na siya sigurado kung may nararamdaman pa siya para sa akin. Kanina lamang niya sinabi iyon, wala pang dalawang oras ang nakalilipas.

Malinaw pa sa isip ko ang bawat salita bago kami nakatulog nang magkatabi.

Pero ngayon, mahigpit ang mga braso niya sa aking leeg habang patuloy akong hinahalikan.

"I know you're not in your best shape yet," sabi niya sa pagitan ng mga halik. "But I'm dying to make love to you right now."

Iginiya niya akong humiga habang patuloy na hinahabol ng kanyang mga labi ang labi ko. Nang mapahiga ako, marahan siyang pumuwesto sa ibabaw ko.

"You don't need to do anything. Just allow me to love you, mahal ko."

Mahal ko?

Tinawag niya akong mahal niya?

Whoa.

What is going on?

Hindi ako halos makagalaw sa gulat. Dahan-dahan niya akong hinubaran habang hinahagkan ang bawat bahaging nalalantad sa kanyang mga kamay. Nang tuluyan na niyang maalis ang suot ko, naghubad din siya.

"Sam..."

Napapikit ako sa bawat haplos at halik niya. Halos umangat ang kaluluwa ko mula sa aking katawan sa tindi ng nararamdaman.

Lalo iyong naging matamis dahil hindi ko inaasahan.

"Sam, what's happening?"

Nalilito pa rin ako kung bakit bigla na lamang niyang ibinibigay sa akin ang lambing na matagal kong hinihintay.

Tumunghay siya bago gumapang paitaas upang magkatapat ang aming mga mukha. Hinalikan niya ako nang marahan sa labi.

Pagkatapos, siya na mismo ang naglapit sa aming mga katawan.

Napasinghap siya habang marahang pumupuwesto sa ibabaw ko.

"K-Karl... I love you."

Sinimulan niya ang mabagal na pag-indayog.

"I missed you so much."

Mahal niya ako?

Akala ko ba hindi na niya ako mahal?

Nami-miss niya ako?

Akala ko ba hindi niya ako nami-miss?

"Samantha..."

Bagama't nanghihina pa ako dahil sa karamdaman, mabilis na uminit ang buong katawan ko sa bawat galaw niya. Sinubukan kong bumangon upang ako naman ang manguna, pero marahan niya akong itinulak pabalik sa kama.

"Relax, mahal ko. Let me do all the work for now."

Mas binilisan niya nang bahagya ang paggalaw.

"I love you. I missed you so much, Karl."

Nariyan na naman ang mga salitang iyon.

I love you.

I missed you.

At nakadugtong pa ang pangalan ko.

Sa paraan pa lamang ng pagkakasabi niya, mas lalo akong nahirapang pigilan ang sarili ko.

"Sam..."

Parang makakalimutan kong may sakit ako sa ginagawa niya. Halos umikot ang ulo ko sa tindi ng sarap habang pinagmamasdan ang mukha niyang puno ng pananabik.

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon