Samantha's P.O.V.
I told him I would think about it.
Tarantadong walanghiya. Talagang pinresyuhan ako na para bang isa akong bagay na puwede niyang arkilahin nang isang linggo.
Kumita ako sa kanya ng isandaan at dalawampung libong piso nang gabing iyon. Ilang rounds?
Go figure.
Hindi ko na rin binilang. Ang mahalaga, sa bawat hawak at halik niya, malinaw na may katumbas na pera ang lahat. Wala siyang karapatang isipin na may kinalaman iyon sa dati kong nararamdaman para sa kanya.
Binayaran niya ako sa pamamagitan ng check dahil kulang daw ang dala niyang cash. Tangina niya. Gusto niya ako? Magbayad siya nang mahal. Wala na siyang makukuha sa akin nang libre, lalo na matapos niyang tapakan ang pagkatao ko noong una kaming muling nagkita.
Pagbalik ko sa apartment, inilapag ko ang check sa ibabaw ng mesa at matagal na tinitigan ang halagang nakasulat doon. Napakalaking pera para sa isang gabi. Sapat iyon upang mabayaran ang renta, mga utang, at ilang buwan kong gastusin.
Pero habang nakatingin ako roon, hindi ko maiwasang isipin na galing iyon kay Karl.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jonathan.
"H-hello?"
"Jon, nakasingil ako ng mga pautang. Gusto ko sanang bayaran 'yung mga inutang ko sa iyo," sabi ko agad.
"H-ha?" Humihingal at sumisinghap-singhap siya sa kabilang linya. "S-sandali lang, Abby. Shit... ahh... m-may kausap ako sa phone."
Napatigil ako.
Oops.
Mukhang maling oras ang pagtawag ko. Halatang may kasama siya at abala sila sa isang bagay na hindi ko na kailangang hulaan.
"Sorry, dude..."
"A-ah, hindi... ano..." Muli siyang napasinghap. "H-huwag na. Huwag mo nang bayaran. Hindi naman malaki 'yon. S-sa 'yo na. Mas kailangan mo 'yon. S-sige, bye."
Narinig ko pa siyang napamura bago tuluyang naputol ang tawag. Hindi ko alam kung dahil kay Abby o dahil naistorbo ko sila sa ginagawa nila.
Napatingin ako sa cellphone.
Wow. Generous much?
Tatlumpu't dalawang libong piso ang kabuuang utang ko sa kanya, tapos hindi raw malaki? Sabagay, barya lamang talaga iyon kay Jon. Anak siya ng isang kilalang hukom at matagumpay ding abogado. Malamang mas malaki pa ang ginagastos niya sa isang gabing inuman.
Pero sino kaya si Abby?
Napangisi ako nang maalala kung paano siya namula noong tinanong ko kung may bago na siyang kinahuhumalingan.
Aha!
Siguro siya ang babaeng dahilan kung bakit ayaw na ni Jon na makipag-"ganoon" sa akin. Mukhang seryoso siya rito, lalo na kung kaya siyang guluhin ng babaeng iyon habang may kausap sa telepono.
Oh, well. Good for him.
Salamat kay Abby, mukhang bumabait na ang walanghiya. Binigay na lamang sa akin ang tatlumpu't dalawang libong piso para makabalik agad sa ginagawa niya.
Hindi pa ako nakababawi sa tawa nang muling tumunog ang cellphone ko.
Unknown number calling...
Tinitigan ko muna ang screen. Bihira akong sumagot sa numerong hindi nakatala, pero baka tungkol iyon sa trabaho o sa perang hinihintay ko.
"H-hello?"
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [R18]
Storie d'AmoreKatropa Series Book 7 [Completed] Language: Filipino [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Adult Romance Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: March 2014...
![Forbidden Love [R18]](https://img.wattpad.com/cover/11542273-64-k589886.jpg)