KABANATA 14

109K 1.4K 65
                                        

Karl's P.O.V.

Isang buwan ko na rin siyang sinusundan. Pinagmamasdan ko siya mula sa malayo sa bago niyang pinagtatrabahuhan o kaya sa labas ng apartment niya. Kung minsan, sinuswerte akong makita siya. Pero mas madalas, ilang oras akong naghihintay nang wala ring napapala.

Ano na naman kaya ito?

Natanaw ko kasing nakaakbay kay Samantha ang putang inang matandang madalas niyang kasama. Napag-alaman kong Fidel Jimenez ang pangalan nito. Animnapu't limang taong gulang, President at CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Samantha bilang sekretarya.

Kung hindi niya hinahawakan ngayon si Samantha, wala sana akong problema.

Pero lintek.

Akin si Samantha. Wala siyang karapatang mang-agaw ng hindi kanya.

"Karl, ano ba?"

Hinila ko ang braso ni Samantha bago pa siya tuluyang makasakay sa kotse ng matandang iyon.

"Teka, sino ka ba?" maangas na tanong ni Fidel.

"Ako ang fiancé niya. Ikaw? Sino ka?" buong yabang kong sagot.

Mag-iingat siya. Magkasingtangkad lamang kami, pero mas bata at mas malakas ako. Kayang-kaya ko siyang patumbahin kapag sinubukan niya akong hamunin.

"Is that true, Samantha?" tanong niya.

"Hell no!" sigaw ni Samantha habang binabawi ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. "He's only my stepbrother!"

"Siya ba?"

Nakangising tiningnan ako ng matanda mula ulo hanggang paa, saka muling ibinalik ang tingin sa mukha ko.

"Ako ba ang ano?" iritado kong tanong.

"Ikaw ang lalaking umabuso sa kanya at naging malaking dahilan ng pagkasira ng buhay niya?"

Natigilan ako.

Ganoon na ba sila kalapit para maikuwento ni Samantha sa kanya ang ganoong kasensitibong bahagi ng buhay namin?

Tiningnan ko si Samantha. Nagbabaga ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

"Pabayaan mo na ako, Kuya Karl. Hindi na ako babalik sa iyo."

Heto na naman.

Tinawag na naman niya akong kuya.

"At kanino ka sasama?" Dinuro ko si Fidel. "Sa gurang na ito?"

"Oo!" buong tapang niyang sagot.

Hindi ko matanggap.

Putang ina.

Tila tinapakan niya ang pagkalalaki ko sa harap mismo ng lalaking pinili niya kaysa sa akin. Kay tagal ko siyang hinanap. Kung ano-anong hirap at aberya ang pinagdaanan ko para lamang makasama siyang muli, tapos ganito ang isusukli niya?

"Bakit, Samantha? Mas marami ba siyang pera?" Sinadya kong galitin siya. "Mas magaling ba siya sa kama?"

Sinadya ko ring insultuhin ang matanda.

Napansin kong sumulyap si Samantha kay Fidel.

"Hindi ko kailangan ang pera niya, gaya ng hindi ko kinailangan ang pera mo noon. Kung mayroon man akong kinuha sa iyo, alam na alam mong pinagtrabahuhan ko ang bawat sentimo."

Kalmado ang boses niya, pero matalim ang bawat salita.

"Gusto mong malaman ang totoo? Oo, mas magaling siya sa iyo. Sobrang mas magaling siya sa iyo sa kama."

Forbidden Love  [R18]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon