EPILOGO

105K 1.7K 211
                                        

"Sige, hija, iri na!" utos ng kumadrona.

Bumuwelo naman si Sam para sa isang mahabang pag-iri.

"Ayan na. Nakikita ko na ang ulo niya. Huminga ka nang malalim. Sandali. Sige, iiri ka ulit."

Humiyaw si Sam. "Ang sakit! Hayop ka, Karl! Ayoko na talaga!"

Natataranta si Karl. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi kasi niya inaasahang mapapaanak nang mas maaga si Sam. Kaya heto, dito na ito napaanak sa cottage na pinagbabakasyunan nila sa Aklan.

"Weh?" paismid na sabi ni Onin. Nakahalukipkip ito habang nagpapaypay. "Wala ka nang credibility, neng! Hindi ba iyan din ang sinabi mo roon sa panganay, pangalawa, at pangatlo ninyo? Ibahin mo naman ang script mo this time para bumenta! Nakakalurkey ka. Kung bakit naman kasi nakapag-asawa ka lang, malakdawan ka lang nang kaunti, buntis ka na agad."

"Tseh!" singhal ni Sam kay Onin. "Bakit mo ba ako kinokontra? Eh kung ikaw kaya ang manganak dito!"

"Sure! Eh kung idino-donate mo na lang kasi sa akin iyang mayabong mong matris, I am more than willing na magbuntis at umiri on your behalf. Iyon nga lang, kasama si Karl sa donation. Hmp! Ang hirap naman kasi sa iyo, ang hilig mong mangalabit sa asawa mo, tapos siya pa ang sisisihin mo kung bakit buntis ka na naman! If I know, wala pang isang taon ang batang iyan, may kasunod na naman."

Humalakhak si Onin.

Hinagip ni Samantha ang pinakamalapit na throw pillow at ibinato iyon kay Onin. Sumapol naman ito sa mukha ng huli.

"Manahimik ka nga!" bulyaw ni Sam kay Onin. "Karl, ang sakit."

Bumaling siya sa asawa at iniabot ang kamay. Hinawakan naman iyon ni Karl habang hinahaplos at hinahalikan ang kanyang noo.

"O, sige, hija. Kaunti na lamang ito. Pagkabilang ko ng tatlo, iiri ka ulit, ha? O, sige... isa... dalawa... tatlo..."

Buong puwersang umiri muli si Sam. Sinundan iyon ng pagsilang ng isang sanggol na babae. Pinutol ng kumadrona ang umbilical cord nito at marahang tinapik ang likod ng sanggol.

Tila musika sa mag-asawa ang pag-iyak ng bagong silang nilang anak.

Masaya sila. Sa wakas, nagkaroon din sila ng anak na babae. Puro lalaki kasi ang tatlo nilang nauna. Nagkasunod-sunod ang mga ito taon-taon dahil sa pagsubok nilang magkaroon ng babae.

"Nasaan ang mga bata?" tanong ni Sam kay Karl.

Katabi na niya ang nakabalot na sanggol na kagagaling lamang sa kanyang sinapupunan.

"Huwag kang mag-alala, mahal. Kasama nila sina Mama, Papa, at ang mga yaya sa kabilang kuwarto."

"Ang ganda niya, Karl."

Hinaplos ni Sam ang maliit na mukha ng kanilang unica hija.

"Mana sa iyo," nakangiting sabi ni Karl.

Ngumiti rin si Samantha sa kanya bago nila sabay na pinagmasdan ang bagong silang nilang supling.

"Karl..." pagbasag ni Samantha sa kanilang katahimikan.

"Ano iyon?"

"Salamat, ha."

"Salamat saan?"

"Sa pagbibigay mo sa akin ng ganitong kasayang pamilya. Isang bagay na wala ako noon."

"Mas ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Sam. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magiging ganito kakontento at kasaya sa buhay ko. Alam mong nag-iisang anak lamang din ako, kaya sobrang nagpapasalamat ako sa pagpayag mong bumuo tayo ng mas malaking pamilya. Sulit talaga ang pagpupursigi kong mapasakin ka. Sulit ang mga paghihirap at pagdurusang dinanas natin noon."

Napangiti si Sam sa sinabi ng kanyang butihing mister, na isa ring mabait at mapagmahal na ama ng kanilang mga anak.

"Huli na ba natin ito?" nakangiting tanong ni Sam.

"Kung ako ang tatanungin mo," natatawang sagot ni Karl, "gusto ko pa. Pero ikaw ang inaalala ko. Ikaw ang nahihirapang magdala, magbuntis, at manganak sa mga bata. Nakokonsensiya rin ako na ang pagpupunla lamang ang contribution ko. Unfair pa nga iyon dahil ang sarap-sarap magtanim."

Napahalakhak si Karl.

"Nasa akin ang sarap, nasa iyo naman ang hirap. Kaya sa iyo ko na ipauubaya ang pagdedesisyon tungkol doon. Ayoko ring maisangkalan ang kalusugan mo sa hirap ng pagbubuntis at panganganak."

"I guess we should play it by the ear, then."

"I guess..."

Hinawakan niya ang pisngi ni Sam.

"Ang mahalaga, anuman ang mangyari, magkasama tayo at hindi na maghihiwalay."

Tumango si Sam.

"I love you, Karl."

"I love you too, Sam."

Sinelyuhan nila iyon ng isang matamis na halik.

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon