KABANATA 16

106K 1.4K 154
                                        

Samantha's P.O.V.

Strikto at ruthless na amo si Fidel, pero mabait at malambing naman siyang asawa.

Halos lahat ng bagay, napagkakasunduan namin. Kapag may hindi kami pagkakaintindihan, kalmado niya akong kinakausap at hinahayaan niyang sabihin ko ang panig ko. Hindi katulad namin ni Karl na wala nang ginawa kundi magbangayan at magsakitan.

Mukhang tama nga ang naging desisyon kong piliin si Fidel.

Kung si Karl siguro ang napangasawa ko, malamang araw-araw tataas ang presyon ko.

Lahat na yata ng paraan ng pag-aalaga, ginawa na ni Fidel para sa akin. Sa piling niya, daig ko pa ang isang reyna. Wala pang nag-alaga sa akin nang ganito.

Not even Karl.

"Fidel..."

"Yes?" Nakangiti siyang lumingon sa akin.

Nakaupo kami sa kama. Nagbabasa ako ng paborito kong nobela habang abala naman siya sa pagta-type sa kanyang laptop.

Tsk.

Workaholic talaga.

"Gaano na katagal dito si Leticia?"

Ang tinutukoy ko, ang masungit niyang mayordoma.

"Gaano nga ba?"

Sandali siyang tumingala habang nag-iisip.

"Actually, hindi ko alam. Mayordoma na siya ng una kong asawa bago pa ako tumira rito. Hindi ko na siya pinaalis bilang kortesiya. Bakit?"

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi, ayaw niya sa akin."

Tumawa si Fidel.

"Same here," sagot niya. "I don't think she likes me either."

Muli niyang ibinalik ang tingin sa laptop.

"Alam kong tapat siya sa una kong asawa. Siguro hanggang ngayon, iniisip pa rin niyang pinakasalan ko ang amo niya dahil sa pera. Hindi ko na lamang siya pinapansin."

"Ang hirap hindi pansinin kung araw-araw ko siyang kasama rito. Ewan ko ba, masama talaga ang kutob ko sa kanya."

Natigil ako sa pagbabasa at isinara ang libro.

"Paano naman kasi, kung tingnan niya ako, para bang gusto niya akong patayin."

Natigilan si Fidel.

Dahan-dahan niyang isinara ang laptop at ipinatong iyon sa bedside table. Pagkatapos, tumagilid siya paharap sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.

Kung makatitig kasi siya, tila may gusto siyang sabihin pero hindi malaman kung paano sisimulan.

"Halos ganoon din kasi ang sinabi ng mga sumunod kong asawa matapos mamatay ang una."

"Bakit? Ano ang sinabi nila sa iyo?"

"Na ganyan nga raw tumingin sa kanila si Leticia."

Napakunot ang noo ko.

"Oo, at saka pati ang hardinero mo. Parating masama ang tingin sa akin. Pakiramdam ko, nabubuwisit sila tuwing nakikita nila ako."

"Nagsalita ba sila sa iyo nang masama?"

"Hindi. Pero madalas ko silang nahuhuling nagbubulungan. Kapag nakikita nilang lumalapit ako, bigla silang naghihiwalay. Halata namang ako ang pinag-uusapan."

Kumunot ang noo ni Fidel. Nakatingin siya sa kawalan na tila may sinusubukang buuing sagot mula sa mga alaala niya.

"Hoy."

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon