Karl's P.O.V.
Sa wakas pumayag na siyang mag-usap kami nang maayos. Pero kailangan ko munang mag-concentrate sa pakikipag-usap sa napaka-importanteng kliyenteng ipinunta ko rito para maisara ko na ang aming deal once and for all. Kalahating taon ko na rin kasing tinatrabaho ito. Gusto ko sanang bumilis na ang oras. Pero ewan ba kung bakit naman kung kailan gusto mo itong bumilis, lalong tila bumabagal ito.
Nagmadali akong bumalik sa hotel matapos kong matagumpay na naisara ang deal. Sa sobrang excitement ko, sobra rin ang pagkadismaya ko nang hindi ko nadatnan doon si Sam. Chineck ko ang kanyang mga gamit, nadoon pa naman. Lumabas lang siguro sandali para mamasyal.
Tatlong oras na ang nakalipas, wala pa ring Samanthang dumarating. Nag-umpisa na akong mag-alala. Lumabas na ako ng suite at hinanap ito sa mga common places ng hotel na pwede niyang tambayan. Nagtanong na rin ako sa mga receptionists, staffs at maging sa manager ng hotel. Pero ni isa sa kanila'y walang nakapansin kay Sam.
Lintek na buhay! Wala na akong ginawa kundi ang hanapin siya nitong mga nakakaraang taon. Nakakabagot na ah!
Sa sobrang inis ko, bumalik na lang ako sa suite. Sambakol na ang mukha ko dahil inis na inis na talaga ako sa kanya; pagod napagod na ako sa paghalughog sa bawat sulok ng mundo para lang hanapin siya.
+++
"Saan ka nanggaling?!" Nakasimangot ako. Apat na oras na kasi akong naghihintay. "Madilim na ah."
Bubuka na ang bibig niya para magdahilan, pero inunahan ko na ito para maibuhos ko ang sobrang pagkabuwisit ko sa kanya.
"Hindi kita binabayaran para maglakwatsa!"
Nag-iba ng expression ng mukha niya. Kung kaninang pag-pasok nito'y daig pa ang nalugi, ngayo'y kumunot na rin ang noo nito at pinamay-awangan ako.
"Ako? Naglakwatsa? Mabuti nga sana kung ganun!" bulyaw niya sa akin.
"Puta! Kung hindi ka naglakwatsa eh saan ka nanggaling? Nanlalake ka na naman ano?! Ibang klase ka rin naman, dumayo ka pa rito sa Macau and to my expense!" Mas nilakasan ko pa ang boses ko.
"Alam kong puta ako! Pero kailangan mo ba talagang ipangalandakan 'yan parati sa mukha ko?" Napapahikbi ito.
Huh? Hindi naman 'yun ang ibig sabihin. Dahil nung sinabi ko yung, "Puta," that was just to express my disgust.
"Sorry po senyorito" Umiiyak na ito nang tuluyan. "Naligaw po kasi ang putang ito kaya hindi ito nakabalik agad. Kung gusto niyo, bawasan niyo na lang ang bayad niyo sa putang ito para hindi na kayo manghinayang sa ibinayad niyo!"
Dumiretso ito sa closet kung saan naroroon ang kanyang mga gamit. Kinuha nito roon ang messenger bag na kinalalagyang ng 2.5 milyong pisong cash na ibinayad ko sa kanya at itinapon ang buong bag sa harapan ko.
"Heto na 'yung ibinayad mo! Sa 'yo na lahat. Libre na lang yung nakaraang serbisyo ko. Uuwi na ako sa Pilipinas!" Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha niya.
Bumalik ulit ito sa closet at nag-umpisang mag-impake.
Shit! This can't be happening!
"Sam...sandali." Ipinulupot ko ang mga braso ko sa baywang nya mula sa kanyang likuran at ibinaon ang mukha ko sa kanyang kaliwang leeg. Humahagulhol ito. "I'm sorry Sam, nag-alala lang kasi ako. Ilang oras na kasi kita hinihintay."
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [R18]
RomanceKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...
![Forbidden Love [R18]](https://img.wattpad.com/cover/11542273-64-k589886.jpg)