Samantha's P.O.V.
Hayop siya.
Ang yabang-yabang niya. Kung pagsalitaan niya ako, tila wala siyang anumang naging ambag sa pagkasira ng buhay ko. Para bang nagising na lamang ako isang araw at kusang piniling maging ganito.
Putang ina niya!
Walanghiya siya!
Hindi ako dapat umiiyak. Ipinangako ko sa sarili kong gagantihan ko siya. Papaniwalain kong kaya niya akong bilhin, saka ko siya dudurugin kapag naging kampante na siya. Pero heto ako, naiwan na namang luhaan at talunan.
Wasak na wasak na nga ako, pero bakit tila hindi pa rin siya nakukuntento? Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng nawala sa akin dahil sa kanya?
Siguro nalaman na niya ang ginawa ni Mama sa kanyang Papa. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ganito siya kagalit sa akin. Baka iniisip niyang may kinalaman ako sa mga plano ng demonya kong ina at pinagtatakpan ko ito.
Pero ano naman ang kinalaman ko sa kasalanan ni Mama? Ako nga mismo ang unang naghinala sa kanya. Ako rin ang nagbabala sa mga tao sa bahay bago niya ako pinalayas. Isinusumpa ko siya dahil sa ginawa niya sa Papa ko at sa tangka niyang gawin sa Papa ni Karl.
Hindi ko kasalanan ang pagiging halimaw niya.
Punyetang buhay.
Punyeta ang buhay ko!
Bakit kasi hindi na lamang ako mamatay? Wala na rin naman akong dahilan para manatili sa mundong ito. Bawat taong minahal ko, iniwan ako, pinagtaksilan, o ginamit ang pagmamahal ko upang saktan ako.
Tuyot na siguro ang katawan ko sa kaiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ang sakit kasi.
Sobrang sakit dahil si Karl ang nagsasabi sa akin ng ganoon kasakit na mga salita. Mabuti sana kung kung sino lamang na Pontio Pilato ang umaapak sa pagkatao ko. Kaya kong murahin at kalimutan ang isang estranghero pagkatapos ng ilang araw.
Pero si Karl ito.
Ang una at nag-iisang lalaking minahal ko.
Shit.
Sana huwag muna siyang bumalik sa suite. Hindi ko alam kung paano ko patatahanin ang sarili ko kapag nakita niya akong ganito. Masakit na ang ulo ko sa kaiiyak, at tiyak na mukha na ring siomai ang mga mata ko sa sobrang pamamaga.
Dalawang oras ang lumipas bago siya nakabalik.
Mabuti naman. At least, nakapaghilamos at nakapag-ayos ako. Hindi niya maaaring mahalata na nagtagumpay siya sa pananakit sa akin.
Pero paano ko ba maitatago ang pamumugto ng mga mata ko?
Aha!
Shades.
Napatingin ako sa salaming nasa ibabaw ng mesa.
Shades?
Papagabi na. Mag-shades pa ba ako sa loob ng silid? Baka lalo lamang maging halatang may itinatago ako.
Kung tatadtarin ko na lamang kaya ng eyeshadow ang mga talukap ko?
Hmmm.
Hindi naman kaya ako magmukhang raccoon?
Argh!
Lintek. Bakit ba kasi napaka-iyakin ko pagdating kay Karl? Kahit anong tibay ng loob ko sa ibang tao, isang salita lamang niya, para na akong batang iniwan sa gitna ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [R18]
RomanceKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...
![Forbidden Love [R18]](https://img.wattpad.com/cover/11542273-64-k589886.jpg)